Chapter 26: I love you

4.3K 193 75
                                    

Does that mean that..


He likes me?

Pero Baka naman hindi kasi kaya niya lang sinabi yun kasi mawawalamg ng Reyna ang mga bampira. Pwede din naman yun noh. At saka, ayokong umasa. Nakakamatay daw yun. Kaya hangga't maaga pa ay pipigilan ko ang nararamdaman Kong kakaiba sa kanya.

Kasalukuyan akong naghihintay dito sa sala kasi hinihintay ko si Elder Genevere at Lance. Itutuloy daw kasi namin yung practice ko.

Nauhaw ako bigla kaya kumuha ako sa fridge ng fresh blood. Lagi namang may stock si Drace kaya ayos lang kahit ramihan ko ang iinumin yung kalahati. Syempre titirahan ko rin si Drace. Baka ma-beastmode yun mamaya kapag malaman niyang inubos ko lahat. Ayoko naman non noh! Mas nagiging hot pa naman siya este nagiging wolf siya kapag galit.

Bumalik ako sa kinauupuan Kong sofa kanina. Nakacross legs akong nakaupo dito habang sinisimsim ang dugo. Hmmm.. Taste good. Heaven. Hindi ko akalain na darating ang araw na ganito. Dati, hindi ko pa matagalan tumitig sa dugo pero ngayon paborito ko na ito. Well bampira nga naman.

Maya maya pa, may nagdoor bell. Sign na may bisita. Wala naman kaming inaasahang bisita kundi sina Elder Genevere at si Lance kaya sigurado ako na sola yun.

Agad akong nagtatakbong pumunta sa gate at kaagad binuksan ito. Bumungad sa akin si ..

Lance?


Huh? Bakit mag-isa lang siya? "Uhm. Bakit mag-isa ka lang? Where's Elder Genevere?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Bago ko sagutin yan, pwede bang papasukin mo muna ako?" Ay, oo nga pala. Pinapasok ko na siya at mas nauna pa siya sa aking umupo sa sofa ah. Ipinatong pa talaga niya ang mga paa niya sa table.

"Wow. Feel at home ah." Sarkastikong sabi ko sa kanya. Parang wala lang naman sa kanya kasi talagang humalukipkip pa ito at pinijit ang mga mata.

"So.. Ano na. Bakit mag-isa ka lang?" Tanong ko ulit.

"May inaasikaso siya. And about dun sa practice, ituturo na lang kita ng mga sayaw na di pa natin natapos kahapon."


Tumango na lang ako nilang sagot at umupo sa kalapit na sofa. Pang-one seater lang kasi yung nga sofa dito.

"Tutunganga na lang ba tayo o Baka naman pwede na tayong magsimula para matapos na tayo agad." Tinaasan ko siya ng kilay at mukha namang di siya natinag kasi ganun pa din ang posisyon nito.

"Tss." Sabi niya. Wow ha. Ang tipid.


"Ok. Let's start." Tumayo na siya at sa gulat ko bigla na lang niyang hinigit ang isang kamay ko at di sinasadyang napahawak ako sa matitipuno niyong dibdib. Hinampas ko ito ng bahagya dahil sa ginawa niyang paghigit sa akin.


"Ano ba!" Tumawa lang ito at kalaunan ay ngumiti ng nakakaloko.


"Sa pagkakaalam ko hindi ganun ang tinuro ni Elder Genevere sa paraan ng pag-alok ng sayaw sa isang dalaga. " pagapapaliwanag ko sa kanya. Eh totoo naman talaga ah. Parang di karespe-respeto!


"She's not here so don't bother." Naparoll eyes na lang ako. Ipinulupot na niya ang mga kamay niya sa bewang ko. "Place your hands on my shoulder." Sinunod ko naman ang sinabi niya at naiilang ako. Iba kasi yung practice namin kahapon dahil meron si Elder Genevere at isa pa, medyo awkward tong ngayon.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 24, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Vampire HusbandWhere stories live. Discover now