Kabanata Dalawa

4.8K 139 32
                                    

April 1, 2016 ( Metro Manila)

" Owen! What the hell?!Bumangon ka na dyan.! I told you last night na early this morning, bibiyahe tayo papuntang bicol!"

" Letsugas naman pa ang aga pa ah!"

" Kung gawin kaya kitang letsugas dyan makita mo! Nakukuha mo pang sumagot! Yan ang nakukuha mo sa katatambay mo at kababarkada!"

" Pati ba naman barkada ko madadamay pa dito, buti nga sila nakakasama ko! Eh kayo? Puro trabaho kayo ni mama. Pati mga kapatid ko ganun din, nagmana sainyo pare pareho kayo!"

" Alam mo hindi ko alam kung saan mo nakuha yang pagiisip na ganyan! Nagtatrabaho kami ng mama mo para ito sa inyo, hindi para sa amin! Pinabayaan ba namin kayong magkakapatid sa mga pangangailangan nyo, hindi di ba?!"

" Yan na naman! Dyan kayo magaling, manumbat at manermon. Makabangon na nga at tumigil na kayo!"

Huminga ng malalim ama ni Owen tanda ng pagtitimpi sa bunsong anak. Alam nya sa sarili nya na may pagkululang din silang mag asawa sa anak. Lumaki itong malayo loob sa kanila dahil sa pagkaabala sa trabaho at negosyo. Sa ngayon ito ang naiisip nya na paraan na dalhin sa Bicol ang anak at doon magaral ulit ng hayskul dahil sa bumagsak ito. Nalaman nilang hindi ito nagpapasok kaya hindi pumasa at muling babalik sa first yr highschool. Sa gagawin nya ay maaring makatulong ito para mailayo sa impluwensya ng barkada ang anak. Ang plano niya ay doon na lang pagdating sa Bicol nya sasabihin sa anak na doon na ito mag aaral. Kasama nito ang lolo nya sa ama at isang matandang dalagang tiyahin. Nakatira ito sa Ancestral House ng mga Burce sa Sto. Dominggo, Albay. Ang lolo nya ay isang guerilla noong panahon ng hapon. Disiplinado ito at strikto sa mga bagay bagay. Lalo na sa pagkain kaya hindi nakapagtataka na malapit na itong magnobenta. At nauna pang pumanaw ang kanyang ama na anak nito dahil sa alta presyon.

" Pagkatapos mo dyan maligo bumaba ka na. Yung mga gamit mo ipinahanda ko na sa katulong kahapon pa!"

"Wow! Galing ah! Talagang excited kayo na palayasin ako dito, clap clap clap!"

" Umayos ka sa mga sinasabi mo. Hindi mo alam ang ginagawa naming ito para sayo, para matuto ka.Hindi ka tumulad sa kuya mo na running for magna cumlaude. Eh ikaw anong mararating mo sa ganyang buhay mo na gusto mo sa mga barkadang sinasamahan mo?!"

" Hayaan mo tay mag ma magna din ako, as in magnanakaw at pag katapos summa summakabilang buhay hahaha!"

Agad nasampal ng ama nito si Owen na ikinabigla ng ama ngunit nanatiling matatag ang paninindigan nito.

" Hindi ko alam kung paano pa kita patitinuin. Napakalaki na ng impluwensya sayo ng barkada mo at nakukuha mo na akong sagutin ng mga bagay na ganyan!"

Natigilan naman si Owen sa nangyari kaya nanahimik sya. Ito ang kauna unahang pagkakataon na napagbuhatan sya ng kamay ng ama.

" Sa pagpunta natin sa bicol ay sana matutunan mo ang maging mapagkumbaba sa kapwa at maging mabuting anak. Dahil ni minsan ay di namin hinangad na mapasama ka. Sinasayang mo ang mga pagkakataon na para sayo na hindi nararanasan ng ibang tao. Sinasayang mo ang oras mo sa mga bagay na walang kabuluhan!"

Pagkasabi niyon ay agad na lumabas ang ama nito at naiwan si Owen sa kuwarto na natigilan pa rin habang hawak ang pisngi.

" Nyemas, nasapak ako ah!"

Owens POV

Ako nga pala si Rowen Jan Burce, 14 yrs old, 5ft 7, barumbado, habulin ng mga tsiks sa edad ko, pero wala pa akong interes sa kanila mas pinagtutuunan ko ng oras ang pakikipagbarkada. Pero sa totoo lang ginagawa ko ito para mapansin lang ako ng magulang ko na walang oras sa akin. Sa ngayon ay dadalhin ako ng ama ko sa Probinsya ng lolo nya sa Bicol at hindi ko pa ito nakikilala. Matanda na raw ito at malapit ng mag 90 yrs old.

Wala akong pakialam kahit saan pa nya akong dalhin basta magawa ko lang ang pambubuwisit sa kanila ni mama at papa para pansinin nila ako.

Matapos maayos ang sarili ay bumaba na si Owen at nadatnan nyang nagaalmusal na ang mga magulang at kapatid.

" Owen, siguro naman ay magtitino ka doon sa lolo mo.Wag kang pasaway dun at iba yun magalit."

" Talaga lang ma?!, baka paluhurin pako nun sa munggo o asin hahaha!"

" Umayos ka nga dyan Owen di ka nakakatuwa. Lahat ginagawa mong biro. Pupunta ka dun para tumino ka."

" Opo na manang ate haha. Kung titino ako!"

" Zaira, 5 days kang kami mawawala ng mama nyo. Kayo na muna bahala dito ng kuya mo."

" Opo pa. Sayang gusto ko sanang sumama para magbakasyon kaso duty ako nakakainis."

" Eh di umabsent ka o magresign ka na lang. Ang dali dali pinapahirapan mo sarili mo."

Agad itong binatukan ng kuya nya na si Vincent.

" Puro ka kalokohan kaya nagkakaloko loko buhay mo. Umayos ka nga katorse ka na, di ka na bata!"

" Opo na kuya, ikaw na ang mr perfect!"

Tumungin lang ng matiim si Vincent sa bunsong kapatid.

Itutuloy........
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon