Kabanata 7

2.5K 58 2
                                    

"Ba't kasi hindi ka hinahatid ni Felix? Pansin kong palagi na lang siyang busy." ani Kuya habang liniliko ang sasakyan niya. Sumimangot naman ako at tumingin sa labas. Makulimlim nanaman at nagbabadya ang mas malakas pa na ulan. Sa mga ganitong pagkakataon ay dapat suspendido na ang klase. Nakakatamad pa namang lumabas kapag basa ang daanan.

"Kuya, hectic nga kasi ang schedule niya, parang si Papa. Atsaka naiintindihan ko naman ang trabaho niya." tinawanan niya ako at inon ang stereo.

"Rosalyn, sa Quirino lang si Felix si Papa nakadestino sa iba't-ibang lugar." hinampas ko ang balikat niya ngunit mas lalo lang niya akong tinawanan.

"Tss. Bumalik ka na nga sa Manila!"

"Sure. Tatlong araw pa ako dito." inikutan niya ako ng mata at itinuon ang tingin sa kalsada.

Hindi naman ako magpapahatid sa magaling kong Kuya kung hindi lang umuulan. Mahirap sumakay ng sasakyan kapag ganito. Hassle talaga at baka mabasa pa ako. Inayos ko ang cardigan ko at swinay ang ulo sa saliw ng kanta. Nagpigil ako ng ngiti at inisip na sinasayaw ni Felix ang kantang I Bet ni Ciara sa stereo. He's so hot while dancing. Isa pa iyon sa nagustuhan ko sakanya. Nakakaturn on kasi kapag sumasayaw siya. Kaya naman hindi na ako magtataka kaya ang dami nilang fans noong nag-aaral pa sila.

"Nakita mo ng sumayaw si Felix, Kuya?" kinunutan naman niya ako ng noo at nagkibit balikat.

"Hindi pa, why?"

"Wala. Natanong ko lang. He's so hot while dancing."

"Tss. In love ka nanaman?" tumango ako at napangiti.

Noong liniligawan pa kasi niya ako ay dinadaan niya ako sa sayaw. Minsan naman ay kasama niya si Phoenix at sumasayaw sila tuwing fiesta sa plaza ng Bauang. Noong mga panahong iyon ay alam kong unti unti na akong nahuhulog noon kay Felix. Natatakot lang ako sabihin sa kanya dahil baka isipin niyang panakip butas ko siya kay Samson. The day I said yes to him, halos iikot na niya ako sa labas ng bahay at isigaw na kami na. He's really cute that time.

Huminga ako ng malalim at sinukbit ang bag ko ng malapit na kami sa school. Miss ko nanaman si Felix. Tatlong araw na kasi kaming hindi nagkikita, although binigyan niya ako ng bulaklak kahapon. Pagkagising ko kinaumagahan ay nakita ko na lang ang bouquet ng bulaklak sa kwarto ko. Sabi ni Kuya ay dinaan daw niya 'yon bago pumasok sa trabaho. Nainis nga ako kay Kuya dahil hindi man lang niya ako ginising.

Nang huminto ang sasakyan sa gate ng department namin ay naunang lumabas si Kuya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan pa niya akong bumaba.

"Lagi mo 'tong ginagawa sa babae mo ano?" I tease him. Tinaas baba niya ang kilay at kinuha ang hawak kong attached case na naglalaman ng mga files na inuwi ko kahapon.

"Yeah, gentleman ako, e." tinawanan ko lang siya at kinurot ang braso niya.

"Huwag mong sabihing sasama ka pa hanggang sa loob?" tinaasan ko siya ng kilay habang prinipress ang thumb ko upang mag sign in. Paano ba naman kasi at pinagtitinginan na siya. Good looking naman kasi si Kuya at ngayon ko lang siya dinala dito.

"I want to see your office."

"Huwag na, baka meron na si Dean." ngunit hindi naman niya pinakinggan ang sinabi ko at sumama saakin hanggang sa Dean's office. Mabuti at wala pa si Dean. Umupo siya sa swivel chair at inikot ang upuan na parang bata. Inikutan ko siya ng mata at linapag ang gamit ko sa lamesa.

"Cool! Kapag ginawa ko ito sa trabaho pagtatawanan nila ko." tinaas pa niya ang paa sa lamesa ko kaya naman hinampas ko siya.

"Kuya Ronnie! Umalis ka na nga! Maglilinis pa ako at baka dumating na si Dean!"

To Be Only Yours Where stories live. Discover now