Kabanata 17

2.1K 47 7
                                    

"Samson?" hindi makapaniwalang sabi ko at linapitan siya.

"Hi," nagawa pa niyang ngumiti kahit na nanliliit na ang mata kong nakatingin sa kanya.

What the hell? At anong ginagawa niya dito sa bahay? Ang kulay pink niyang long sleeve ay kasing pula na ng mukha niya. Napatapik ako sa noo at tinalikuran siya. Kinalma ko ang naghaharumantado kong sistema. Breathe, Rosalyn. Muli ko siyang hinarap at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Am I dreaming? Si Samson ba talaga itong nasa harap ko?!

"What are you doing here!" maagap kong tanong. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Uh-"

"Uwi!" putol ko sa sasabihin niya at akmang tatalikuran siya ng hawakan niya ang siko ko.

"Rosalyn, sandali lang." Fuck. Halos kilabutan ako sa sinabi niya.

"Ano! Anong ginagawa mo dito! Birthday ng Mommy mo! And you're with Talia earlier, what the hell are you doing here? Dis-oras na ng gabi!" pigil pigil ko ang pag taas ng boses ko at baka magambala ko ang mga kapitbahay pati narin si Mama.

"Usap tayo." napasinghap ako sa lungkot ng boses niya.

"Wala tayong pag-uusapan. Umuwi kana, Samson, sinabi ko naman sa'yo na hindi ka welcome dito sa bahay."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tumalikod. Sinara ko ang gate at patakbong pumasok sa bahay. Pinatay ko ang ilaw sa garahe at napasandal sa nakasarang pintuan. Napapikit ako at napahawak sa kumakabog kong dibdib. Parang hihimatayin na ako at mawawalan ng hininga sa bilis ng tibok ng puso ko.

I was totally shocked. Hindi ko lubos aakalain na nandito si Samson. Saakin niya pinapatama ang 'See you later' kanina. Bumuntong hininga ako at nagtanggal ng heels. Binitbit ko iyon hanggang sa kwarto. Ano ang nangyari sa party at nandito siya? Where is Talia anyway? Huwag niyang sabihing iniwan nanaman niya ito.

Kinuha ko ang tuwalya at pumasok sa banyo. Nag half bath lang ako pagkatapos ay nag palit ng pajama at puting spaghetti strap na damit. Habang nagsusuklay ay pumasok sa isipan ko si Samson. Nasaan na kaya siya? Sana naman ay umuwi na siya. I hate it when he's around. Parang sumisikip ang lahat ng bagay sa paligid ko at kinakapos ako ng paghinga.

Kinuha ko ang aking laptop at binuksan iyon. I can't sleep. Mag momovie marathon ako since wala namang trabaho bukas. Habang hinihintay na bumukas ang laptop ay dumiretso ako sa kusina upang mag timpla ng kape. I badly need a good coffee.

Nag salin ako ng kape, asukal at creamer sa mug. Naglagay ako ng mainit na tubig at hinalo. Napapikit ako ng maamoy ang aroma ng kape. Sakto namang pumatak ang ulan... ganoon na lamang kalakas ang bawat patak ng tubig. Oh my God! Ba't umulan pa! Luluwas si Felix sa Baguio. Mapanganib ang daanan kapag ganito.

Napatapik ako sa noo at binuhat ang baso ng kape. I'll text him! Nag-aalala ako. Sana ay hindi pa siya tulog. Nang nasa sala ako ay linapitan ko ang bintana. Bahagya ko 'yong binuksan para makasiguradong umalis na si Samson. Sana. Nanliliit ang mata kong sumilip sa tapat ng gate. Kung wala lang ang poste ng ilaw ay hindi ko na makikita si Samson na nakatayo parin sa puwesto niya kanina.

"What?" sa sobrang gulat ay bahagyang natapon ang kape sa kamay ko. "Shit!" hinipan ko ang kamay at pinunasan.

"Ba't hindi pa umuuwi ang lalaking 'yon!"

Kinuha ko ang payong sa tabi ng pintuan at lumabas ng bahay. May balak bang mag pakalunod sa ulan ang lalaking ito! Bakit siya nagpapaulan! Bakit hindi pa siya umuuwi!

"Samson!" sigaw ko ng makalapit sa kanya at pinayungan. Napaangat ang ulo niya ng makita ako. "Gago ka ba! Ba't ka nagpapaulan! Gusto mo bang magkasakit!"

To Be Only Yours Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin