Kabanata 33

2K 37 4
                                    

"Are sure you're really okay?" hindi ko alam kung pang ilang beses ng tanong 'yan saakin ni Kuya. Kung hindi tango ay matipid na ngiti ang sinasagot ko.

Ayaw kong magsalita dahil once na binuka ko ang aking bibig… sigurado at sasabihin ko na sa kanya ang bumagabag saaking isipan. He is my savior when I was in dept of despair. At ayokong malaman niyang nababahala nanaman ako dahil kay Samson.

"Kuya ang kulit mo. I'm okay, really. Medyo inaantok lang ako." segunda ko ng mapansing hindi siya kumbinsido sa mga tipid kong ngiti.

Sinandal ko ang ulo sa upuan ng lumiko ang sasakyan. Hindi ko na alam kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang tinatanong ni Kuya. Am I really okay? Of course not. To the fact na may kasamang ibang babae si Felix sa bahay nila which is happen to be his "friend". At si Samson na masayang kasama si Talia. I think I'm going to break down.

Kung wala lang si Kuya ay mag aabsent talaga ako ngayon sa trabaho. Nang huminto ang sasakyan niya sa tapat ng gate ay nag madali akong lumabas. Hindi na ako nagpaalam. Tuloy tuloy akong pumasok sa opisina at hindi lumingon. Natatakot akong makita si Samson. Sigurado at ihahatid niya si Talia.

All throughout the day, wala akong ibang ginawa kung hindi ang magmukmuk sa opisina. Saka lang ako gagalaw kapag may iuutos si Dean. Gustuhin ko mang lumabas at makipagkwentuhan kapag walang ginagawa ay nanatili na lang ako sa loob. Baka magkasalisi pa kami ni Talia.

Habang naghihintay ng jeep pauwi ay palinga linga ako sa paligid. Kinakabahan ako ng sobra. Nang may humintong jeep sa tapat ko ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Akmang sasakay na ako ng may pumigil saakin. Liningon ko siya at halos mabitawan ko ang hawak ng makita si Samson.

"S-Samson," I breathe out. Tinignan niya ako ng mariin at hinila palayo sa jeep. Nagpumiglas ako ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Kinaladkad niya ako hanggang sa tapat ng Ranger.

"Get in," utos niya at pinagbuksan ako ng pinto. Nakipagsukatan ako ng titig ngunit sa huli ay ako rin ang bumigay. Labag man sa loob ko ay sumakay na lang ako.

I remain silent as he drives. Pansin ko sa gilid na aking mata na tinititigan niya ako ngunit nanatili ang tingin ko sa labas. Here we go again to his pull and drag moves. Lagi na lang ganito. Nakakasawa na. Kapag may hindi kami napapag-usapan ng maayos ay lagi na lang ganito ang nangyayari. Wala man lang bago. I want to back out again but my heart's saying I should not. 

Hindi na ako nagulat ng huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila. See? Laging ganito ang bagsak namin. Tapos ano nanamang susunod dito? Ikakama niya ako? Wow… just wow.

Nagpumiglas ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko at pwersahang hinatak papasok. Hindi na ako umapela pa dahil laging ako naman ang talo. He always win and I retain lose. Nginitian ako ni Selene ng makita. Umiwas ako ng tingin ng mag bulungan ang ilang kasambahay. Alam kong may kung ano silang iniisip. Hindi iyon maiiwasan at iyon ang ikinatatakot ko.

Nang makapasok kami sa kwarto niya ay tinalikuran ko siya at hinarap ang bintana. Madilim ang kalangitan at nagbabadya ang malakas na ulan. Himigpit ang hawak ko saaking bag ng marinig ang tunog ng boots niya papalapit saakin. Hinawakan niya ang balikat ko at bigla na lang akong pinihit paharap sa kanya. Tinagilid ko ang aking mukha.

"What's wrong?" gusto kong tawanan ang tanong niya ngunit nanatili akong tahimik. Tatanungin niya kung anong mali matapos ang nangyari noong sabado?

"Rosalyn,"

"Wala." anas ko at muli siyang tinalikuran.

"Don't fucking turn your back on me. I'm talking to you." maawtoridad ang boses niya ngunit hindi ko parin siya sinunod.

To Be Only Yours Where stories live. Discover now