Kabanata Tatlumput Apat

1.8K 77 1
                                    

" Pano tita hanggang sa muling pagkikita. Huwag kayong mag alala pag nandito na si Owen mapapadalas ang paguwi namin dito."

" Salamat Fidel.Nalulungkot ako....mag isa na lang ako dito. Nami miss ko si papa maski na makulit iyon."

" Hahaha. Alam ko masaya na iyon tita. Kasama na niya ang lahat sa pamilya niya."

" Umayos ka Fidel buhay pa ako at iba kong kapatid."

" Joke lang tita hehe."

" Huwag kang mag alala lola...nandito ako. Di ba nangako ako na babalik ako dito. Dito ko napiling ipagpatuloy ang aking pag aaral at kasabay nun ay aalagaan kita at babantayan."

" Salamat apo...napakabuti mo. Alam mo apo, marahil hinintay ka lang ni papa....matagal ka na niyang hinahanap. Yun pala itinatago ka lang nitong si Fidel hahaha."

" Hahaha hindi tita, kaya nga dinala ko yan dito para magtino..na sa palagay ko nagtagumpay ako."

Napangiti si Owen sa ama.

" Pano lola sige po, paalam muna pansamantala. Bago magpasukan nandito na ako."

" Sige mag iingat kayo sa biyahe. Mag txt o tawag kayo ha."

Sa paglabas ng bakuran ng sasakyan ay muling nilingon muli ni Owen ang bahay at nagwika....

" Babalik ako lolo, babalik ako."

------------------------------------------------------


( paki play po yung sa media sa part na ito.)

Sa biyahe ay sandaling huminto sila sa bayan at tumuloy sa simbahan. Bumaba ang mama ni Owen at papa niya para sandaling mag alay ng dasal. Naiwan si Owen sa labas ng sasakyan. Hindi pa nagtatagal ay bigla natanaw niya ang mga tao sa Plaza sa tapat ng simbahan....

Namuo ang luha sa mata ni Owen ng makilala ang mga itong nakangiti at kumakaway sa kanya...

...papay,

...mamay,

....kuya fernan,

...alfonso,

...remedios,

....wilfredo,

....panyang,

....veronica

At si Carmen.....lahat masayang nakangiti habang patuloy na kumakaway sa kanya....

Hanggang sa biglang umihip ang hangin at napapikit siya, kasabay ng pagdilat niya ay ang paglaho ng lahat.

" Paalam sa inyo, sobrang miss ko na kayo."

------------------------------------------------------

" Anak sinong kinakawayan mo diyan?"

" Sila po papa, sina mamay at papay lahat na naging bahagi ng buhay ko sa panahon ni lolo."

Naunawaan ng magulang ni Owen ang lahat at alam nilang nagsasabi ito ng totoo. Niyakap nila ito ng mahigpit at ginulo ang buhok.

" Tayo na anak,sakay na..."

Bago sumakay ay napatingin si Owen sa kampanaryo ng simbahan at nakita niya doon si Oman sa makabago nitong kasuotan bilang manlalakbay sa anyo ng kabataan nito. Hawak ang isang mahabang tungkod na may nakasabit na lampara at may nakasabit sa leeg na parang kuwintas ang Orasa. Nakangiting sumaludo ito sa kanya na agad niyang tinugunan ng saludo, hanggang sa naging liwanag na ito at pumaimbulog pataas kung saan....
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon