Chapter 7

2.7K 120 1
                                    

Hinila na niya ako papunta sa isang salon. Ba't ba ang hilig manghila nit0?

Pagpasok namin binati na kaagad siya ng guard. Aba, famous ang lola niyo! Siguro Suki si Gray dito.

"Eto na ba siya Grace my dear?" Salubong sa amin ng ..uhh..beki. Pag nakita mo siya talagang mamamangha ka. Ang ganda! Pramis!

"Yeah. Bestfriend ko siya kaya ayusa niyo siya ng mabuti. I'll pay double than the normal price kung makita kong maganda ang kinalabasan." Gastadera talaga to kanit kailan.

"Sure my dear!"

Umalis na si Gray at sinabing babalik siya mamaya. Parang gusto Kong ngumawa ngayon dito. Gray! Please don't leave me! Ok, I know that I'm already over acting.

Sinimulan na namin ang ritual ng pagbabago. Ritual ng pagbabago kasi yun yung tawag ng baklang to, si 'Ate Nathalie'. Ate daw itawag ko sa kanya. Marami siyang ikwenekwento habang inaayusan ako. Ang saya niyang kasama. Hindi  ka maboboring. Napilit ko din siyang sabihin sa akin ang totoo niyang pangalan which is..ehem..Nathaniel. Hahaha. Ganda ng palayaw niya.



After 2 hours...

"Ayan, tapos na! Ang ganda mo girl!"

Natawa na lang ako sa sinabi niya kasi Baka niloloko niya lang ako para hindi sumama yung loob ko.

"Hintayin mo ako diyan ah. May kukunin lang ako." Umalis na siya.

Pagbalik niya may hawak siyang maliit na box. Maya maya pa tinanggal niya yung eyeglasses ko. Wala tuloy ako masyadong makita.

"Eto, contact lenses. Gamitin mo yan ah. "

"Ha? Ayoko! Maluluha lang ako diyan eh" pagmamaktol ko na parang bata.

"Wag ka ng maarte! Isusuot mo to O ako mismo magsusuot sayo nito ng may kasamang dahas?!?" Pananakot niya sa akin kaya agad ko na lang inagaw sa kanya yung box na maliit na hawak niya.

Isinuot ko na yung contact lenses. Sa una medyo naluluha pa ako pero habang tumatagalog nasasanay na ako.

Lumabas na ako at nakita ko na si Gray na naghihintay.

"Gray!" Tawag pansin ko sa kanya. Tumingin siya pero binawi niya ulit yung tingin niya. Ano bang meron at ayaw niya akong pansinin.

Linapitan ko siya kaagad at tinawag ulit siya. "Gray, tara na!" Sabi ko ulit sa kanya.

"OMG! Is that really really really you?!!Oh my! Ang ganda mo!!!"exaggerated masyado tong si Gray ah.

" gaga ka! Mas maganda ka pa rin noh!"

"Hahaha I know right! Tara dun naman tayo sa mga shoes!"

Ayun hinila na naman niya ako! At ako naman tong si tanga at nagpa hila naman.

Pumasok na kami at wow lang ah! Ang daming iba't ibang klaseng sandals at shoes! Meron ding mga stilletos. Ang gaganda promise! Minsan nga napapanga nga ako ng wala sa oras eh!

May ibinigay si Gray sa aking sapatos at swear! Ang taas ng takong! Don't tell me ipapasuot niya to sa akin? Well kahit na anong mangyari hindi ko talaga isusuot yan.

"Ito, isuot mo to" what?!?

"No way! I won't wear that kind of shoes! "Bulyaw ko sa kanya na sanhi ng pag agaw namin ng atensyon sa mga ibang mamimili.

"Yes way!"

"No way!" Sigaw ko ulit sa kanya. Hindi ako mag papatalo noh!

"Kapag di mo isinuot yan, iiwan kita dito!" Maduga to ah! Akalain mong blinack mail ako!

"Fine!" Napangisi na lang siya sa tinuran ko.

Isinuot ko na ang sapatos at tang*na! Mamamatay na yata ako kapag maglalakad eh! Ang tangkad ko na kasi!

"Ok Vaniee, start walking." Utos sa akin ni Gray. Kung maka pag utos naman to kala mo naman madali eh!

Naglakad na nga ako at shete! Para akong lasing eh! Naglakad pa ulit ako hanggang sa parang nasanay na ako and voila!  Marunong na ako!

Pinili pa ng iba si Gray at binili ang ilang pang magahandang style na nakikita niya. Nang nakabili na kami't lahat lahat, nakaramdam na kami ng gutom. Pumunta kami sa Mcdo.

Nag-order na a si Gray at ako naman ay naghanap na ng mauupuan. Nang makahanap na ako, umupo agad ako kasi medyo masakit na rin yung paa ko eh. Maya maya may lumapit sa aking lalaki. Gwapo siya pero di ko type. Parang may pagka playboy kasi siya eh.

"Are you alone miss?"

"No" tipid na sagot ko.

"Can I join you for a while?" Tanong ulit niya. Bago ako makasagot ay dumating na si Gray na may kasamang lalaki na crew na nagbuhat ng orders namin.

"Vaniee eto na-- who are with you?" Tanong niya sa lalaking lumapit sa akin kanina.

"I'm Chris--

" Leave."malamig na utos niya. Waah! Nakakatakot si Gray ngayon ah.

"Uhm-"

"I said leave!" Medyo tumaas na yung boses niya kaya napa kamot na lang sa batok yung lalaki. Umalis na siya at nagka tinginan na lang kami ni Gray.

"OMG! Nalingat lang ako sandali may nabingwit kana Vaniee! Iba na talaga yang alindog mo ah!" Bipolar talaga
Kanina parang mangangain ng buhay tapos ngayon halos mag tititili sa tuwa.

"Gaga ka talaga! Tinakot mo yung tao!"

Natawa na lang siya at maya maya pa nagpa linga linga siya sa paligid namin habang ako naman ay nagpatuloy sa pagkain ko.

"Shete ka Vaniee! Nakatingin na lahat ng mga lalaki sa tin. Ay sa sayo lang pala! Ang ganda mo talaga!" Tumingin ako sa paligid at tama nga siya. Lahat sila nakatingin sa akin. Yung mga babae nga ang sama ng tingin sa akin.

***

Umuwi na kami ni Gray at nagpaalam na rin siya. Haay.. Nakakapagod! May new look na rin ako. Thanks to Gray. Kung wala siya Baka tuluyan na rin akong nawalan ng pag asang mananalo ang section namin.

*hikab*

Goodnight world...


Zzzzzzz..








*****end of chapter 7****

.--yeen :)

My Vampire HusbandWhere stories live. Discover now