Kabanata Labing Dalawa

2.1K 100 5
                                    

Para kay GeoMarLou na laging bitin daw hahaha.

------------------------------------------------------

" Oman ikaw na pala yan."

" Sino bang kinakausap mo dyan at napaatras ka pa?"

" Ah eh wala oman, may tinitignan lang ako kaya medyo umatras ako."

" Ganun ba...o halika na at ng maaga tayo makauwi. Alas dos na yata ng hapon."

Tinignan naman ni Owen suot na relo at nakita nyang mag aalas dos na nga ng hapon.

Agad na sumakay si Owen nang makitang nakasampa na sa kalabaw si Oman. Nalilito, nababagabag,nakokonsyensya at natatakot iyon ang lumulukob sa buo nyang pagkatao.

Habang naglalakbay pauwi ng barrio ay damang dama ang katahimikan ng dinadaanan nilang paligid. Mangilan-ngilan lamang ang mga bahay at ilang tao na sa bukirin na abala sa kung anumang gawain nila. Ang iba naman ay nagpapahinga sa ilalim ng mayayabong na puno sa may bukirin sa gilid ng daan. May ilang ina naman na nasa harapan ng bahay o hagdan habang pinapatulog ang mga anak o kinukutuhan ang iba. Paminsan minsan naman nakakasalubong sila ng kalabaw na may paragos na papunta din ng bayan. At ilang kalesa na ginagamit bilang transportasyon.

Masasabing napakabagal ng usad ng oras sa lugar na iyon. Ngunit ni isa ay tila walang pagkabagot na nakikita si Owen katulad ng pamilya ni Oman.

" Owen?"

" Bro?"

" Magdadalawang buwan ka na dito sa baryo namin. Wala ka bang balak bumalik ng maynila, hindi ka ba nag aalala sa mga magulang mo?"

" Bakit bro? Pinapaalis mo na ba ako? Nagsasawa ka na ba sa pagmumukha ko?"

" Hindi sa ganun. Sayo hindi ako nagaalala dahil maayos ang lagay mo dito. Pero sa mga magulang mo, hindi mo alam kung ano na nangyayari sa kanila at sa mga kapatid mo."

" Huwag mo nang isipin yun bro, problema ko na yan. At saka hindi ako hahanapin ng mga iyon."

" Walang magulang ang hindi nagaalala sa kanilang mga supling lalo na kung hindi nila ito nakikita. Inahing manok nga hinahanap ang mga sisiw nya kapag nakita nyang kulang ang mga ito. Tao pa kaya."

" Masyado ka namang madrama bro! Hayaan mo na lang muna ako sa gusto ko! Huwag kang magalala aalis din ako dito kung pabigat na ako sa inyo!"

" Hayan ka na naman owen. Ibinabalik mo na naman ang ugali mong pagiging mainitin ang ulo. Hindi kita pinapaalis at hindi ka pabigat sa amin. Sadyang nakapagtataka lang ang ginagawa mo sa buhay mo."

" Hayaan mo na lang muna ako bro."

Hindi na lang umimik si Oman at mga bandang alas tres ng makarating sila ng kanilang tahanan. Agad nilang pinagtulungang buhatin ang mga dala dala para ipasok sa loob ng bahay. Agad namang nasingil ng dalawang bata ang pangako ni Owen na agad naman ibinigay nito. Tuwang tuwa ang dalawa na pinaghatian ang tsokolate.

" Remedios nasaan pala si mamay?"

" Ah manoy kaalis lang. Sinundo ni Tiya Aida, kasama yung si Carmen yung nagugustuhan mo uyyyy...saka yung kapatid nyang bata si macario."

" Matabil kang bata ka! Saan naman sila pupunta?"

" Sa Ermita daw po. May pagpupulong kasi para daw sa darating na kapiyestahan ng baryo."

(Ermita- maliit na simbahan o kapilya sa isang barrio.)

" Ah ganun ba. Malapit na nga pala ang piyesta."

THE GLASSHOUR 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon