Kabanata 32

1.9K 36 4
                                    

Nagising ako ng maramdamang may humahaplos sa pisngi ko at kinikiliti ang paanan ko. Gumalaw ako at kinusot ang mata. Nang dumilat ay bumungad saakin ang maaliwalas at nakangiting si Felix.

"Hi, good morning." nanlaki ang mata ko at napaupo ng wala sa oras.

"Fe-Felix?" tinawanan niya ako at bigla na lang hinalikan ang pisngi ko.  Tinanggal ko ang nakakumot saakin at hinilot ang sintido ko. What is he doing here?

"Get up, alas diyes na." nanlaki ang mata ko. Teka… taghali na?

"Ano? Anong oras na?"

"10:00 na, Rosalyn."

"Ba't ngayon mo lang ako ginising! Kanina ka pa ba dito?"  muli siyang tumawa at tumayo. Pumwesto sa salamin at inayos ang buhok niya.

Ngayon ko lang din napansin ang ayos niya. He's wearing a black pants, his white shoes and black T-shirt. Walang bago sa outfit niya pero napakalas ng dating niya. So usual and so confident.

"Ayaw mong gumising, e, sarap ng tulog mo, Rosalyn." tumayo ako at inayos ang pinaghigaan ko. Linapitan niya ako at bigla na lang yinakap mula sa likuran.

"Ligo ka na… may pupuntahan tayo. Remember? May date tayo kada linggo."

"May magagawa pa ba ako e nandito kana?" nginitian niya ako at dinampian ng halik ang sintido ko.

"I'll wait you outside." akmang aalis na siya ngunit pinigilan ko.

"Sila Mama? Sino nagpapasok sa'yo." tumawa siya at binuksan ang pintuan.

"Pinapasok ako ni Ronnie kanina kaso umalis na sila ni Roshan. Si Tita nasa salon na, Papa mo nasa Leyte." anas niya bago ako iniwan.

Napabuntong hininga ako at naghalungkat ng maisusuot. Linggo na pala ngayon… I thought it's Saturday. Hindi ko alam kung anong oras akong natulog kagabi kakaisip kay Samson. Matapos ang nakita ko ay nagpalipas pa ako ng oras sa town at naglakad lakad sa kahabaan ng night market. I end up eating a Mami. Sa sarap ng kinakain ko ay bahagya kong nakalimutan si Samson. Food is better than people, anyway.

Sa sobrang inis ko sa kanya ay dinaan ko sa pagkain ang galit ko. I switched off my phone para hindi niya ako makontak. Ayoko siyang makausap. Ayoko siyang makita dahil sinungaling siya. Sabi niya ako ang mahal niya at wala lang si Talia sa kanya. Pero ano iyong nakita ko? Seems like he's happy with her. Kinakain ako ng selos.

Nang matapos makapag ayos ay bumaba na ako. Nadatnan ko si Felix sa sala na nanonood. Nang mapansin niya ako ay pinatay niya ang TV. Tumayo at lumapit saakin. Napangiti ako. Limang araw din kaming hindi nagkita. So far, iyon na siguro ang araw na pinakamatagal kaming hindi nagkita. I miss him sa totoo lang.

"Let's go?"

"Hindi mo man lang ba ako pakakainin?" tumawa nanaman siya at pinagsiklop ang daliri namin. Hinila niya ako palabas ng bahay.

"Sa labas na tayo kakain."

"Saan ba tayo pupunta? Nagmamadali ka?" humalakhak siya at sumandal sa sasakyan. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko.

He's just so handsome while laughing. Pakiramdam ko ay wala akong problemang kinakaharap. Parang ayos lang ang lahat… ang relasyon namin. Wala naman talagang problema sa relasyon namin dahil ako lang itong gumagawa. I'm hooking up with my ex. Natatakot ako kapag nalaman iyon ni Felix. And God… I'll cry hard kapag nangyari iyon. Probably kakainin ng guilt ang buong pagkatao ko.

"Sa Ortega Gym, manonood tayo ng Dance Competition. Atsaka mag jujudge si Phoenix." nanlaki ang mata ko.

"You mean, iyong dati niyong sinasalihan?" tumango siya. Wow! That would be perfect! Atsaka matagal ko ng hindi nakikitang sumasayaw si Felix. Napahagikhik ako sa naisip. Excited na akong manood!

To Be Only Yours Where stories live. Discover now