Chapter 8

2.7K 122 1
                                    

Pagkagising ko ng umaga, nag-ayos kaagad ako. Naninibago ako ngayon kasi ang daming cheche burecheng ginawa ko sa saili ko. Marami kasi akong inapply sa skin ko para mapanatili ang pagiging makinis. Isinuot ko rin yung contact lenses ko kahit sa una ay madyo naluluha pa rin ako. Hay..masasanay naman siguro ako nito. And lastly, yung sapatos kong may takong. Nakakapanibago lang talaga kasi yung dati Kong sapatos ay halos isumpa ko na kasi medyo bumubuka na. Nilalagyan ko na lang ng mighty bond para lumakas ulit ng kapit.

Naninibago rin ako sa uniform ko. Sinabi ko naman kasi kay Gray na wag na niya akong bilhan ng uniform kasi okay pa naman yung dati Kong uniform. At alam niyo kung anong sinabi niya? 'Para kang katulong dun sa uniform mo! Kung di lang kita kaibigan baka naipasok na kita sa bahay namin bilang isa sa mga maids namin!'

Kaibigan ko ba talaga siya? Kung pagsalitaan niya ako parang wala kaming pinagsamahan ah.

Tumigil na ako sa pag-mo-monologue ko at lumabas na ako sa apartment ko. Paglabas ko...

"Hoy Vanessa! Hindi ka pa nakakabayad ng renta sa apartment ko!!" Ang gandang salubong naman niyan Aling Ising! Take note the sarcastic tone. Tss!

"U-uhm.. Aling Ising--

" Pasensya ka na iha ha. Akala ko ikaw si Vanessa. Magkamukha kasi kayo eh. Pasensya ka na talaga iha."parang gusto Kong matawa sa harap ni aling ising.pfft! Pano ba naman para siyang maamong tupa sa pagkakasabi niya ng mga binitawan niyang salita kanina.

"Ako po si Vanessa, Aling Ising. N-nag ayos lang po ako ng kaunti."

"Ano?!? Imposible! Ba't ang ganda mo?!?Ay, teka! San ka kumuha ng pampaayos mo?!? At saka may nampaayos ka sa sarili mo tapos hindi mo mabayaran yang utang mo sa akin??!?" Walang preno niyang sabi. Yumuko na lang ako at kinagat ang pang ibabang labi ko.

"Kasi po.. Ang totoo niyan yung kaibigan ko lang po yung tumulong mag-ayos sa akin. Hindi po sa kin nanggaling yung perang pinag-paayos ko." Pagpapaumanhin ko sa kanya. Sana tumalab.

"Kung ganun iharap mo sa akin yang galante mong kaibigan at ako ang kakausap!! Ako ang magsasabi sa kanya na pautangan ka muna niya ng pambabayad mo sa akin!!!" Nakakabingi naman ang sigaw ni aling ising! Parang nakalunok ng megaphone!!

"Hindi po pwede aling ising. Bata ako na lang po ang bahalang humanap ng pambabayad ko sa inyo. Basta po magbabayad ako!" Hindi ko naman pwedeng pagbayarin si Gray sa utang ko noh! May hiya pa akong natitira sa katawan ko! Kaibigan ko siya ta ayokong pag isipan niya akong pineperahan ko lang siya. Na gold digger ako. Baka yan pa ang maging rason ng pag aaway namin.

"Siguraduhin mo lang Vanessa ah. Kapag di ka pa nakabayad talagang paaalisin nakita sa diyan sa apartment ko!!" Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin ang linya niyang yun.

Ako naman nagtuloy na akong pumunta sa school. Tiningnan ko ang wrist watch ko at fu*ksh*T lang! Late na ako! Nagmadali akong pumunta sa sakayan ng jeep at kaagad pumara.

Nakarating na ako sa school at wala ng pakalat kalat na estudyante sa hallway. Senyales na late na talaga ako! Si aling ising naman kasi eh!!

Pumasok na ako sa classroom at hindi inaasahang maitulak ko ng malakas yung pinto sanhi ng pagkakaagaw ko sa atensyon nilang lahat. Napatingin din sa akin si Gray at nakangiti lang siya. Yung iba ko namang classmates nagsimula ng magbulong bulongan.

"May bago tayong classmate? Parang di naman tayo na inform!"

"OO nga! Pero parang may kamukha siya."

"Ang ganda niya pare! May bago tayong chicks. Haha"

"Gago! Hindi siya mapupunta sayo kasi AKIN siya!"

Hoy! Hindi mo ako pag aari! Gusto Kong isigaw sa kanila yan pero may hiya naman ako noh!

"It seems like you have a new classmate?" Patanong na sabi ni miss Jen.

"Uhm..ako po ito. Si Vanessa." Nahihiyang sabi ko at kaagad yumuko. Nakatingin parin silang lahat sa akin. Yung mga babae naman parang hindi makapaniwala kasi ilan sa kanila literal na naka nganga.

Dumeretso naman ako sa sit ko at si Drace eh parang wala lang. Ang laki laki na ng effort ko para lang gumanda ako tapos siya, deadma lang? Tss.

Bakit ko ba iniisip yun? Wala naman akong pakialam sa kanya.

Umupo na lang ako sa upuan ko. Nagsimula na rin mag discuss si miss Jen at swear! Nakakailang! Hindi ko alam kung saan ko ibabaling yung atensyon ko kasi lahat sila nakatingin sa akin.

Nang matapos na ang klase eh nakahinga ako ng maluwag. Thank you Lord!! Hallelujah!

Dumeretso na kami ni Gray sa canteen at mukhang hindi pa rin ako nakakatakas sa mga mapanuring mata nila. Eh tang*na! Mas maramin tao dito eh! Mas maraming tumitingin sa amin. Si Gray naman ang lawak lang ng ngiti niya. Palibhasa kasi sanay na siya sa mga ganyan eh.

"Vaniee, excited na talaga ako sa pageant! Siguradong mananalo section natin!" Halos mag twinkle yung mga mata niya habang sinasabi niya iyon. Baliw talag tong babaeng to. Eh ako halos mamatay na ako sa kaba dahil sa pageant na yan eh! At sa totoo lang. Kumukulo talag yung dugo ko. Tiningnan ko siya ng masam at mukhang di siya natinag kasi nakangiti pa rin siya. Dapat naka pout na to ngayon eh!

"Madali lang sabihin para sayo yan kasi hindi naman ikaw yung sasali eh!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Ah basta! Mananalo ang section natin sa pageant chuchu na yan!" Sabi niya at tumayo pa talaga siya at nagpamewang na akala mo si Darna siya.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain ko. At bago ko makalimutan ay magprapraktis pala kami mamaya para sa mga intermission naming ma candidates.

Nang matapos ako, nagpaalam kaagad ako kay Gray na mauuna na ako kasi nga may practice kami ngayon. Magiging doble ang kapaguran ko nito! Eh kumusta naman yung pagtratrabaho ko sa coffee shop tapos may ganito pa?!?hay..buhay nga naman..

*******end of chapter 8******

--yeen :)

My Vampire HusbandWhere stories live. Discover now