Kabanata Tatlo

3.6K 149 14
                                    

Alas sais ng umaga ng magpasyang umalis ng kanilang bahay ang pamilya ni Owen. Sa sasakyan, sa backseat sya humilata agad, ang ama ang nag drive at ang mama nya ang nasa passengers seat.

" Owen iho, manage your temper naman anak. Hindi magandang ugali ang ganyan lalo na sa pupuntahan natin. Kamaganak natin ng papa mo ang mga nandoon. Mga tita,tito at lolo nya, na lolo mo na din kaya konting disiplina naman anak."

" Ganun! Eh sino bang gusto nito di ba kayo?!"

" Para sayo din ito anak kya behave ka dun."

" Baka naman bundok ang pagdadalhan nyo sa akin!"

" Bundok nga yun! Mabundok na lugar! Kaya doon ka maninirahan para malaman mo kung ano ang buhay doon ng mga kamaganak natin. Mabagal ang oras at nakakabagot pero hindi hadlang yun para hindi maging makabuluhan ang buhay nila araw araw. Probinsiya man yun pero abot na rin sila ng modernisasyon. Kung ano nakikita mo dito sa maynila ay maaring meron na din doon."

" Eh di mabuti para makapagdota kami ng lolo ko hahaha!"

" Umayos ka huwag mong idaan sa biro ang lahat. Hindi mo kilala ang lolo mo!"

Tumigil na lang si Owen at isinalpak ang headset sa tenga at nakinig ng music sa iphone nya. Para hindi na marinig ang boses ng ama na abala na sa pakikipagusap sa ina. Tinignan nya ang backbag nya na nakasandal sa upuan ng kotse at nakita nya ang iba nyang gamit, ang mga kakailanganin kapag naglalakbay at ilang pangangailangang panglinis ng katawan ang nandoon. Marahil nasa likod ang iba nyang gamit.

Owens POV

Ano kaya ang itsura ng lugar na yun? Marahil nakakabagot at puro kalabaw at palayan. Kung bakit doon pako dinala ni papa at mama. Bakit di na lang sa rehab hahaha. Di naman ako adik hehe. Gusto nila akong magbago at ayusin ang sarili, mga pananaw sa buhay na sinasabi nila. Ewan wala akong panahon sa mga ganyang kadramahan sa buhay. Sana may mga maging kabarkada ako dun at maging katropa ko mga pinsan ko daw. Bahala na kung anuman dadatnan ko dun. Mas mabuti na din ito at malalayo ako sa mata nitong magulang ko. Si lolo, mabait kaya sya, magustuhan kaya nya akong bilang apo na ngayon lang niya makikilala.

Nagpatuloy ang byahe nila hanggang bago magtanghalian ay nasa bayan na sila ng Sariaya Quezon. Nag stop over muna sila para mananghalian.

" Owen gising. Lunch na muna tayo dito."

Pupungas pungas na dumilat si Owen at tinignan ang nasa labas. Katanghaliang tapat na kaya mainit. Nagsuot siya ng shade para proteksyon sa mata.

" Mamaya na ho ako kakain ma, busog pa ako, kayo na muna. Bilhan nyo na lang ako ng water. Dito na muna ako."

Agad na lumabas ng sasakyan ang mag asawa at pumunta sa isang restaurant para managhalian. Naiwan sa sasakyan si Owen pero ilang sandali lang ay lumabas din at sumandal sa pinto ng kotse. Dali syang nagsindi ng sigarilyo para hindi makita ng magulang dahil sermon ang aabutin nya.

Ilang saglit lang matapos magyosi ay may lumapit sa kanyang matanda na nanghihingi ng makakain mahaba ang buhok, balbas at ang damit. May tungkod ito na mahabang kahoy at may dalang lampara.

" Amang puwede bang makahingi ng konting pagkain at maiinom."

Nabigla si Owen sa biglang sulpot ng matanda.

" May nakikita ka bang kinakain at iniinom ko di ba wala?!"

" Alam ko amang, maari mo ba akong mapagbigyan sa aking konting kahilingan. Masyado na akong pagod sa aking mga paglalakbay."

" Wala akong oras makipagusap o tumulong man lang sayo! Kung nagugutom ka, ayun doon sa restaurant na yun maraming pagkain! Inaabala mo oras ko sa kahilingan mo. Masaya ka, magtrabaho ka para makakain ka. Siguro sinayang mo oras mo ng kabataan mo kaya hayan namamalimos ka na lang walang tumutulong sayo na kaanak!"

" Napakatalim ng dila mo amang para pagsalitaan ang isang matanda at estrangherong katulad ko. Hindi mo ako kilala at kung ano ang aking nakaraan. Kailanman hindi nasayang ang oras ko sa pagtulong sa tao. Napakasimpleng hiling ko hindi mo man lang ako napagbigyan. Hindi pagsasayang ng oras ang pagtulong sa kapwa. Ito ay isang responsibilidad ng isang tao sa kapwa nya kapag ito ay nasa higit na pangangailangan.Ikaw amang hindi mo ba sinasayang ang oras mo?"

" Huwag mo nga akong pagsalitaan ng mga pangaral mo tanda! Umalis ka na!"

" Kilala kita amang, simulat simula pa. Wala kang pagpapahalaga sa kapwa mo at sa oras. Hindi mo pinapahalagahan ang kaunting pagkakataon na kasama mo ang pamilya mo, kundi mas pinapahalagahan mo ang mga hinaing mo at pagkukulang nila."

" Pakialam mo sa buhay ko!"

" Meron amang, sa ipinapakita mong hindi pagpapahalaga sa kapwa at sa oras na inilalaan nila sayo o oras na ilalaan mo....ay babalik ka sa panahong ang oras ay masasabing napakabagal ngunit may kabuluhan. Makikita mo rin doon kung ano ang pagpapahalaga sa kapwa tao. Hindi mo maaring sabihin kung saan panahon ka nanggaling at kung ano ang kailangan mo para makabalik ka sa kasalukuyang panahon. Isang bagay na simbulo ng oras at panahon ang kakailanganin mo sa panahong iyon para makabalik sa kasalukuyan....isang Orasa. Ngunit hindi mo puwedeng sabihin kaninuman sa mga taong makakasalamuha mo ang kakailanganin mo dahil sa oras na sinabi mo ay hindi ka na makakabalik sa kasalukuyan."

Kinikilabutan na si Owen sa mga sinasabi ng matanda na tila tumatatak sa kanyang isipan. Hindi sya makagalaw o makaimik man lang sa nangyayari.

" Sa panahong lalakbayin mo, hindi mo puwedeng baguhin anumang bagay na mahalaga sa kasaysayan at nakatakda. May mga bagay na kailangan mong pagisipang mabuti ang mga bagay bagay na nangyayari sa paligid mo na maaring magkaroon ng kaugnayan sa hinaharap kung ito ay gagawin mo. Kaya hindi ka dapat padalos dalos sa mga desisyon mo."

" Kalokohan!"

" Hindi kalokohan ang mga sinasabi ko amang. Sa oras na pumikit ka at makatulog....magbabago ang lahat."

Agad inilawan ng matanda ang lamparang hawak nya at bigla itong nagliwanag.

" Dito ko nakikita ang mga bagay bagay na nangyari sa kahapon, sa ngayon at sa hinaharap. Anumang bagay na gagawin mo ay makikita ko, at kung anong epekto nito sa kasalukuyan at hinaharap."

Doon lang napansin ni Owen na biglang nagiba ang itsura ng lampara nagkaroon ito ng tatlong side na salamin.

" Tandaan mo, ang oras ay mahalaga, ang paglalaan ng oras sa pagtulong sa kapwa ay lubos na mahalaga. Sa paglalakbay mo sa panahong mabagal ang oras....ay kakailanganin mong magmadali para hindi ka maubusan ng oras na makabalik sa kasalukuyan. Hindi mo kailangang manatili sa panahong kung saan magbabago na ang kasaysayayan ng Pilipinas. Isang kasaysayan na itinuring na bangungot ng mga taong nabuhay sa panahong iyon.

" Sino ba kayo tanda?!"

" Isa akong manlalakbay ng panahon."

.
.
.
Itutuloy..
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon