Kabanata 47

2.1K 41 5
                                    

Hindi ko alam kung paano haharapin si Samson matapos niya akong muling lokohin. Imbes na maawa ako sa itsura niya ngayon ay mas nangingibabaw ang galit ko kaya imbes na kausapin siya ay basta ko na lang siyang linagpasan.

"Ro-Rosalyn," napapikit ako ng mariin at pinigilan ang pagtulo ng luha ko. Nanatili akong nakatalikod. Humakbang ako ng isang beses ngunit hinawakan niya ang braso ko.
"M-mahal ko," wala na. Trinaydor nanaman ako ng sariling luha at muli itong tumulo.

"What do you want? Why are you here?"

"I-…I, God. I want to talk you." Sa pagkakataong ito ay hinarap ko siya at tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

Hindi ko inabalang pinunasan ang luha ko. Gusto kong makita niya ang hinanakit at hinagpis ko. Nasaan na ang pangako niyang pasasayahin ako? Nasaan na ang Samson na nagbago? Nagtiwala ako at minahal siya ng buong buo. Pero anong ginawa niya? God… he buried a pain in my heart and cut it into pieces. Sa sobrang pagkakadurog ng puso ko ay hindi ko na alam kung muli pa itong mabubuo.

"Para saan? Para ipamukha saakin na tanga ako at binigay ang sarili ko sa'yo? Na gaga ako at sukdulan ng katangahan? Tanga ako dahil naniwala ako sa mga kasinungalingan mo?"

"No-"

"Stop! Huwag na huwag mo akong lalapitan!" napahinto siya at muling napasandal sa sasakyan niya. Nakaawang ang labi at puno ng takot ang mukhang tumitig saakin.

"Tigilan mo na ako, Samson, dahil kahit ano pang gawin mo ay hinding hindi na ako magpapakatanga sa'yo. Let's break-"

"Rosalyn, ayoko. Please, let me explain. Mali ang nakita mo. Mali lahat. God. Ikaw lang ang mahal ko." tumawa ako na parang baliw. Gusto ko siyang saktan ng pisikal. Gusto ko                        siyang bugbugin upang makabawi sa sakit ng ginawa niya. Kahit sa paraang 'yon lang ako makabawi ngunit nanghihina na ang katawan ko.  Konti na lang at bibigay na ang katawan ko sa sobrang sakit. Konti na lang at malalagutan na ako ng hininga sa lakas ng hagulhol ko.

"Sawang sawa na ako sa katarantaduhan mo, Samson. Sana ay hindi na lang kita minahal. Sana… sana hindi na lang kita nakilala. Hindi na sana ako nasasaktan ng ganito. Shit… ang sakit sakit ng ginawa mo. Sana ay pinatay mo na lang ako."  

"Rosalyn… Jesus,"

Tinakip ko ang palad sa mukha ng tuluyan na niya akong linapitan at kinulong sa bisig niya. Masyado ng pagod ang katawan ko upang itulak siya. Hinagod niya ang likuran ko at patuloy sa paghalik sa buhok ko. Kung akala niya ay makukuha niya ako sa ganito ay pwes nagkakamali siya. Buong lakas ko siyang tinulak na halos mapaupo na siya sa sahig.

"Umalis kana, Samson. Ayaw na kitang makita pa. Umalis kana!" turo ko sa may kanto.

Mabilis siyang tumayo at akmang lalapitan nanaman ako ngunit muli ko siyang tinulak.

"Please, Rosal-"

"Umalis kana sabi!" muling sumibol ang galit sa katawan ko at pinagtulakan siya papalapit sa sasakyan niya.

Wala siyang nagawa kung hindi ang saluhin ang bawat suntok ko sa dibdib niya at sampal sa mukha. Hindi siya nanlaban at hinayaan akong saktan siya. Saka lang ako huminto ng tumagilid ang mukha niya at dumugo ang pisngi niya.

Napatakip ako sa bibig ng maghalo ang dugo at luha sa pisngi niya. Muli ko siyang pinagsusuntok sa dibdib na halos mabaklas na ang butones ng damit niya at muntikan ng muling matumba kung hindi lang siya nakahawak sa sasakyan niya.

"Anong karapatan mong umiyak? Samson, wala! Sinayang mo ang pagkakataong binigay ko! You were not worth it!"

"Bugbugin mo ako kung gusto mo, Rosalyn. Hindi kita lalabanan. Kung ito lang ang tanging paraan upang gumaan ang loob mo ay handa akong magpabugbug. Just please don't leave me again… dahil hindi ko kaya." tinignan niya ako. Pulang pula na ang mukha niya at nagsusumamo ngunit mas lalo lang nadagdagan ang galit ko.

To Be Only Yours Where stories live. Discover now