Chapter 6

3.1K 125 4
                                    

Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako sa napanaginipan ko.

Haisst!!..Pumasok ako sa school na may malaking eye bugs. Kumusta naman kasi yung panaginip k0?

Nandito na ako ngayon sa school at nagsimula ng mag-disscuss si mam.

"Bioremediation refers to the use of microorganisms to degrade contaminant that pose environmental and especially human risk"

Biotechnology ang subject namin ngayon. Kahit papano hindi naman ako nahihirapang matuto sa lessons namin kasi memorizing lang naman ang technique ko dito para maka -answer sa mga quiz at exams namin. Unlike math, kailangan mo pang mag memorize ng mga formulas at mga number para makasagot ka.

"It has become an accepted remedy for cleaning polluted soil and water. It also involves many different microbes acting in parallel or sequence to complete the degradation."

Nag-take down notes na rin ako at believe me. Ang kapal na ng notebook ko. Ang rami na kasing sulat.

Nagdiscuss pa Nang kunti si mam.

"Assignment...Give the approaches used to bioremediation.. That's all for today...Class dismiss!"

Normal lang naman ang mga sumunod na klase ko. Sa last period daw naman ipinapatawag ang mga kasali sa pageant.

Andyan na naman yang pageant chuchu na yan eh! Parang gusto ko talagang mag patiwakal kapag naririnig ko yung tungkol diyan.

Nandito pa rin ako sa classroom kasama si Drace. Mas magandang Drace na lang itawag ko sa kanya. Ang haba naman kasi ng Vhindrace eh! At saka sobrang common ng Vhin na pangalan para sa kanya. Parang ang taas kasi ng posisyon niya. Nakaka intimidate kasi siya.

Nauna na si Gray sa akin. Kailangan niya daw umuwi ng maaga kahit gustuhin man niyang mag stay para may kasama daw ako pag uwi ko. May family dinner kasi sila.

Tumayo na ako at binuhat yung bag ko. Tiningnan ko yung kasama ko at naka poker face lang siya.

"Uhm..Tara na."

Tinanguan niya lang ako tapos sumabay na siyang maglakad sa akin palabas ng room. Pupunta kami sa Gymn. Dun kasi yung usapan na tagpuan ng mga kasali sa Mr and Ms Campus.

Pagpasok pa lang namin ni Drace, nakatingin lahat sila sa amin. Ay, kay Drace lang pala. Parang puso yung mga mata ng mga babae. Yung iba naman ang sama ng tingin sa akin.

"Bakit siya yung ka partner ni Vhindrace?"

"Sigurado akong uuwing talunan ang 4A ngayong taon"

"Ayaw mo nun, tayo ang mananalo"bulong ng mga contestants. Actually hindi na yan bulong eh. Kasi naman rinig na rinig namin eh. Tss.

Dumating na ang instructor namin at swear! Parang gusto Kong matawa kasi naman...pfft..beki kasi siya!!

" ok..nanditech na bey lehat?"

(Nandito na ba lahat?)

Tumango kaming lahat. Yung mga lalake parang gustong masuka kasi naman! Parang nakakain ng maasim yung iba. Yung mukha nila parang matatae na ewan.

Kung tinatanong niyo kung kumusta naman yung ka partner ko, well poker face pa din. Aba matinde!

Nag discuss lang naman ng do's and don't yung beking instructor namin. Nakalimutan ko nga palang sabihin yung pangalan niya.. Pfft!..Carmelito yung pangalan niya pero sa gabi daw Carmela..haha. Gusto ko talagang matawa pero baka mapahiya lang ako.

My Vampire HusbandWhere stories live. Discover now