Kabanata 30

2K 50 6
                                    

SPG

Kanina pa ako lakad ng lakad ng walang patutunguhan dito sa kwarto ko at panaka nakang tumitingin sa hawak kong cellphone. Dalawang araw pa ang lumipas ngunit hindi ko parin nakikita si Samson. Minsan ko na siyang tinext pero hanggang ngayon ay wala parin akong natatanggap na reply. Umupo ako sa kama at kinalma ang naghaharumentado kong sistema.

Calm down, Rosalyn. Baka busy nga lang talaga siya. Hindi ko parin naman kasi maiiwasang mag-alala. Sabado na ngayon, sabi niya mag dadate kami pero nukhang wala na akong aasahang tawag o text. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina.

"Hindi ka sasama sa salon, anak?" tanong ni Mama ng makita ako.

"Uhm… bukas na lang po, Ma, may lakad ako ngayon." pagsisinungaling ko at nagsalin ng tubig sa pitsel. I've made up my mind. Pupuntahan ko si Samson. Nag-aalala na talaga ako sa kanya, mababaliw na ako kung hindi ko pa siya makikita ngayon.

"Saan ka pupunta?"

"Kakain po sa labas, kasama ko mga kaklase noon."

"Ganoon ba, oh siya sige. Itext mo ako kung anong oras kang makakauwi."

"Opo Ma."

Iniwan ko na si Mama at bumalik sa kwarto. Binuksan ko ang closet at naghalungkat ng maisusuot. Nagpigil ako ng ngiti at hinango ang ilang hanger. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nakita ako? Magugulat iyon panigurado. I want to surprise him! Gusto kong mag paimpress kahit alam kong hindi ko na kailangang gawin iyon dahil patay na patay siya saakin.

Napailing ako. Ano ba itong iniisip ko? Masyado akong asunera. Isang black dress ang napili ko. Hanggang kalahati ng hita ko ang haba at may kakapalan ang strap.

Pumasok na ako sa banyo at naligo. Nang matapos ay nag ayos na ako at nag apply ng lipstick sa labi ko. Kinapalan ko ang linagay ko at inayos ang kilay ko. Panigurado at maakit nanaman siya sa labi ko. Muli akong napailing. Ano nanaman ba ang iniisip ko! Hindi ko naman aakitin si Samson, gusto ko lang talaga siyang makasama at makausap.

Sakto at alas diyes na. Kung maaga akong makakarating sa bahay nila ay ipagluluto ko siya ng tanghalian at sabay kaming kakain. Ganoon na lang siguro ang set up ng date namin ngayon. Ayokong lumabas at mamasyal. Gusto ko mag-usap kami buong araw, tulad ng ginagawa namin noon.

Mag aalas onse na ng makarating ako sa bahay nila Samson. Maiaabot pa ang lulutuin ko. Luminga ako sa paligid ngunit wala akong makitang tao. Nasaan na sila? Nakakapanibago at walang pagala galang kasambahay ngayon? Pumasok na ako at didiretso na sana sa hagdan ng matigilan ako at nakita si Talia sa may kusina na ngayon ay nag babake.

Mabilis akong lumayo sa hagdan at dumaan sa isang pintuan papuntang garahe. Habol habol ko ang aking paghinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sumandal ako sa pintuan at nilock ang pinto. Ba't siya narito? Nakita kaya niya ako? Shit! Sana naman hindi!

Palakad lakad ako sa garahe at nag-isip ng kung anong gagawin. Samson is definitely here! Huminto ako at muling sumandal sa pintuan. Kaya ba hindi niya ako tinatawagan ay dahil nandito si Talia? Kung nakalaan naman pala kay Talia ang araw niya ngayon ay sana hindi na lang siya nangakong mag dadate kami ngayon.

Napapikit ako pinunasan ang nangilid na luha sa mata ko. Nakakalimutan ko na yatang wala kaming pormal na relasyon ni Samson. Si Talia ang girlfriend niya at nararapat lang na unahin niya ito kaysa saakin. Patago lang naman kaming nagkikita eh, hindi katulad ni Talia na pwede niyang lapitan si Samson, kausapin, hawakan, halikan kung kailan man niya gugustuhin kahit saang lugar at madaming tao. Sila ang legal sa mata ng mga taong nakapaligid saamin. I'm invisible in their eyes, but in Samson's vision… I am visible.

To Be Only Yours Where stories live. Discover now