Kabanata 36

1.9K 34 1
                                    

Hindi matanggal tanggal ang ngiti sa labi ko habang inaayos ang ilang folder na binilin ni Dean. Parang naeengganyo tuloy akong mag trabaho ngayon. Matapos akong ihatid ni Samson na hanggang sa labas ng school lang naman ay napagtanto kong kami na ulit. Sa isiping iyon ay parang hihimatayin na ako sa tindi ng kabog ng dibdib ko.

Ni hindi ko masabi ang saktong salitang naglalarawan sa nararamdaman ko ngayon kahit madaming consequences ang relasyon namin. Madaming magugulat at magagalit pero mas nangingibabaw 'yong pagmamahal ko kay Samson. Sa pagkakataong kasi ito ay handa na akong sumugal… oo at nagkahiwalay kami ng isang taon. Hindi naging maganda ang takbo ng relasyon namin noon. Pero ngayon, sisiguraduhin kong mas madaming magagandang ala-ala kaming magagawa at tutugunan ang pagkukulang sa relasyon namin noon.

"Tapos kana? Kain na tayo." inangat ko ang ulo ng pumasok si Daniela. Ngumiti ako at tumango.

"Tapos na!" galak ang boses kong sabi at kinuha ang pitaka ko. Sinilid ko ang phone sa bulsa ng blouse ko at sumunod sa kanya palabas.

"Saan tayo kakain?" tanong niya.

"Saan mo ba gusto? Yellow Cab tayo?"

"Sige doon na lang."

Palabas na kami ng building ng may tumawag sa pangalan ko. Lumingon kami ni Daniela at nakita si Talia kasama ang kaibigan niyang si Maggie. Tumikhim ako upang mawala ang nakabara sa lalamunan ko. Anong kailangan niya?

"Kakain na po kayo? Pasabay po sana kami." anas ni Talia.

Nagkatinginan kami ni Daniela. Binigyan niya ako ng tingin na kung ayos lang ba kung sumama silang dalawa. Nagkibit balikat ako at umiwas ng tingin. I don't think that's a good idea! Pero wala naman akong magagawa at wala akong irarason para sabihing hindi sila pwedeng sumama saamin ni Daniela.

"Sa Parian kami kakain, sa may Yellow Cab."

"Ayos lang, Ma'am Daniela."

Wala na akong nagawa ng sumakay kami ng jeep papuntang Yellow Cab. Pansin ko sa gilid ng aking mata na tinititigan ako ni Talia. She's eyeing me like I'm an ex convict. Nang tumingin ako sa kanya ay umiwas siya ng tingin. Napabuntong hininga na lang ako at hindi na siya pinansin.

What's wrong with her gaze? Is it about Samson? Nakipaghiwalay na ba siya sa kanya? Wala kasi akong ibang maisip na dahilan para titigan niya ako ng ganoon kalalim.

Nang makarating sa Yellow Cab ay mabilis akong tumabi kay Daniela. Umupo si Talia sa tapat ko, sa tabi naman niya si Maggie.

"Hindi mo yata kasama si Samson, Talia?" natigilan ako sa pag-iikot ng pasta sa tinidor ko sa biglaang tanong ni Daniela.

"Busy sa pier, Ma'am… atsaka tinawagan na niya ako kanina, hindi daw niya ako mapupuntahan ngayon."

Tinuloy ko ang pagikot ng pasta at sinubo iyon. Kunwari ay hindi ko naririnig ang usapan nila kahit gustong gusto ko ng magtanong kay Talia. Tinawagan siya ni Samson at nagpaalam pa talaga ito? Really? Akala ko ba ay makikipaghiwalay na siya sa kanya? Bakit mukhang masaya parin si Talia? Dapat ay umiiyak na siya ngayon. Iyon ang navivisualize kong manhyari. Pero parang kabaliktaran nito ang nakikita ko sa mukha ni Talia!

"Ikaw, Ma'am Rosalyn, where's Felix?" inangat ko ang tingin. Naghihintay sila sa sagot ko. Ngumiti ako ng pilit at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"Nasa trabaho rin."

"Talaga? Kaya pala iba ang naghatid sa'yo kaninang umaga." natigilan ako. Did she saw us? Oh my God!

"Anong ibig mong sabihin?" anas ni Maggie. Nakakunot ang noo niyang tumingin kay Talia.

To Be Only Yours Where stories live. Discover now