Kabanata 38

1.9K 35 1
                                    

Niyakap ko ang sarili ng umihip ang malakas na hangin pagkalabas ng Thunderbird. Nakasunod lamang ako kay Samson na may kung anong binubulong sa sarili. Huminto siya sa tapat ng sasakyan niya at tinungkod ang kamay sa pintuan. Yumuko ako at nanatiling nakatayo sa likuran niya.

Parang nahimasmasan siya at nawala ang pagkalasing niya sa nangyari. Ako mismo ay parang nabuhay at nawala ang pagod at antok sa katawan.

"Pasok." anas niya at binuksan ang pintuan. Hindi siya makatingin saakin ng maayos. Naghuhumangos parin ang katawan niya sa galit.

Hindi ako umimik at sumunod na lang sa utos niya. Nang nasa tabi ko na siya ay mabilis niyang pinasibad ang sasakyan. Bumuntong hininga ako. Ang bibigat ng paghinga niya at mukhang galit parin. Mahigpit rin ang pagkakahawak niya sa manibela.

"Who told you to show your fucking cleavage and legs, Rosalyn? Muntikan ka ng nabastos!" para siyang bulkang sumabog sa sigaw niya. My stomach knotted. Ako pa ngayon ang sisihin niya?

"Hindi nila ako papasu-"

"Kaya mo pinakita 'yang punyetang dibdib mo!"

"Samson hindi naman sa ganoon. Inayos ko na damit ko bago pa man niya ako nakita. Lasing siya-" hindi na niya ako pinatapos.

"I told you to fucking leave!" napatulala na lang ako at hindi nakagalaw sa narinig. So, ako ang may kasalanan kung bakit ako binastos ng lalaking 'yon? Wow! Just… wow.

Pinahid ko ang namuong luha sa mata ko at tumingin sa labas. Is this what I've got after following him? Kung hindi ko siya sinundan ano? He will end up on someone's bed like what he did to me one year ago! Ako na nga itong nagmamalasakit ako pa itong masama!

"Sinabi ko naman sa'yong hindi kita iiwan! Kasalanan ko pa ngayon, Samson? Hinanap kita dahil gusto kong mapaliwanag. Pero anong ginawa mo? Nagpakasaling ka at nakikipaglandi sa ibang babae! Kung hindi ko tinawagan ni Isaiah sa tingin mo anong mangyayari sa'yo? You will end up on someone's bed!" tumingin siya saakin ngunit kaagad ring binalik ang tingin sa daanan.

"Hindi naman ako magpapakalasing kung sana ay sumama ka saakin kanina!" that's it! Iyon na nga ang pinagpuputok ng butchi niya.

Hindi ako sumagot at tinalikuran siya. I'm too tired too fight him. Walang patutunguhan ang usapang ito dahil parehas na mainit ang ulo namin. Nang makarating kami sa bahay nila ay nag alinlangan akong pumasok.Tinignan niya ako ng mariin, linapitan at hinila ang kamay ko papasok. Hindi na ako nagreklamo at nagpahila sa kanya. My body is too weak and tired. Ang gusto ko na lang ay itulog ang pagod at sakit na nararamdaman ko.

Halos tumalon ako sa gulat ng binagsak niya ang pintuan sa pagkapasok sa kwarto niya. Binitawan niya ang kamay ko at tinahak ang banyo. Muli niya itong sinara ng padabog at rinig ko na lang ang pag-agos ng tubig mula doon. Humugot ako ng malalim na hininga at umupo sa kama. Ang gusto ko ay idaan ito sa maayos na usapan. Pero parang wala sa katinuan si Samson at pinagdadabugan na lang niya ako ng basta basta.

Hinilamos ko ang palad sa mukha. Ramdam na ramdam ko ang paglakumos ng puso ko sa mga inaakto niya. Tinulak niya ako kanina. Pilit pinapauwi. Sinisigawan. At ngayon naman ay pinagdadabugan ako. Pakiramdam ko ay muling bumalik ang sakit na naramdaman ko noon. The pain was back after I reincarnate.

Hinubad ko ang sandal ko. Linapag ang gamit sa lamesa at tinalukbong amg kumot sa katawan. Sana ay hindi ko na lang siya hinanap at sinundan. Mamromroblema pa tuloy ako kung paano ako uuwi ng maaga bukas.

Nang bumukas ang pintuan sa banyo at naamoy ko ang shower gel niya ay mas siniksik ko ang katawan sa gilid. Pinikit ko ang mata at pinilit na matulog ngunit hindi ko magawa. Paano ako makakatulog ngayong lumubog na ang kanilang bahagi ng kama at nasa tabi ko na siya? Sinama niya ang katawan sa kumot at tumabi saakin. Napadilat ako ng walang kahirap hirap niya akong hinila at bigla na lang pumatong saakin.

To Be Only Yours Kde žijí příběhy. Začni objevovat