Kabanata 11

2.4K 55 7
                                    

"Ano ba ang problema mo kay Kent! My God, Samson! Customer namin siya!" nagpipigil ang galit kong sabi ng makapasok kami sa opisina ni Mama. Thank God at wala siya dito.

"You're really asking that question, Rosalyn? Hinihipuan ka na nga, ayaw mo pang umalis sa tabi niya!" napaawang ang labi ko sa paratang niya. Sinalampak niya ang katawan sa sofa at hinilamos ang palad sa mukha. Nagpipigil din siya ng galit.

"Excuse me? Paalis na ako sa tabi niya kanina! Kung sana hindi mo siya pinatulan ay hindi sana mangyayari ito! My God! Nakakahiya kila Tita!" naglakad ako ng walang patutungahan sa harapan niya. Hindi ko alam ang gagawin. Kung lalabas ba ako para kausapin si Kent o ang manatili kay Samson.

"Tss. Stay away from him! He wants you and your panties."

"No. Kilala ko si Kent, Samson, oo may pagkamanyak siya pero hindi siya ganoon." sa sinabi kong 'yon ay napatayo siya at nanlilisik ang mata niyang tumingin saakin. Customer parin namin si Kent at kaibigan namin siya ni Cielo. Unfair ang pagtrato ni Samson sa kanya.

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Rosalyn! He wants to have sex with you! Dito ka lang huwag kang lalabas!" nanlaki ang mata ko ng iharang pa niya ang katawan sa pintuan at prenteng sumandal doon.

"My God! Ano ba ang problema mo! And why are you here, anyway? Wala kang karapatang diktahan ang gagawin ko." depensa ko at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang door knob at inunlock. Akmang bubuksan ko na iyon ng pigilan ako ni Samson. His eyes is deep. Madilim ang anyo ng mukha niya.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Rosalyn! Puta. Ano? Gusto mo nanamang tsansingan ka ng mukhang unggoy na 'yon!"

"Hindi niya ako tsatsansingan! Bakit ba ang init ng ulo mo sa kanya!" sa sinabi kong 'yon ay natahimik siya at umiwas ng tingin. Nanatili akong nakatitig sa nakatagilid niyang mukha. His jawline is so freaking hot. I can stand here all day staring on his face.

Kinuha ko ang pagkakataong 'yon upang tuluyan ng buksan ang pinto at lumabas. Linapitan ko si Cielo na ngayon ay inaayos na ang mga hinanda niyang gamit panggupit kanina.

"Nasaan si Kent?" sumimangot siya at umiling.

"Umalis na. Ano ba ang problema ng ex mo? Rosalyn naman, kaibigan natin si Kent, parang hindi mo naman kilala ang ugali niya." Iyon na ang ang point ko. Ni minsan kasi ay hindi naman nag pakita ng interes saakin si Kent. Mabait talaga siya kahit may pagkamanyakis. Hindi naman siya nag tatake advantage.

"Hindi ko rin alam. Pasensya ka na, Cielo. Sila Mama? Narinig kaya nila sigawan nila kanina?" luminga ako sa may VIP room.

"Salamat at hindi. Hay, Rosalyn, paano na lang kung may iba pang customer at kinausap ka nila? Huwag niyang sabihing aawayin din niya?" disappointed ang boses niyang sabi bago ako iniwan.

Napabuntong hininga ako at umupo sa may counter. Kaasar! Unang customer ngayong araw nawala pa. Napaisip naman ako sa sinabi ni Cielo. Kung magiging ganoon nga ang trato ni Samson sa susunod pang customer ay mas mabuti pang umalis na lang siya. God, Rosalyn, as if naman gagawin niya ulit 'yon. Para saan pa?

Nang bumukas ang pinto sa opisina ni Mama ay tiim ang bagang ni Samson na lumabas doon. Hindi man lang niya ako pinasadahan ng tingin at dumiretsong umupo sa sofa. Napapikit ako ng mariin at inabala ang sarili. Bahala siya.

Lumipas pa ang minuto at may bago na kaming customer. May dalawang babae ang pumasok at kitang kita ng mata ko kung paano nila titigan si Samson sa may sofa. Umirap ako sa ere at tinawag si Cielo upang asikasuhin sila.

"Girl, ang pogi niya." ani noong isa at naghagikhikan sila.

Pumeke ako ng tikhim at inayos ang pagkakaupo. Hindi man lang ako pinansin noong dalawang babaeng pumipili ng babagay na gupit sa kanila. Nang tumingin ako kay Samson ay inismiran niya ako. Nakangisi siya at kinagat pa ang ibabang labi bago napailing.

To Be Only Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon