"Kahit stick-o wala. Teka, bakit ba napunta saakin ang usapan?"

"Teka!" Napatingin kami kay Sittie.

"O bakit?"

"Baka yung binibigay ni Minkyu ay yung natatanggap kong regalo galing sa kung sino. Si Sam ang may pakana sa lahat ng iyon!"

"Baliw!" Binatuhan siya ni Sam ng chalk. "Pati din yung chocolate spongebob mo? Hilig ko ba ang character na iyon na parang panghugas ng plato?"

"Haha! Panghugas ng plato? Haha!" Grabe kung makatawa si Chuchay. Kaya nakisabay narin ako.

"Sige insultuhin mo pa si Spongebob eh sayo naman pusa na may laso sa tenga!" Napailing nalang ako sa ugaling bata nila Sam at Sittie minsan. Idol ba naman daw si Spongebob at Hello Kitty.

"Teka, nga... haha." Mahina kung tawa. "Ba't tinapunan mo ng chalk si Sittie, Sam? Ayaw mo no na may ibang bigyan ng regalo si Minkyu?" Kaya ayun bumusangot ang mukha. Binato pabalik ni Sittie ang chalk kay Sam.

"Heh! Wag mo ipasa saakin ang crush mo!" Tumayo siya tsaka tinampal ang noo ko at ngumisi.

"Eseh! Yieee!" Napatingin narin yung ibang mga classmates namin at pati narin ang apat na lalakeng kompleto na pala. Hindi man lang namin namalayan.

"Magsitahimik kayo!" Haha! Pikon ni Sam.

"Minkyu! Hi daw sabi ni, Sam!" Napatingin si Minkyu saamin na nakangisi tapos pailing-iling pa. Tss. Nagustuhan ba daw?

"Yieee!" Narinig ata ng mga kaklase namin kaya ayun nakisabay narin.

"Harvey! Sabi ni Chuchay I love you daw!" Yung mukha naman ni Chuchay ay namumula. Mga baliw talaga!

"Yieee!" Mas lalong lumakas ang kantyawan. Mga baliw!

"Hoy si Sittie nagseselos!" Sigaw ni Chucky, classmate namin.

"Haha!" Nagtawanan kami. Hindi umimik si Sittie pero umiiling-iling lang. Wala nanaman sakanya kung pagtripan siya kasi tanggap na naman niya sina Harvey at Chuchay tsaka nagt-try na daw siyang mag-move on.

"Nandiyan na si Ma'am!" Sigaw ni Wayne. Nagsitigil na kami sa kakatawa at kantyawan at inayos na ang mga sarili.

"Good morning, grade 10 Einstein!" Tumayo kami tsaka nag good morning rin at nag bow. Napangiti agad kami kasi nasa good mood ang Science teacher namin at hindi kami gaano nag-lecture dahil nag-kwentuhan kang kami ng mga katatakutan dahil sa friday daw ngayon.

"Elaiza, sino yang nasa likod mo! Boo!"

"Waah!" Sigaw niya tapos napatakbo sa likod ni Wayne.

"Haha!"

"Yieee!" May nagtawanan meron din nag tilian. Ba't parang punong puno ng good vibes ang araw ngayon.

Lumayo si Elaiza kay Wayne tapos tumabi kila Chuchay. Nasa harapan kasi kami nakaupo ngayon nila Sittie at Sam tapos sila Chuchay nasa likod kasama ang Jows. Nagsilapat kasi ng mga upuan.

"May boyfriend ako! Tss." Nagtawanan kaming lahat. Nalove team lang si Elaiza at Wayne dahil sa film na ginawa namin. Sila kasi yung partner.

"Alright! Tama na yan guys. It's time already." Nagsitayuan kami.

"Goodbye and thank you Ms. Ynarez! See you around God bless you." Ngumiti siya saamin at lumabas na ng room. Bumalik ulit kami sa mga kanya-kanyang upuan dahil pumasok na ang ikalawang teacher.

Nag-tawanan nanaman kami habang nagle-lecture ang TLE teacher namin kasi bawat words na sinasabi niya ay may hugot o di kayay ginagawan ng joke. Hanggang sa matapos ang klase ay nagkakatuwaan parin kami. Lumabas na kami ng room dahil break time na.

Best Friend GoalsWhere stories live. Discover now