Kabanata Labing Siyam

2K 83 7
                                    

Habang naglalakad pauwi si Owen ay may nasalubong siyang isang lalaki na may hilang kalabaw at may salakot na suot para hindi nya masyadong makita ang mukha nito. Nang nakalampas na si Owen ng konti ay nagsalita ito....

" Amang, ang lahat ng nangyayari sa panahong ito ay nakatakda. Huwag mong salungatin,sumunod ka lang sa agos ng buhay. Katulad ng pagsunod sa agos ng tubig masasaktan ka sa mga batong tatama sayo. Pero magpakahinahon ka dahil iyon ang nararapat. Hindi ito ang panahon mo, malapit na yung araw na nakatakda at ang araw ng pagbabalik mo sa iyong panahon. Ngunit kapag walang nakapagbigay sayo ng isang orasa ay hindi ka makakabalik. Lahat ay mababago, at ang pinaka apektado sa lahat ay ang mga taong mahalaga sayo sa panahong ito at sa iyong kasalukuyan. May masasaktan ka kapag nagbago ang lahat. Kaya huwag kang padalos dalos sa mga bagay bagay sa iyong buhay."

Nanatiling nakatalikod si Owen at tila hindi siya nakagalaw sa mga sinabi ng lalaki. Nang wala ng nagsasalita ay agad niya itong nilingon ngunit wala na ito.

Nagmadali siyang naglakad dahil batid niyang ang manlalakbay ang lalaking nakasalubong niya.

Pagdating ng bahay ay nakita nya na nagliligpit sa bakuran ang ilang kaanak nina Oman. Si Fernan naman ay nakaupo sa papag kausap ang isang tiyuhin.
Sa loob ng bahay ay makikitang tahimik ang dalawang bata na kausap ang isang tiyahin.

" Nasaan po si mamay?"

" Nasa silid niya iho nagpapahinga."

Pagsilip nya sa silid ay nakita nyang nakahiga ang mamay nila habang si Oman ay nakaupo sa silya na binabantayan ang ina.

Hindi na lang siya pumasok para igalang ang pagiisa ng magina.

Gabi na ng matapos ang mga dapat iligpit at nagsiuwian na rin ang ilang kamaganak ng pamilya. Tahimik na ang gabi at tila nakikiramay pa rin sa nararamdaman ng mga naulila.

Si Owen na ang nagluto ng kakainin nilang pagkain. Sinaing lang sa kadahilang meron pang natirang ulam na niluto kaninang tanghali.

Sa hapag ay hindi sumama ang mamay nila sa hapunan. Nanatili ito sa silid. Sina Oman, fernan, owen at dalawang bata lang ang magkakaharap na kumakain. Tahimik ang lahat pero maririnig ang paminsan minsang paghilbi ng dalawang bata.

" Alfonso, remedios tama na iyan. Sige na kumain na kayo at baka magkasakit kayo pag hindi kayo kumain."

" Nalulungkot lang po kasi ako manoy fernan. Kasi po alam kong hindi na talaga babalik si papay."

" Alfonso, hindi magugustuhan ni papay kapag ganyan ka. Kailangang tanggapin na lang natin ang lahat at kailangang magpakatatag tayo."

" Opo manoy."

Pagkatapos ng hapunan ay matamlay pa rin ang magkakapatid ay si Owen na rin ang naglinis at nagligpit ng ginamit sa hapunan. Si Fernan naman agad na pumasok sa kuwarto at ang dalawang bata ay sinamahan ang ina sa silid nito. Si Oman ay kinuha ang isang lampara at lumabas ng bahay. Isinabit niya ito sa isang puno at umupo sa papag na pahingahan.
Iba na ang simoy ng hangin dahil nalalapit na ang panahon ng tag ulan.

Lumapit si Owen at umupo sa tabi ni Oman na nakasandig sa dingding ng bahay. Ngumiti siya ng tipid kay Oman na tinugunan naman nito.

" Ok ka lang bro?"

" Maayos ayos na owen. Kumpara ng nakaraang araw. Ngayon unti unti ko nang natatanggap ang lahat."

" Mahirap din para sa akin ang nangyari oman, sa ikli ng pagsasama namin ni papay ay naramdaman ko kung gaano sya kabuting ama sa inyo. Na lahat gagawin para sa pamilya."

" Napakabilis ng pangyayari Owen.....parang yung bulalakaw lang na mabilis sumulpot mabilis ding naglaho. Sa nangyari si mamay ang labis na nasaktan. Ayaw naming nakikitang nalulungkot si mamay dahil pati kami ay ganun din nararamdaman."

THE GLASSHOUR 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon