Prologue

89.5K 1.7K 48
                                    

Nag-angat ng tingin si Elisha mula sa binabasang libro nang may maglapag ng pagkain sa harapan niya. Automatikong sumilay ang kanyang ngiti nang makitang si Calix James iyon. Mas matanda ito ng isang taon sakanya that makes her ten years old and he's eleven years old.

"Hindi ka nanaman kumakain." sabi nito sakanya habang iiling-iling.

Ngumiti siya ng tipid na halatang guilty siya. Kailangan niya kasing mag-review dahil may quiz sila mamaya sa Science. Ayaw niyang bumagsak dahil baka hindi siya maging first honor.

"Inuna ko muna kasi ang mag-review." katwiran niya sabay pakita ng librong hawak.

Pumalatak si Calix sakanya at binuksan ang mineral water at ibinigay sakanya. "Kahit na. Oh, kumain ka na at matatapos na ang lunch break."

Tumango siya at sabay na silang kumain ni Calix. Ilang sandali lang ay tumabi sakanya si Ailee, kasama nito ang iba pa nilang kaibigan na sina Adam at ang kapatid nitong si Alexis. Kasunod ng mga ito ang magkakaptid na sina Isaac, Dami at Michelle. Wala sina Calvin, Marky, Vera at ang kanyang kapatid na si Mella, marahil ay tapos na ang mga ito kumain.

Lahat sila ay magkababata. Ang mga magulang nila ay matatalik na magkakaibigan kaya naman pati silang mga anak ay napalapit sa isa't isa. They all go to the same school because of their parent's choice.

"Sana naman makapasa ako mamaya!" panalangin ni Ailee sa tabi niya.

"Pakopya nalang ako, Eli mamaya." sabi naman sakanya ni Michelle.

Magkaklase sila nina Ailee at Michelle dahil magkasing-edaran sila. Mas matanda ng dalawang taon ang kambal na sina Isaac at Dami pati na rin si Alexis habang sina Calix at Adam naman ang magka-batch. Sina Calvin, Marky,Mella at Vera naman ang magkakasing-edad.

"Hindi ba kayo nagreview?" sabat ni Dami.

"Nagreview naman, kaya lang ang hirap talaga ng Science!" reklamo ni Adam.

"Finish your food first, Elisha." sabi sakanya ni Calix. Napansin pala nito ang pagtigil niya sa pagkain at pagtuloy ng binabasa.

"Kailangan ko mag-review."

"Gusto mo subuan nalang kita?" alok nito. Tumigil ito sa pagkain at totoo ngang susubuan siya nito. Nakaumang na sa tapat ng bibig niya ang kutsara na may pagkain.

Biglang tumibok ng malakas ang puso niya. Tinignan niya ang iba nilang kaibigan at nakita niyang patuloy lang ang mga ito sa pagkain at pagkekwentuhan. Tila ba'y wala lang naman ang ginagawa ni Calix sakanya ngayon. Lumunok siya at sinubo ang pagkain.

"Gusto pa ng susubuan eh." nangingiting sabi ni Calix.

Sinubuan lang siya ni Calix habang siya ay nagbabasa. Wala naman din siya masyadong naintindihan dahil nakapokus ang atensyon niya kay Calix.

Sa lahat ng lalaking kaibigan niya, kay Calix siya naging close. Hindi niya alam, madalas kasi magbakasyon dati ang pamilya nito sa rancho nila tuwing summer. Kaya naman naging close sila ni Calix, to the point na lagi siya nitong hinihintay tuwing uwian kahit na may sundo naman siya. Lagi siya nitong sinasabayan sa pagkain. One time nang may mang-away sakanyang kaklase niya, sinumbong ni Ailee ito kay Calix at nalaman nalang niya pinagalitan ni Calix iyong kaklase niyang nang-away sakanya.

Kaya naman hindi niya alam kung paano na siya kapag wala si Calix. It's like he's batman and she's robin. He's peanut butter and she's jelly. But everything became a blur to her after a year.

"Tita Ellaine nasaan po si Elisha?" rinig niyang tanong ni Calix sa Mama niya mula sa labas ng kotse.

Maya-maya lang ay bumukas na ang kotse nila at dinungaw siya ni Calix na ngayo'y malungkot na nakangiti sakanya habang siya ay tahimik na umiiyak.

"Hindi mo ba ako kakausapin? Magche-check in na kami mamaya. Sabi ni Mommy, hindi na kayo pwedeng pumasok kapag nag-check in na kami eh."

Suminghot siya at umiling. "A-Ayokong umalis ka."

Bumuntong-hininga si Calix. "Ako naman din eh. Hindi ko na kayo makikita. Wala akong friends doon sa Amerika."

"Oh, edi dito ka nalang! Sabihin ko kay Tita Colyn, sa'min ka nalang tumira. Malaki naman bahay namin!" naiiyak na sabi niya.

Tumawa si Calix at hinila siya para makalabas sa kotse. "Tahan na, Elipot." Mamimiss niya ang tawag nito sakanya. "Hindi pwede. Kailangan namin samahan at suportahan si Mommy."

Mas lalo siyang naiyak nang sabihin niyo iyon. Bakit pa kasi kinailangang mag-migrate sila sa Amerika! Sabi ng Papa niya nakatanggap kasi si Tita Colyn ng malaking trabaho sa Amerika at matatagal daw iyon kaya naisipan nilang doon nalang muna tumira.

"Calix, magba-bye ka na kay Elisha. Magche-check in na tayo." sabi ni Tito Jeremiah nang lapitan sila nito para sabihan si Calix. Nginitian siya ng tito Jeremiah niya at hinalikan sa ulo. "Babalik din kami, Eli." sabi pa nito bago sila iniwan.

Tinignan niya si Calix at nakitang naiiyak na rin ito. Mabilis siyang kinabig nito at niyakap ng mahigpit. "Mag-aaral kang mabuti, huwag ka magpapalipas ng lunch, 'pag may nang-away sa'yo sumbong mo kela Isaac ha?"

Tumango siya at umiyak lang. Mamimiss niya si Calix! Hindi na kumpleto ang tandem nila. Si Robin nalang. Si Jelly nalang.

"Huwag mo ko kakalimutan ah?" pasigok-sigok na sabi niya sa kaibigan.

"Oo naman! Ikaw pa! Hinding-hindi kaya kita kayang kalimutan!" pangako nito sakanya.

"Calix, let's go!" tawag ni Tito Jeremiah rito.

Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ni Calix. No! She can't let him go! But Calix held her hand. "Aalis na kami, Elisha. Mamimiss kita. I promise to come back for you, hmm?" malambing na sabi nito.

Hinalikan siya ni Calix sa pisngi at tuluyan nang binitawan ang kamay niya. Nakatayo lang siya doon at pinanuod ang papalyong bulto nito.

"Calix!" malakas na sigaw niya.

Lumingon ito at tumigil sa paglalakad maski ang magulang at kapatid nitong si Calvin.

"H-Huwag mo ko kakalimutan ah! Babalikan mo ko ah!"

Natawa ang mga magulang ni Calix pati narin ang parents nilang magkakaibigan. Pero nanatili ang atensyon niya kay Calix.

Ngumiti ito sakanya at sumigaw pabalik. "Oo! Promise ko 'yan sa'yo, Elipot! Ba-bye!"

"Ba-bye!"

'Til we meet again, Calix.

Hooked [Fin]Where stories live. Discover now