Pansin ko nga na hindi pa masyadong kulubot ang balat niya, walang anak kaya hindi masyadong ganon tumanda ang skin niya.

       "Alam mo naman na two months lang ang need namin, baka nag eexpect ng pang matagalan na trabaho?"
       "Ay opo, nasabi nga sa 'kin ng agency. Uuwi rin po ako ng probinsiya matapos lang ng theraphy ng Inay."
       "Education pala ang tinapos mo, sayang at hindi ka nagturo. Pero anyway, madali namang turuan si Lianna. Nahuli lang sa klase kasi nagkasakit. Ayaw naming ipasok pa ng tutorial class baka hindi rin namin matutukan."
        "Ayos lang po, kahit naman po wala akong anak ay mahaba ang pasensiya ko sa mga bata. Sang katerbang pamangkin ang nagdaan sa pangagalaga ko."
        "Okay, as you know, we are running of time here. May flight pa kami to Cebu this afternoon. Endorse na kita kay Ate Gli. Sa akin ay okay ka na at wala ng time mag hanap pa ng iba. Sa agency na ako makikipag usap sa benefits at salary mo okay?"
         "Cissy na lang, wala ng Ma'm." Tumango si Aling Marcy. Lumabas ng dining room si Janna.

         "Ah Babe..." sabi niya at natigilan siya ng makita kami ni Aling Marcy. Naging habit kasi nitong si Janna na pag may bagong mukha ay tina try isipin kung naging bahagi ba ito ng kanyang nakaraan.

        "Princess, galing siyang Ilo-ilo, si Marcy. Marcy si Janna, Janna si Ate Marcy, tutor ni Lianna."

        Saglit pumikit si Janna. Pagdilat niya ay ngumiti siya. Matagal na siyang hindi inaatake ng sakit ng ulo niya. Ang sabi ng doktor ay mga 90% magaling na siya.

       "See babe, I told you magaling na ako," sabi ni Janna.

       "Okay that's good pero we need to follow up your check up pa rin. Sige na magbihis ka na para hindi tayo malate. Dadaan pa tayo sa JLC, right?"

        Bumaling ako ulit kay Marcy. "Pasensiya na po kayo, Janna suffered from memory loss seven years ago. Ganyan po siya pag bagong nami-meet."

         "Ayos lang 'yun Cissy, ngayon na ba ako magsisimula?"
         "Ay! Opo, kausapin kayo ni Ate Gli, palabas na ho 'yun kasama ang bata."

____________

JANNA'S POV:

TOUHCDOWN CEBU MACTAN INTERNATIONAL AIRPORT

        NANAKAM ako sa halu-halo kaya't sa Chowking ko inaya si Cissy. Siya ang umorder habang nag-aantay lang ako sa puwesto ko.

         Time changes. We changed. When I look at my Cissy, I never could imagine that I can still find my true love.

         Now that we are together, hindi pa rin talaga ako mapanatag. Magkasama lang kami lagi pero hindi pa rin ako at peace. The fact na alam akong limang taon kaming nagkahiwalay, nawala ang memorya ko. Maraming dumaan sa buhay namin na bahagi ng aming ngayon, at ang ngayon na magiging bahagi ng aming bukas.

          Cissy is just a successful woman. Kahit na sabihin niyang manager ako, pero mga stores niya 'yun at hindi ko pa rin pundar. Kahit na sabihing pamana ang yaman ni Cissy, kung hindi siya magsisipag at maabilidad, hindi niya 'yun mapapalago.

         Hindi naman nagkulang si Cissy na buuin ang pagkatao ko, na iboost ang morale at confidence ko, pero naiinsecure pa rin ako. Hindi ako fulfilled. Walang matawag na akin. Kahit sabihin pang partners kami, iba pa rin yung galing sa pinaghirapan ko. Ayoko nang sabihin ito kay Cissy pero naaalarma ako sa nararamdaman ko.

        "Oh By...here's your halu-halo. In one hour, dito na ako nagpasundo sa driver ng hotel. Mamaya na natin isipin ang errands pag uwi."
       "Okay, thanks."
        "May sakit ka ba Jan? Matamlay ka?"
        "Ciss...ano kaya, mag aral ako ulit? Culinary, gusto ko kasi magtayo ng bakeshop. Hindi ko naman pababayaan ang JLC."
       "Ano naman naisip mo bigla-bigla, 'yan topic natin? Kumain na muna tayo okay? Sa Hotel na tayo mag usap."

        Minsan, ganyan kaming dalawa. Dominante ang decision ni Cissy. Hindi 'yun masama dahil mas experienced siya sa business at sa buhay. Sanay kaming dalawa na ako nakadepende sa kanya. Kami lang sa buhay namin, sa relasyon namin. Naisip ko, masama rin pala 'yung gano'n?

        Wala akong nakakausap tungkol sa aming dalawa. Hindi ako pala labas sa mga events, lagi lang ako sa likod ni Cissy.Haay! Ano ba itong pinag-iiisip ko.

        Nagpahinga muna kami pagdating sa Crimson Resort. Naidilip pa muna ako sa pagod at sa mga iniisip ko. Mamaya naman ay maguusap raw kami. Excited na ako kasi mabubuo ko na ang bakery ko na ako mismo ang nagbe bake. :)

        Hindi natulog si Cissy ng hapon. Inasikaso niya ang mga errands sa JLC at sa pagbisita ng Trimond Hotel. Yung Hotel na subsidiary ng METRO EV na gusto mag pa expand. A certain Myles Villavicencio ang ka-skype niya kanina at alam ko, business meeting agad ngayong gabi.

        Pagmulat ko ay ayos at bihis na si Cissy para sa kanyang meeting. Ako kasi ay bukas pa ang schedule sa JLC.

       "Oh, bakit hindi ka pa umaalis babe?"
       "Ahmm. I am waiting for Louie."

         Si Luisito Villarama ang corporate Lawyer ng naiwang kompanya ni Gonzalo. Hindi ko alam kung manhid ba si Louie para hindi mapansin na may uganayan kami ni Cissy.

         Sabi ni Ciss ay wala raw clue si Louie at never namang nagtatanong. Iyon na nga eh, hindi nagtatanong para clueless, para may chance umentra sa buhay ni Cissy? Oo, mas tumaas ang level ng insecurities ko ng makita ko ang mundo ni Cissy. Wala akong panama sa mga nakakausap niyang Lawyer, CEO, Presidente ng iba't ibang company, mga doktor, mga Pulis, engineers etcetera - etcetera. Eh ako ba? Ano ba ako? Dakilang manager ng mga coffee shops niya?

         Alam ko, alam kong hindi tama. Dahil kung ano ang kanya, ay sabi niyang akin na rin. Pero may kulang eh, may kulang. Tapos ngayon, sa mga ganyang lakad, lalaki ang kasama niya? Kasi ano? Hindi niya ako maipag malaki? Tsk, ano nga ba sasabihin ng ibang tao? Isang hamak na babae lang ang karelasyon nya na nagka amnesia na walang abilidad at mahina?

         Lumapit sa akin si Cissy. Sinapo ang noo ko. "Are you okay? Lalim ng iniisip mo? Yes babe, you can go to school, huwag mong intindihin yun. Kung ano ang tingin mong kayang mong gawin for yourself, hindi kita pipigilan. Alam mo namang hindi kita pinupuwersa sa lahat diba?"

       "Yes I am fine."
       "You should be Princess. Look," sabi niya sabay taas ng baba ko to meet her eyes.

        "Look babe, ngayon pa ba? Ngayon pa ba tayo susuko sa laban? Alam ko ang nararamdaman mo, trust me. Do not let your insecurities to let you down, unless, it will kill you and the bond we have, okay?"

         Tumango lang ako. Gusto ko sanang sabihin, "Cissy, bakit ang galing galing mo? Bakit isip at puso ko, alam mo?"

        "Janna, mahal kita. Understated na nga ang salitang 'yun compare sa nararamdaman ko para sa yo."
        "Sige na babe, you go na. Magkakaron na kasi ako kaya ma emo ako.."

       Cissy's lips pressed against mine and we have shared a deep kiss. Sa mga yakap at halik niya ako mahina. I am home everytime we kissed. Pain melts right away everytime she kisses me. Cissy left and I just get back to bed and meditate. What is my next step for my life's fulfillment?

*******************************

ty for reading

shan 4.7.16

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedWhere stories live. Discover now