Chapter 13

2.7K 126 8
                                    

Vanessa's POV:

Nagising ako ng late sa umaga dahil hindi ko namalayan ang oras. Eh papano ba naman kasi! Wala man lang liwanag na naggaling sa araw ang pumapasok sa loob ng kwarto.

Napag-desisyonan kong buksan ito. Kailangan ko rin namang makalanghap ng fresh air kahit papano noh.

Binuksan ko ito at shet! Ang sakit sa mata. "Ouch!" Sabi ko habang tinatakpan ang mga mata ko. Parang mabubulag ako ng wala sa oras.

Agad ko na lang itong ibinalik sa dati nitong ayos at napaupo ako sa sahig habang takip pa rin ang mga mata ko. Ang sakit pakshet!

Narinig ko namang bumukas ang ang pinto ng kwarto ko at kahit di ko na tingnan ay alam ko na kung sino talaga iyon. Si Drace. Sino pa nga ba? Tss.

"Hey, are you okay?" Inalalayan niya akong tumayo at Nang makatayo na ako marahas Kong hinila pabalik yung braso ko sa kanya. Napabuntong-hininga lang siya at naamoy ko yung mouthwash niyang amoy mint. Ang bango. Ayy, ano ba to? Pati ba naman hininga niya mapansin ko? Nakita ko rin na maedyo basa hung buhok niya. Siguro kaliligo niya lang. Medyo basa yung damit niya kaya bumakat yung abs niya. Parang nawala yung sakit ng mata ko sa nakita ko. Ang landot mo talaga! Shet!

"I'm okay. Pwede ka ng umalis maliligo na ako." Malamig na sabi ko sa kanya.

"Wag na wag mo na ulit bubuksan yang kurtina. " sabi niya before he go out of my room.

Kinuha ko na yung towel ko sa drawer ko at dumeretso sa CR. Bago ako maligo, tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Hindi sa pagmamayabang pero mas lalong lumitaw ang ganda ko. I have a white smooth skin, a rep lips, black curly hair and a perfectly shape body. Parang snow white lang ang peg ko. Pero mas malapit kay Bella ng twilight.

Naligo na ako at nagbabad sa bathtub. Ipinikit ko ang mata ko at nag-isip-isip. Isa pala sa mga kahinaan ng mga bampira ay ang araw. Akala ko hindi yun totoo. Kaya pala balot na balot tong buong bahay niya ng itim na kurtina na medyo makapal pa.

Nang matapos na akong maligo, naghanap ako ng damit pambahay. Ang normal kong suot kasi kapag nasa bahay lang ako is sando na medyo manipis at maong shorts. Nang makakita ako ng ganun, agad ko iyong isinuot. Nag makapag-ayos na ako, bumaba ako sa hagdan at naabutan ko si Drace na nanonood ng basketball. Maalam pala ang mga bampira sa mga ganyan ah.

"Hoy!" Tawag ko sa kanya ng pansin. Wala akong pakialam kung sabihan ako ng walang manners sa pakikipag-usap sa kanya. Galit ako at walang makakapigil sa akin.

Tumingin siya sa akin gamit ang mga matatalim niyang tingin. Oh, no. Mukhang galit na to. Ngayon ko lang kasi nakita yang ganyang expression niya eh.

"May pangalan ako. Hindi ako si 'hoy'." Ibinaling niya ulit ang tingin niya sa TV. Dumampot rin siya ng popcorn sa bowl na hawak niya.

"Kung hindi ikaw si 'hoy' ba't tumingin ka?" Nginisian ko siya at mukhang umuusok na siya sa galit.

"Pake mo ba?" Aba, ang taray nito ah. Tinaasan pa niya ako ng kilay. Binelatan ko na lang siya at inagaw ang remote control sa kanya. Magproprotesta pa sana siya kaso naunaan ko na at inilipat ang channel sa kabilang channel.

"Hey, ba't mo inilipat! Malapit ng matapos yun! " sigaw niya sa akin na siyang kinainis ko.

"Pake mo ba?" Ginaya ko rin yung tono ng pananalita niya kanina at nginisian siya. Alam kung sinagad ko na talaga ang pasensya niya kasi napahilot siya sa sentido niya.

"Ayaw mo talagang ibigay huh?" Kinilabutan ako sa sinabi niya at unti-unting lumapit sa akin. Ako naman atras lang ng atras hanggang macorner na niya ako. Napasandal na lang ako sa sofa.

"H-hoy, a-anong ginagawa m-mo?" Nagkandautal-utal na ako kasi ang lapit ng mukha niya sa akin. Mas lalo pa akong kinilabutan ng tiningnan niya ang mga labi ko at ngumisi siya ng nakakaloko.

"Ang pula ng labi mo." Sabi niya na parang nang-aakit pa. Pinagpapawisan na ako ng malamig sa ginagawa niya.

Maya-maya pa bumaba ang kamay niya sa mga braso ko. Nagtaasan lahat ng mga balahibo kasi parang sinadya niya talagang haplusin iyon ng dahan-dahan. Naramdaman ko na humawak siya sa kamay ko at...at..

Kinuha niya iyong remote!! Walang hiya! Yung remote lang pala ang habol niya tapos may pahaplos-haplos pang nalalaman!

Umalis na siya sa ibabaw ko at inilipat ang TV sa basketball na pinapanood niya kanina. Abot tenga naman ang ngiti niya ng manalo ang pambato niyang team.

Pucha! Nagsasaya siya diyan tapos ako nandito pa rin nakahiga na halos hindi na makagalaw pa. Sinamapal ko ang sarili ko at tumayo. Tinaponan ko siya ng matalim ng tingin at nagpapadyak na parang bata.

"Ugh! I hate you!!" I said in greeted teeth. Tapos siya parang wala lang kasi nginitian pa ako ng loko. Lang hiya!

"Bakit? Disappointed ka kasi hindi natuloy? Kung gusto mo pwede naman nating gawin right here right now eh." Ngumisi na naman siya ng nakakaloko.

"Pervert!!" Kinuha ko yung throw pillow at ibinato sa kanya. Siya naman tawa lang siya ng tawa at natapon na rin ang ilang popcorn sa sahig. Todo iwas siya sa mga ibinabato ko sa kanya. Well, serves him right. Akalain mong binitin ako?

Huh? Anong sinabi ko? Wala naman akong sinabi na mabitin ako diba? Wala talaga. Wala,wala,wala.

Patuloy pa rin ako sa pagbato sa kanya ng may mag-door bell. Doon na ako natauhan at tiningnan niya ako ng masama.

Pinuntahan niya ito at pinatuloy ang bisita. Yung mommy at daddy niya pala.

Agad naman akong nag-ayos ng sarili ko ng nakita nila ako.

"Oh! Mukhang masyado kayong wild ah? Nakaistorbo yata kami. Pero ayos lang. Alam ko naman na hindi ako bibiguin ni Drace na mabigyan ako ng maraming apo eh." Sabi niya na humalakhak pa ng bonggang-bongga pero kahit ganun ang ganda parin niya.

Napanga-nga naman ako sa sinabi niya. Wala akong masabi shet!





******end of chapter 13*******

--neeyam

My Vampire HusbandWhere stories live. Discover now