Kabanata 25

2.1K 37 8
                                    

Tahimik. Ang tahimik habang nasa biyahe papuntang bahay nila. Nasa labas ang tingin ko at hindi na nag abalang muling tignan si Samson. Ni hindi ko magawang tanungin kung bakit niya ako dadalhin sa bahay nila. Ang hina ko nanaman… kasi basta basta nanaman akong nagpapahila sa kanya.

I don't want to be with him. But the way he smile… how sincere his voice and eyes is, napapa-oo ako ng wala sa huwisyo. And damn, I missed him. Mahigit isang linggo ko din siyang hindi nakita. I want to talk to him until dawn. Ang dami nanamang katanungan sa isipan ko.

Nang maipasok niya sa garahe ang sasakyan ay mabilis siyang lumabas. I swallowed the lump on my throat, my heart is beating so fast. Nanghihina na ang tuhod ko sa sobrang kaba. Nang tumayo siya sa harapan ko ay hinawakan niya ang kamay ko papasok. Napatingin ako sa kamay niyang nasa palapulsuhan ko. Damn, it feels so good to feel him like this again.

"Selene," napaangat ako ng ulo ng huminto kami sa kusina. Nalaglag ang panga ko ng makita ang mga nakahandang pagkain.

I gaze at him. What's this? Anong meron at madaming pagkain? Hindi naman niya birthday,  at mas lalong hindi ko birthday. What's this all bout? Nang tumingin siya saakin ay pinisil niya ang palad ko at hinila sa tapat ng upuan. Nang bitawan niya ang kamay ko ay nag hesitate ang katawan ko. Ba't niya ako binitawan? I like how hot his palm is.

Pinaghila niya ako ng upuan. Mwinestra niya 'yon saakin ngunit tulala lang ako sa kanya. Nagugulat parin ako sa ginagawa niya.

"Sit, Rosalyn, we'll talk later. Let's eat first." para akong isang laruan at siya ang remote control. Sinunod ko ang sinabi niya. Isang ngiti ang tumakas sa labi ko. It's like we're dating, aren't we?

"May kailangan ka pa ba, Sir?" tanong ni Selene.

"Wala na… iwan mo na kami, Selene." Selene obliged and left us. Gusto kong hilain si Selene at sabihing 'Dito ka lang'. It's me and Samson, alone. Hindi ko yata siya kayang harapin!

"Hindi ka pa ba gutom, Rosalyn? It's almost 7… walang chicken 'yan." napatitig lang ako sa kanya at hindi sumagot. I really don't know what to say. Tinakasan yata ako ng dila ko.

Nang mahalata niyang hindi talaga ako magsasalita ay tumayo siya at lumapit saakin. Linagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko. Kinagat ko ang ibabang labi at nagpigil ng ngiti ng hiwain niya ang karne. It's just a simple gesture, pero grabe na kung magharumentado ang puso ko.

"Ang dami naman yata niyan." apela ko.

"Eat all this and don't complain, nawala lang ako ng isang linggo pumayat kana."

Hindi ako sumagot at pinanood siyang naghihiwa ng karne.  Tumatama ang balat niya sa pisngi ko. He's so close to me and I can't catch my breathe. Nang matapos ay bumalik siya sa upuan niya sa tapat ko at nginuso ang plato ko.

"Eat." tumango ako at tinikman ang hiniwa niyang karne.

Mas masarap pala ang isang karne kapag siya ang nanghiwa. It was Selene's specialty, ilang beses ko na itong natikam ngunit ngayon lang ito naging ganito kasarap lalo pa at si Samson ang nanghiwa.

Tulad kanina sa sasakyan ay ang tahitahimik nanaman at tanging pagtatama lang ng kubyertos sa plato ang naririnig. Sinulyapan ko siya. Ngumunguya siya habang nakatitig rin saakin. His eyes is unreadable sa dami ng emosyong makikita ay hindi ko na matukoy kung ano ang mga 'yon. Ganoon ang nangyari hanggang sa matapos kaming kumain. Nauna siyang matapos at pinapanood lang akong sumusubo kaya naman mas lalo akong bumagal sa pagnguya.

"Tara na." hinila nanaman niya ako habang ang isa niyang kamay ay may hawak hawak na wine.

"Saan tayo pupunta? Hindi pa ba ako uuwi?" tanong ko habang paakyat ng hagdan.

To Be Only Yours Where stories live. Discover now