Kabanata 22

2K 42 4
                                    

"Sabi mo gabi ka uuwi… napaaga yata ang uwi mo?" hindi matanggal ang wagas na ngiti sa labi ko habang nakatuon kay Felix ang mata ko. Pinaglalaruan niya ang isa kong kamay at hinahalikhalikan habang ang isa niyang kamay ay nasa manibela.

"Hindi natuloy iyong isang seminar… nagkayayaan sila pero nauna na akong umuwi. I missed you so much, you know." napahagikhik ako ng muli niyang halikan ang kamay ko at kinindatan. I can feel my blood rushing through my veins! Pakiramdam ko ay nangungulila ako kay Felix samantalang ilang araw lang naman siyang nawala.

"Talaga lang, huh?" I teased him. He flashed his boyish smile.

"Yeah. I have surprise for you." namilog ang mata ko at hinarap siya. Tinawanan niya ako at binitawan ang kamay ko ng iliko niya ang sasakyan. Pagkatapos ay muli nanaman niyang hinawakan ang kamay ko. I giggle.

"What's your surprise?" excited kong sabi. Tumaas ang sulok ng labi niya at hindi sumagot kaya naman sumimangot ako at kinurot ang braso niya.

"Felix! You're such a tease!"

"Malalaman mo pag nandoon na tayo sa bahay."

"Sige na nga." sumimangot ako at inayos ang upo. Muli siyang tumawa at linipat ang kamay niya sa tuhod ko. I tensed, pero hindi ko winaksi ang kamay niya.

Nang makarating sa bahay nila ay kaagad siyang lumabas… pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang lumabas.

"Thanks." hinalikan niya ang sintido ko at inakbayan papasok ng bahay.

"Rosalyn, iha!" kaagad akong linapitan ni Tita Flor ng makapasok sa bahay.

"Hello po, magandang hapon." bumeso ako sa kanya. Bahagya naman akong yinakap ni Tito Froilan na kakababa lang ng hagdan.

"Mabuti naman at napadalaw ka. Kakain ka ba dito, Rosalyn?" tanong ni Tito at umupo sa may sofa. Hindi ako sumagot at tumingin kay Felix. Gusto ko sana pero hindi ako nakapagpaalam kay Mama. Baka mag-alala nanaman siya dahil hindi ako umuwi kagabi.

"Yes, Pa, dito siya kakain." ani Felix.

"Tamang tama at nagluto ng paborito mo si Flor. Pauwi narin si Phoenix." napangiti ako at tumango.

Komportableng komportable talaga ako sa parents ni Felix. Hindi ko man nakilala ang tunay nilang ama ay sapat na saaking nakilala si Tito Froilan. Ang bait bait niya at mahal na mahal niya ang magkapatid kahit hindi niya ito tunay na anak.

"Akyat po muna kami sa kwarto, may ibibigay lang po ako sa kanya." hindi na hinintay ni Felix ang sagot ni Tito at hinila na ako papuntang hagdan. Tumawa ako at nagpahila sa kanya.

"Parang mas excited kapa saakin, Felix." inismiran niya ako at binukasan ang pinto sa kwarto niya.

Ginala ko naman ang tingin sa kwarto niya. Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang human size na stuff toy na aso sa kama. Is this his gift? Oh my God! Ang laki nito! Lumapit ako sa kama at binuhat ang stuff toy.

"Like it?" ani niya at yinakap ako mula sa likuran habang yakap yakap ko naman  ang regalo niya. Ang lambot at ang lamig! Ang sarap yakapin! Tumango ako at binatawan ang hawak. Hinarap ko si Felix at lumambitin sa leeg niya.

"Thank you!" bulong ko at pinaulanan ng halik ang mukha niya.

"You're welcome, Rosalyn." huminto ako sa ginagawa ng umupo siya sa kama. Hinila niya ako at pinaupo sa hita niya. Our nose touched… I can feel his hot breath on my cheek.

"Anong ipapangalan ko sa kanya? Kakasya ba 'yan sa sasakyan mo? Ang laki kaya!" humalakhak siya at tinungkod ang kamay sa kama. Tinitigan niya ako… may mapaglarong ngiti sa labi niya.

To Be Only Yours Where stories live. Discover now