Kabanata 23

2K 45 8
                                    

Alas sais pa lang ay ginising na ako ni Felix para ihatid sa bahay. Inaantok parin ako habang nasa biyahe. Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako. Nagising ako ng may humahalik sa labi ko. Minulat ko ang aking mata… bumungad saakin ang nakangising si Felix.

"We're here." inalalayan niya akong bumaba at pumasok sa bahay.

"Wala kang trabaho?" tanong ko at humikab. Tumingin ako sa aking relo. 6:30 na pero madilim parin sa paligid. Umihip ang hangin kaya naman napayakap ako sa sarili.

"Meron pero mamayang 5 p.m. pa." tugon niya at umupo sa sofa.

"Oh nandiyan na pala kayo." napatingin ako sa bukana ng kusina. Nakangiti si Mama at linapitan si Felix. Bumeso ito sa kanya.

"Good morning po,"

"Magandang umaha rin sa'yo, iho, dito kana kumain. Magluluto lang ako saglit." ani Mama. "Ikaw, Rosalyn, hindi ka pa ba mag aayos? Malalate ka sa trabaho." patuloy niya at bumalik sa kusina. Napatingin naman ako kay Felix na ngayon ay nakangisi.

"Palit kana. Ihahatid pa kita sa trabaho mo. Tutulungan ko na lang si Mama." binigyang diin pa niya ang salitang Mama bilang biro. Tumawa ako at kinirot ang ilong niya.

"Okay. Saglit lang ako."

"Take your time." hinalikan niya ang labi ko bago sumunod kay Mama.

Napabuntong hininga ako. Nang marinig ko ang kwentuhan nila ni Mama ay dumiretso ako sa taas at tinahak ang kwarto ni Roshan. Iniisip ko parin si Samson, lalo na ang text niya. Hinintay kaya niya ako kagabi? Pero imposible, dalawang oras na ang nakalipas ng mabasa ko ang text niya. Wala siyang pasensya upang maghintay ng ganoong katagal. At isa pa ay hindi ko siya rineplyn, ibig sabihin noon ay hindi ako susunod sa utos niya.

Nadatnan ko si Roshan na katatapos lang maligo. Nagulat siya ng makita ako.

"Good morning," linapitan ko siya at kinuha ang ang isa pang tuwalya sa balikat niya. Tinuyo ko ang buhok niya pagkatapos ay pinanood siyang magpalit.

Tumawa ako ng simingutan niya ako at nagtago sa banyo. Pagkaraan ng ilang sandali ay lumabas na siya.

"Akala ko hindi ka na uuwi, Ate." hindi ako sumagot at kinuha ang suklay. Umupo ako sa kama at pinatayo siya sa tapat ko.

"Hindi naman pwedeng mag stay ako sa bahay nila Felix, Rosh." hindi siya sumagot. Kinuha ko naman ang pagkakataong 'yon para mag tanong tungkol kay Samson.

"Anong ginawa ni Samson dito kagabi?"  linapag ko ang suklay sa kama niya at kinuha ang polbo. Nang tumingala siya ay linagyan ko ng polbo ang leeg niya.

"Hinintay ka niya." kumunot ang noo ko at tinigil ang ginagawa. He waited? That's impossible.

"Anong oras siya pumunta dito? Nakita siya ni Mama."

"Hindi, Ate, mga alas nwebe siya pumunta dito. Tulog na si Mama dahil pagod. May dala siyang madaming pagkain. Sabi niya mga paborito mo daw 'yon."

Hindi ako nakasagot at pinanood siyang mag suot ng sapatos. Ano nanaman ba ang kailangan niya at pumupunta dito siya sa bahay? Sinabi ko na ngang tapos na kami at wala na siyang babalikan. Naiinis na ako sa kanya, sa totoo lang.

Paano kung matuklasan nila ang pagpunta niya dito sa bahay sa dis-oras ng gabi? Ayoko ng gulo. Ayokong masira ang relasyon nila ni Talia. Kaya kung maari sana ay sundin niya ang sinasabi ko dahil para saamin ang lahat ng ito.

"Anong oras siya umuwi?"

"Hindi ko alam, Ate, pinapasok na kasi niya ako dahil masyado ng gabi. Pero sabi naman niya hihintayin ka daw niya."

To Be Only Yours Where stories live. Discover now