Kabanata Labing Pito

1.9K 87 2
                                    

Nagpatuloy na naging malapit si Owen ay Oman at itinuring na nilang matalik silang magkaibigan. Si Oman naman kung may pagkakataon ay sinusuyo si Carmen na nanatiling tahimik at tipid na ngumingiti kapag kinakausap ni Oman. Pinatunayan naman ni Oman sa sarili na hanggat maari ay iiwas siya kay carmen para sa matalik na kaibigan. Maski nasasaktan ay binabalewala na lang ang nararamdamang pag iwas kay carmen kapag sila ay nagkakasalubong na napansin na rin ng huli sa kalaunan.

Bisperas ng kapiyestahan sa baryo at makikitang madaming tao sa kalsada ang iba ay tagaroon ang iba naman ay mga dayo ay galing sa ibang baryo na kalapit. Makikita din na ang bawat bahay ay abala sa mga gagawing paghahanda para sa araw ng kapiyestahan ng patron nila. Sa daan ay makikita ang makukulay na papel na nakabitin sa daan. May banda din na paikot ikot sa baryo na sinusundan sundan ng mga batang makukulit. Sa Ermita ay makikitang maraming tao din may mga sumasali sa palaro sa munting perya na makikita at mga palarong inorganisa ng kapitan ng baryo.

Sa bahay naman nina oman ay makikitang nagkakatay ng mga manok at baboy si Fernan at Oman. Habang nanatili namang nakamasid lang si Owen na tila namamangha sa ginagawa ng magkapatid na ngayon lang niya nakita sa tanang buhay niya.

May ibang tumutulong din sa kanila na kamaganak. Taon taon ay ginagawa nila ito dahil minsan lang naman at bilang pasasalamat sa patron nila dahil sa masaganang ani.

" Grabe bro, ganyan pala katayin ang baboy parang ayoko nang kumain nyan!"

" Hahaha ganito talaga. Pero lilinisin din ito at sisiguraduhing wala ng dugo kapag lulutuin na."

" Ano bang putahe nyo?"

" Ewan ko kay mamay at sa mga tiya at tiyo ko. May dala din kasi silang nakatay ng baboy. Taon taon ganito kami, parang salo salo na rin at pagkikita ng magkakalayong pamilya."

" Ah reunion nyo ito bro hehe."

" Hmmmm ganun na nga."

Sa bakuran ay makikitang naglalagay ng malalaking bato na may malalaking kawa na inihahanda para sa lulutuin. Makikita din ang inaayos ng ilang kalalakihan na tila paglilitsunan ng baboy. Makikitang lahat abala ngunit masaya sa kanilang mga ginagawa.

Lumabas naman ng bakuran ang mamay nila na tila may hinahanap. Napansin ito ni Oman at nilapitan.

" Mamay may hinahanap kayo?"

" Ah wala naman. Iniisip ko lang kung darating ang papay nyo. Piyesta na bukas. Maging ang tiyo domeng nyo wala pa rin."

Lumapit naman si Owen ay nakinig sa pinaguusapan ng dalawa.

" Baka mamayang hapon o gabi mamay yun dumating alam nyo naman na malayo din ang salvacion dito. Darating po yun si papay huwag kayong mag alala."

" Alam ko anak. Bigla ko lang kasi naalala ang papay nyo. O sya pasok na ako sa loob at marami pa akong gagawin. Yung mga kapatid mo nga pala asan sila?"

" Malamang mamay andun yun sa Ermita kasama mga batang kapitbahay natin. Nakita ko sumusunod sila sa banda."

" Hayyy naku mga batang yun talaga."

" Hayaan nyo mamay, mamaya susunduin ko na lang. Wala naman po kasi akong masyadong ginagawa."

" Mabuti pa nga owen, salamat anak."

" Ok lang po mamay."

Magtatanghali ay naglakad na si Owen patungong ermita. Sa paglalakad ay nakasabay niya si Veronica na agad niyang sinabayan sa paglalakad.

" Good day ms beautiful!"

" Dios ko Owen ikaw pala yan! Bolero ka ha."

" Totoo ang sinasabi ko Veronica. Maganda ka naman talaga."

" Ako o si Carmen?....ano natigilan ka hahaha!"

" Huwag kang magkaila Owen alam ko yang nararamdaman mo sa mga titig mo kay Carmen."

" Ano naman kung ganun?"

" Naiibigan mo siya kaya wag kang magkaila."

" Maaring ganun na nga pero hindi dapat."

" Takot ka sa nanay niya?"

" Hindi ah!"

" O baka nag aalinlangan ka lang dahil naiibigan din ng matalik mong kaibigan si carmen."

" Hahaha mapagbiro ka Veronica. Kung naiibigan man ni Oman si Carmen ay labas na ako doon. Saka kung iniibig ko man si carmen sa akin na lang yun."

" Masyado kang malihim, pero ipinagkakanulo ka ng iyong galaw at mga mata." Natatawang pahayag ni Veronica.

" Lubhang napakagaling mong mag-obserba magandang binibini. Maging ako man ay ganun din."

Napangiti si Owen na nagsasalita na tumingin kay Veronica.

" Anong ibig mong sabihin at ganyan ka makatingin at makangiti sa akin?"

" Hindi maikakaila ng iyong galaw at tingin na may pagtingin ka kay Oman, di ba magandang binibini hahaha."

" Magtigil ka nga mali ka ng inaakala. Magkaibigan lang kami at saka magkababata."

" Magkaibigan o Magaka-ibigan hahaha."

Agad pinalo ni Veronica sa braso si Owen na di nila namalayan na kasalubong nila si Carmen kasama ang papa at mama nito maging si panyang.

Agad tinawag ni Panyang si Owen.

" Tisoy nasaan ang kuya mong iniirog ko?"

Natawa naman si Owen at ang papa ni Carmen maging si Veronica. Nanatili namang nakayuko at tahimik si Carmen at ang ina nito na nakataas ang kilay na nagpapaypay ng abaniko.

" Ikaw pala araro haha"

" Tseeee!"

" Nasa bahay sya may ginagawa daanan mo makikita mo yun sa bakuran."

" Hmmm sige."

Lumakad na ito pati pamilya ni carmen. Si Owen naman ay nakamasid pa rin kay carmen habang naglalakad na napansin naman ni veronica na ikinangiti nito.

" Hindi talaga kapansin pansin na wala kang pagtingin kay carmen."

" Magtigil ka nga! Tayo na nga doon sa ermita at susunduin ko pa si Alfonso at Remedios."

" Masusunod ginoo!" Tugon ng masayahing si Veronica.

-----------------------------------------------------
Kinagabihan naman ay pumunta sa Ermita sina Oman, Fernan, Owen at ang dalawang bata para manood ng munting palabas sa perya at makikitang nagsaya ng lubusan ang dalawang bata. Bumili din sila ng mga munting bagay na itinitinda ng mga dayong nagtitinda. Nanood din sila ng mga paligsahan sa pag-awit sa plaza na pinagpipilitan pa ni Oman na sumali sa kontest. Ngunit wala siyang alam sa mga awiting kundiman kaya hindi na siya napilit pa.

Hanggang sa mapagpasyahan nilang umuwi.
-----------------------------------------------------
Kinabukasan araw ng Piyesta...

" Mamay! Mamay! Nandiyan na po si tiyo domeng may sasabihin daw po sa inyong mahalaga.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon