Chapter 21: ASAWA KO

2.4K 132 4
                                    


Naku, kinakabahan na talaga ako. Nag-fall in line na kaming lahat. Ako yung pinakalikod since ako yung leader. Katabi ko sa kabila si Sofia.


Nakita Kong ngumisi si Sofia. Ngumisi ba talaga siya? Oh, God. Mukhang may mangyayaring di maganda mamaya ah. Sana naman walang mangyayaring kababalaghan. Huhu. Ipapatalo ko lang tong group namin eh.


Hindi pa naman ako magaling na runner O kaya mabilis man lang tumakbo. Nakakainis naman! (>___<)


"Ang sinumang group ang mauunang matapos ang siyang panalo. Nagkakaintindihan ba tayo?"


"Yes, sir!" Sabay sabay naming sabi. Hay, buti na lang talaga hindi gagamit ng Vampire speed kundi talagang kulelat na ang team namin.


"Ok, timer starts now!"


Nagsimula ng tumakbo ang nasa harap. Grabe naman. Ang bibilis nilang tumakbo. Kasalukuyang nangunguna ang group 2 which is yung group namin. Ang galing. Pero di ko pa ring maiwasan na isipin na ako ang magpapatalo sa grupo namin. Aiish! Ano ka ba Vanessa! Think positive! Aja! Kaya mo to!



Malapit na yung turn ko at nangunguna ang team namin. Sht kunti na lang ako na. inHale... Exhale.


Malapit na yung nasa harap ko at agad itong umapear ito sa akin. Ito na yung hudyat na turn ko na rin tumakbo. Agad akong tumakbo at nakita ko si Sofia na hindi man lang gumalaw sa kinalalagyan niya. Huh? Nababaliw na ba yung babaeng yun? Ba't di siya tumakbo?


Ugh! Hayaan mo nga siya Vanessa! Mag-concentrate ka na lang sa pagtakbo!



Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo. Hanggang sa narating ko na yung dulo. Kinuha ko na yung blue na flag. Yun kasi yung dapat Kong kunin kasi blue yung nakalagay sa wrist ko. Good thing I'm already a vampire. Hindi ako masyadong napagod kasi kapag talagang tao pa ako, hinila na ako. Kung di niyo nalalaman nung tao pa ako mahina ang resistensya ko. Kaya nga di ako noon sumasali sa mga activities sa school kaya ayun. Kinapos sa extra curricular.


Nang makuha ko na yung flag, bumalik kaagad ako at nakita ko ang pagtataka sa mga kasamahan ko kasi hindi pa rin umaalis si Sofia sa line niya. Ano bang problema ng babaeng to?


Laking gulat ko nang biglang nag-freeze ang buong paligid. Pati yung mga dahon na nililipad ng hangin kanina nagsitigil. Anong nangyayari? Aalis na sana ako sa kintatayuan ko Nang parang nakaramdam ako ng pagmamanhid ng paanan ko. Hindi ko ito maigalaw. Teka, ano bang nangyayari? Ba't di ko maigalaw?


Maya-maya pa biglang lumapit sa akin si....Sofia? Bakit? So siya ang may kagagawan nito? Ugh.



"Ano sa tingin mo magpapatalo na lang ako sa 'yo ng ganun kadali? Ha! In your dreams! Hindi ako tumatanggap ng pagkatalo!" She said through gritted teeth. Nanggigil talaga siya. Nakakuyom din ang kamao niya.


"B-bakit m-mo kailangang mandaya?" Halos paos na sabi ko sa kanya kasi talagang natatakot ako at dahil na rin siguro sa kaunting pagod na nadadama ko.


Lumapit pa ito sa akin at bigla na lang hinablot ang buhok ko.


"Ah!" Hiyaw ko. Parang matatanggal na yung anit ko.


"Masakit? Oh, sorry darling. Ok. Time ko na para kunin ang flag ko eh. Babush!" Pagkasabi niya nun ay bigla na lang niya pinatid ang paa ko. Ouch! Masakit yun. Parang ang lakas ng pwersa na yun. Masakit!


Nakita ko na lang siyang nakangiti ng tagumpay nang nakarating sa line nila. Ako Nakahinga pa din dito sa damuhan.


In a blink of an eye, bumalik na ang lahat sa dati. Gumagalaw na ulit ang mga dahon pati na din ang mga estudyante. Nagulat sila nang makita nila akong nakadapa sa damuhan.


Ay, naku. Wala ba silang balak tulungan ako dito? Hello? I need help. Nakatanga pa din silang lahat Nang maramdaman Kong may bumuhat sa akin through bridal style. Naaamoy ko ang pabango ng lalaki. Nagtaka ako kasi parang pamilyar yung amoy nito. Tumingala ako at nakita ko siya.


"D-drace." Hinaplos ko ang pisngi niya Nang masigurado kung nandito ba talaga siya.



"Sssshh. Don't cry. I'm here." Umiiyak na pala ako ng di ko namamalayan. Inaamin ko. Natakot ako kanina. Hindi lang lubos na maisip na magagaw yun ni Sofia. Ang amo kasi ng mukha niya at maganda. Halos nirerespeto din siya ng lahat.


"Just sleep first and take a rest." Parang magic yung sinabi ni Drace at bumigat na talaga ang talukap ng mga mata ko. Hindi ko man lang namalayan na nandito na kami sa dorm namin. Hindi ko alam. Parang safe ako kay Drace. I feel comfortable whenever he's around. I think I already like him..



At tuluyan na nga akong dinalaw ng antok..

.


Zzzzzz




VHINDRACE


Pagkalapag ko sa asawa ko sa malambot na kama kaagad akong tumawag ng doktor ng mga bampira. Pinasuri ko ito sa kanya kasi parang may nabaling buto kay Vanessa.



"How is she?"


"She's already fine. She just need some rest. At pakisabi sa kanya na wag kaagad maglakad pag nagkamalay na siya kasi namamaga yung paa niya." Sabi nito.


"Ok. You may now go." Agad naman itong umalis.


Kailangan Kong malaman kung sino ang gumawa nito sa ASAWA Ko. Walang pwedeng manakit sa kanya.



Bumalik ako sa classroom at nakita ko ang pagkagulat sa kabilang lahat ng makita nila ako. Wala pang teacher.





"Sinong nanakit sa asawa ko.?" Tanong ko at wala akong natanggap na sagot.


Napadako ang tingin ko sa mga nagtatawanang mga babae. Sona Sofia at nga alipores niyang noble vampire. Ngayon alam ko na kung sino.


"Sofia." Pagtawag ko ng pansin sa kanila at kaagad nabura ang saya sa mga mukha nila. Namutla ito at parang nakakit ng multo.


"B-bakit kamahalan?" Nauutal niyang sabi.


"Follow me." Maawtoridad na sabi ko sa kanya at kaagad naman siyang sumunod. Good. Baka gusto niyang kaladkarin ko pa siya? Tss.



Tumigil kami sa isang bakanteng classroom na hindi nagagamit. Kaagad komg hinablot ang leeg niya at sinakal.


"You don't have the right to hurt my wife!" Sigaw ko. Alam Kong nakalabas na ang mga pangil ko sa mga oras na to.


"K-kamahalan. N-n-nasasaktan po a-ako..."


"Sa susunod na gawin mo pa yun talagang hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka!!" Marahas Kong binitawan ang leeg niya at kaagad lumabas ng classroom.


Fvck! Buti na lang nakapagpigil ako kundi talagang Baka napatay ko na yung babaeng yun.


Arrgh! Walang sinuman ang pwedeng manakit sa ASAWA KO!






.

Yey! Nagbalik na si Drace!


XOXO
Neeyam

My Vampire HusbandWhere stories live. Discover now