Kabanata 48

2.2K 30 1
                                    

"Anong kaguluhan ito?" mabilis kong tinulak si Samson ng marinig ang boses ni Dean. Hinarap ko siya, napalipat lipat siya ng tingin saamin. Dumako ang kamay niya sa braso ko kung saan nakahawak si Samson. Winaksi ko ang kamay niya at pinunasan ang luha ko.

"Sir-"

"It's my fault." putol ni Samson sa sasabihin ko.

"Rosalyn," napayuko ako at lumayo kay Samson. God… nakakahiya ito. Sobrang init na ng mukha ko at natatakot akong harapin si Dean.

"Kasalanan ko po, Sir… I'm sorry po." tumingin siya sa likuran ko. Nang makita ang luhaan na mukha ni Talia ay napapikit siya ng mariin. Hinilot ang sintido niya at naibagsak ang balikat. Dismayadong dismayado saaming dalawa.

"Talia and Rosalyn, to my office. Now." anas niya saka kami iniwan.

Nanatili akong nakatayo. Bumalik sa mga ginagawa nila ang mga studyante. Pati si Daniela ay iniwan narin ako. Kung hindi pa ako babanggain ni Talia ay hindi na ako gagalaw. Nag pakawala ako ng malalim na buntong hininga at hinarap si Samson.

"I'm sorry," sawang sawa na ako sa kakahingi niya ng tawad. Inayos ko ang sarili.

"Umalis kana."

"Mahal-"

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at iniwan siya. Naibagsak niya ang balikat bago tumalikod. Sumunod ako kay Talia. Naabutan ko siyang nakaupo sa harapan ni Dean. Umupo ako sa tapat niya.

"Anong nangyari? At anong meron kay Mr. Ortega?" bungad ni Dean.

"Kasalan po ni Rosalyn. Sulotera siya!" konti na lang at puputok nanaman ako sa galit. Shit. Kung hindi lang kami nasa harapan ni Dean ay talagang papatulan ko na si Talia. Tumingin saakin si Dean.

"Sir, I think wala po akong dapat na ipaliwanag sa inyo."

"What? Sir, nakikita niyo po ba itong sugat sa pisngi ko? Kasalanan ng babaeng yan! Kinalmot niya ako!"

"Talia!" napatigil siya at napayuko.

"Wala akong nakikitang rason para isiwalat mo ang bagay na 'yan, Talia. Labas sa trabaho ko ang personal kong buhay. Kung ang pinagpuputok ng butchi mo ay ang pang-iiwan sa'yo ni Samson, sana ay sinabi mo saakin sa labas at hindi dito sa loob ng paaralan." tumapang ang anyo ng mukha niya at kulang na lang ay mamatay na ako sa talim ng tingin niya saakin.

"Nag-away kayo dahil lamang sa lalaki? Ganyan ba ang natutunan niyo sa loob paaralan?" natahimik kaming dalawa ni Talia.

"Ikaw Rosalyn, sana ay hindi mo na pinatulan pa si Talia." sa sinabing iyon ni Dean ay inismiran ako ni Talia.

"Sir, siya po ang nauna." depensa ko.

"At ikaw Talia," natahimik si Dean at humugot ng malalim na buntong hininga. "I don't know what to say. Parehas ninyong pinapahiya ang sarili ninyo. I am very disappointed."

Muli kaming natahimik ni Talia. Sa loob ng siyam na buwan ko sa pagtratrabaho ay ngayon ko lang nakita kung gaano kadismaya si Dean. We are such a disgrace. Ano na lang ang iispin ng ibang Dean sa kay Dr. Corpuz? Na ang secretary niya ay walang kahihiyan sa sarili at nakipag-away sa studyante?

Pinalaki ako ng maayos nila Mama. Alam ko ang limitasyon ko. Kung paano pahalagahan ang reputasyon ko at nang ibang tao. Pero itong nangyari. Pakiramdam ko ay sa isang iglap nawala ako sa sarili at nakalimutan ang mg pinag-aralan.

Buong buhay ko, ngayon lang ako nakipag-away ng ganito. Na walang ibang naisip kung hindi ang ipagtanggol ang sarili. Lahat ng ito nagawa ko dahil lamang kay Samson. Lahat na lang siya ang may dahilan. Hindi ko man lang naisip kung tama ang pinaggagagawa ko. Mahal ko ang aking trabaho. Sa mga araw na nandito ako ay si Dean ang tumatayo kong ama… naming ama. Sana ay naisip ko iyon bago pinatulan si Talia.

To Be Only Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon