Kabanata 19

2.2K 44 2
                                    

"Rosalyn, kulang ng sampung pesos ang sinukli mo!" mula sa malalim na pag-iisip ay nabalik ako sa realidad ng lapitan ako ni Cielo.

"Ha? Naku, pasensya na." Shit. Ano bang nangyayari saakin. Dalawang beses na akong nagkakamali sa pagsukli. Kumuha ako ng sampung pesos mula sa kaha at binigay kay Cielo.

"Sir, pasensya na po. Thank you for coming!" saka lang ako nakahinga ng maluwag ng umalis na ang customer. Dumungaw si Cielo saakin at tinaasan niya ako ng kilay. Naibagsak ko ang aking balikat.

"Ano bang nangyayari sa'yo, Rosalyn? Kanina ka pa wala sa sarili mo!" napayuko ako at umiling.

Apat na oras na ang nakakaraan pero binabagabag parin ako. Parang linalakumos ang puso ko. I can't imagine Samson's face a while ago. Kung gaano siya kairitado sa pagbabago ng mood ko kaninang umaga. Kitang kita ko ang paghihirap sa mukha niya. But he need to respect my decision. Ano man ang gawin niya ay walang magbabago saamin. That's my decision… and that is final.

"Cielo…"

"Oh? Miss mo na si Felix kaya ka malungkot ano?" ngumiti ako ng hilaw.

I actually missed him. Pero hindi iyon ang problema ko. Si Samson… siya ang problema ko. Naguguluhan kasi ako sa mga kilos niya. Natatakot ako… natatakot na may iba pang ibig sabihin ang mga ginagawa niya. The way he talk, the way he smile… everything about him last night is not new to me. We've been together for almost two years in the past. At alam ko ang ibig sabihin ng mga galaw niya. Bumuntong hininga ako.
"Sus! Ikaw talaga, hindi bale at uuwi naman dyowa mo bukas. Magkikita na ulit kayo." Isa pa iyon sa problema ko. Uuwi na bukas si Felix, kapag nakikita ko siya ay lalamunin nanaman ako ng konsensya ko.

"Cielo, kapag may nagawa ka bang mali sa boyfriend mo ay sasabihin mo sa kanya?" kumunot ang noo niya.

"Bakit? Anong ginawa mo? May problema ba kayo ni Felix?"

"Hindi. Hindi… wala!" depensa ko at umiling. Shit. Masyado pa yatang halata ang pagkakatanong ko. Gusto ko lang maliwanagan ang utak ko. Naguguluhan kasi talaga ako kay Samson.

"Syempre sasabihin ko sakanya. Sa isang relasyon kasi, hindi lang dapat puso ang pinapairal. Dapat loyal at honest kayo sa isa't isa. Kung alam mong may isang bagay na nakakasama sa inyo ay sabihin mo na agad. Mas maigi na 'yon kaysa malaman pa niya sa iba. May tendency kasing mabawasan ang tiwala niya sa'yo." hindi ako nakasagot at napaisip.

Tama si Cielo. Tinamaan ako sa sinabi niya. Pero natatakot akong sabihin kay Felix ang nangyari, dahil baka nga mabawasan ang pagtitiwala niya saakin. Pero mas gumulo padin ang isip ko. Paano si Samson? Bakit nagagawa niya ito kay Talia? And worst… paano kung malaman ni Talia na pinuntahan ako ni Samson matapos siyang ihatid nito?

Habang lumilipas ang oras ay mas dumami ang customer namin. May nagpapakulot, pedicure at hair treatment kaya naman mas naging busy kami. Habang nagpapahinga matapos tulungan si Cielo ay biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon mula sa bag ko. Kumunot ang noo ko ng may text doon galing kay Isaiah. Ano nanaman kaya ang kailangan niya?

Isaiah:
Where are you?

Ako:
Salon. Why?

Habang naghihintay ng reply niya ay nag pahid ako ng lipstick. Ilang segundo pa ay tumunog nanaman ang phone ko.

Isaiah:
Punta ka daw dito bahay nila Samson. Gusto ka daw makita ni Tita. Mag babake daw kayo.

What? Kinagat ko ang ibabang labi at nanginginig ang daliring nagtitipa ng reply. Bakit nanaman ako pupunta doon! Ni hindi pa nga kami nag-uusap ng maayos ni Samson matapos ang nangyari kanina. Hindi pa ako handang makita siya.

To Be Only Yours Where stories live. Discover now