Chapter 11: The Unexpected Wedding

2.8K 146 13
                                    

Nagsimula na akong maglakad papaunta sa altar. Habang naglalakad ako, nagiging malinaw sa paningin ko ang bulto ng taong parang kanina pa ako hinihintay.

Nang nakarating na ako sa altar, agad inilagay ni Drace ang kamay ko sa mga braso niya. Mas lalo na kaming lumapit sa lalaking may edad na sa pustura pa lang nito ay parang pari. Itsura pa lang niya, kagalang-galang na. Pero kahit na may edad na hindi maipagkakaila na gwapo ito at katulad ng Iba may pagkaputla din ang balat nito.

Pasimple Kong inilibot ang paningin ko sa paligid. Para talaga siyang simbahan. Ang pinagkaiba nga lang ay walang makikitang mga rebulto ng mga Santo at Santa.

"Natipon tayong lahat para sa pinakamahalagang araw ng ating pinakamamahal na prinsipe na si Vhindrace. "

Teka parang seremonya to ng kasal ah. Si Drace ikakasal? Kanino? At bakit ako nandito katabi niya? Eh, hindi naman ako yung bride niya?

"Ngayon ating saksihan ang pag-iisang dibdib ng ating magiging prinsesa na si Vanessa at ni prinsipe Vhindrace."

Huh? Ano bang nangyayari? Si Drace kaiisang dibdib ko? Mga sabog ba tong mga to?

Maya-maya may lumapit na lalaki at babae na parang mag-asawa sa amin. Hinalikan ako ng babae sa pisngi at napagawi ang tingin ko sa lalaking kasama niya at nanlaki ang mga mata ko. Siya yung lalakeng parang business man na nakita ko sa coffe shop!

"Kayo po yung customer namin sa coffe shop!" Parang manghang-mangha Kong sabi sa kanya.

"Ako nga iha, at ako ang daddy ni Vhindrace." Tama ba yaung narinig ko? Daddy siya ni Drace? Tiningnan ko si Drace at ngayon ko lang napagtanto na may pagkakamukha silang dalawa. Nagulat ako Nang biglang mag-pout yung babae na siguro mommy ni Drace.

"Ang daya naman! Magkakilala na pala kayo ng daughter in law ko!"

Ang cute naman ng mommy ni Drace. Parang bata lang kung magmaktol. Naka-pout pa talaga. Naalala ko tuloy si Gray. Ano na kayang ginagawa ng babaeng yun? Siguro busy na naman sa pagwawaldas sa pera.

"Ehem...tumikhin ang parang pari sa harapa. ..itutuloy pa natin ang seremonya Reyna Veronica at haring Drakon".

"Pasensya ka na elder Zeus. Naaliw lang ako sa magiging asawa ng anak ko." Shet talaga. Magiging asawa na ako ni Drace. Ba't di man lang ako nainform? Magiging Horlikson na ako Nang di ko man lang nalalaman.

"Oh sige, ating ituloy ang seremonya."

Yung mukhang pari ulit. Elder Zeus yung pangalan pala niya.

"Ibinibigay ko na ang basbas ko sa inyong dalawa. Prinsipe Vhindrace, gawin niyo na po."

Tumingin sa akin si Drace at papalapit Nang papalapit yung mukha niya sa akin hanggang sa napapikit na talaga ako. Is he going to kiss me?

Naramdaman ko na lang ang mga labi niya sa mga ..
.
.
.
.
. pisngi ko

Assuming naman ako masyado kung maglilips to lips kami.

"It may hurt you a little but I promise I'll be gentle." Sabi niya nakapanindig balahibo sa akin.

Nararamdaman ko na ang hininga niya sa may leeg ko. Nagulat ako ng dinilaan niya ito. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Maya maya parang may bumaon na matulis na bagay sa leeg ko. Ramdam ko ang kirot nito. Kinagat niya ba yung leeg ko? Malamang Vanessa, Alangan namang kinagat lang ng langaw yang leeg mo. Teka, is he a Vampire?

Bumaon na talaga siya sa leeg ko at napakapit na ako ng tuluyan sa mga balikat niya.

"Aaahhhhhh"

Napasigaw na talaga ako Nang di ko na talaga nakaya ang sakit. And everything went black.




Third Person's POV:

"Sige na anak, dalhin mo na siya sa kwarto niya. Marahil maraming bumabagabag sa utak niya ngayon kaya kailangan na niya talagang magpahinga." Sambit ng Haring Drakon. Tinutukoy niya ang kanyang anak na si Vhindrace na ipasok na ang dalaga sa kwarto nito.

"Ok dad," simpleng sagot ni Vhindrace sa ama .

Lumabas na siya sa simbahan ng mga bampira habang buhat ang kanyang kabiyak. Isinakay na niya ito sa kanyang kotse at dali daling pinaandar. Dahan dahan niya lang pinatakbo ang sasakyan kasi baka magising si Vanessa sa pagkaalog ng sasakyan.

Nang nakarating na sila sa penthouse, binuhat niya kaagad ito at dinala niya sa magiging kwarto nito.

Nang mailapag na niya ito ay inayos niya ang buhok na humaharang sa maamo nitong mukha. Hindi naiwasan ni Drace na mapatitig sa mukha nito. Namamangha siya dahil sa angking kagandahan nito. Kaya naman nung isinagawa nila noon ang ritwal ng pagpipili ay labis siyang natuwa Nang si Vanessa ang nagpakita.

Sa ritwal ng pagpipili, sa ika-pitumpo't Lima na kaarawan ng isang prinsipe ay kailangan ng makahanap ng mapapangasawa nito. Kailangan niyang patakan ng sariling dugo ang tubig na nanggaling sa isang sagradong sapa. Nang mapatakan niya ito ay unti unting lilitaw ang isang mukha ng babae na papakasalan nito. At si Vanessa iyon. Siya ang naitakda na maipakasal kay Drace.

Hindi lamang si Drace ang nagsagawa ng ganitong ritwal dahil isa na itong tradisyon ng kanilang lahi.

Naisip ni Drace na lumabas muna sa penthouse at maghanap ng hayop na masisipsipan ng dugo. Sigurado kasi siya na paghising ni Vanessa ay maghahanapa na ito ng dugo. Alam niyang hindi ito iinom ng dugo ng tao dahil naninibago pa ito. Hangga't maaari ay sasanayin niya ito na painumin ng dugo ng hayop dahil ipinagbabawal ang pag-inom ng dugo ng tao.

Nang nakarating siya sa gubat linakasan niya ang kanyang pakiramdam. Nagfocus siya sa kanyang paligid at maya maya pa ay naririnig na niya ang huni ng hangin, lagaslas ng tubig sa batis at ang kanyang pakay na mga hayop.

Naging pula na ang kanyang mga mata at nakakakita na ito ng maayos kahit malayo pa lamang ang oso na pakay nito.

Tumakbo siya ng mabilis gamit ang kanyang Vampire speed. Nang makarating na siya sa harap ng oso, hindi na niya ito pinakawalan pa at kaagad na sinunggaban. Ginamit niya ang mga matutulis nitong mga kuko at binutas ang tiyan ng uso. Ininom niya kaagad ang dugo nito at lalong tumingkad ang kulay ng mga mata nito. Bago pa maubos ang dugo nito, binuhat niya ito para may mainum si Vanessa mamaya.

Habang naglalakad siya, naisip niya na kung papaano matatanggap ni Gray ang bago nitong pagkatao dahil kauri na nila ito. Isa na rin itong bampira kagaya nila.

.

****end of chapter 11****

Komento!!

Vote-comment-be a fan!!

My Vampire HusbandWhere stories live. Discover now