Chapter 20: PE

2.2K 122 4
                                    

Tapos na kaming kumain sa cafeteria. Nagtungo na kami sa next subject namin which is P.E.

Huh? PE? May ganito sa kanila? Kung ganun di na ako masyadong mahihirapan pa. Bumalik na ulit ako sa classroom at as usual, tahimik na naman silang lahat. May mga wala pa. Umupo na ako sa assigned sit ko. Medyo nabored ako kaya naman nag-sound trip muna ako. Pinasak ko ang earphone ko sa tenga. (Alangan naman sa mata mo ipasak. ^__^V)

You and I go hard at each other like we're going to war

You and I go rough, we keep throwing things and slamming the door

You and I get so damn dysfunctional, we stop keeping score

You and I get sick, yeah, I know that we can't do this no more

Yeah, but baby there you go again, there you go again make me love you

Yeah, I stop using my head, using my head, let it all go

Got you stuck on my body, on my body like a tattoo

And now im feeling stupid, feeling stupid, going back to you.

That I'll only stay with you----

Naputol ang pagsabay ko sa kanta dahil may pumasok na lalake. I think siya yung PE instructor namin. Parang kaedaran lang namin siya. Wow ha. Kung makapagsabi ako na kaedaran namin, kala mo naman na kaedad ko tong mga classmates ko. Hanep ah. =_=

"Good morning." Tumayo lahat ng estudyante at pati na rin ako syempre.

"Good morning Mr.....?" Hindi ko natuloy yung kasunod ng Mr. dahil di ko naman siya kilala pero na rinig kong tinawag nila itong Mr. Cashopea. Taray. Ganda ng last name ah.

Naninibago ako kasi wala si Drace. May inanasikaso daw tungkol sa Grand Ball. Kailangan niya daw mag-imbita ng mga ibat ibang Vampire Clan around the world. Hindi naman daw ako sasaktan ng mga estudyante dito kasi napagsabihan na niya daw ito. Wow ah. Talagang napapasunod niya ang mga bampira na nasasakupan niya.

Nasasakupan? What a word. Ang lalim nun ah. San ko ba napulot yun?

"Class, change your uniforms with your PE attire. May gagawin tayong activity sa soccer field. Bilis! Now!"

Ay, grabe siya oh. Agad-agad talaga? Parang nagkaroon ng instant stampede sa labasan ng classroom namin. Syempre hindi ako nakisali. Ayoko kayang nakikipagsiksikan. Ang ganda ko kay para maipit lang matapak-tapakan ng kung sino sino lang. Hmmp.

Nasa pinakalikod talaga ako pero nagulat ako nang mahawi sila sa gitna. Yung parang ginawa ni Moises sa karagatan. Basta parang ganun yun! Kung di niyo maintindihan, magbigti na lang kayo. Sagot ko kabaong niyo.

Joke. Ano ako? Sabog? Funeral service na mag-aasikaso ng mga lining niyo? Yuck!

Kung saan saan tuloy napunta tong isip ko. Ang lawak talaga ng imagination ko.

Halos lakad takbo na ang ginawa ng mga classmates ko papunta ng locker nila. Tarantang taranta sila kaya nahawa na rin ako. Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung natataranta ako kasi hindi ako makakapag-concentrate. Mas lalo lang akong naprepresure.

Nang makarating ako sa locker ko, agad ko itong binuksan. Nakaita ko kaagad yung uniform ko sa PE. Isang V-neck shirt lang naman na may logo ng HA at jogging pants na kulay maroon.

Agad ko iyong isinuot. Nagmamadali na talaga ako. Parang kunti na lang kasi yung naririnig kong naiwan na classmates ko. Siguro napunta na lahat sila sa soccer field.

Lumabas kaagad ako at dumeretso sa soccer field. Buti na lang nahanap ko yun kaagad. May nakita kasi akong estudyante na classmate ko pero di ko matandaan ang pangalan ang tumakbo papunta dun.

Pagkatapak na pagkatapak ko dun, sa akin lahat ang tingin nila. Buti na lang hindi napansin ni Mr. Cashopea. Nakakainis lang. I hate too much attention.

~*clap-clap*~

Napatingin kaming lahat kay Mr. Cashopea nang pumalakpak ito ng tatlong beses.

"Ok class. This activity that we will do now will surely help you, especially your speed. I will group you into two. Ok. Start counting.."

1...2...1...2 and so on and so for. At ang number ng group ko is 2. Ok naman sa grupo ko kaso Baka ako lang ang magpatalo sa kanila. Lalo na di ko pa alam masyado ang mga kakayahan ko. Shet. Pinagpapawisan tuloy yung mga kamay ko. Kinakabahan talaga ako. Papano kun sisihin ako ng nga kasamahan ko? Ayoko naman nun.

Aiish! Relax Vanessa. Di ba sinabi ni Drace na walang mananakit sa 'yo dito? Just trust him. Alam mo naman na di ka niya pababayaan eh. Arrgh! Nakakapresure. >.<

"Ngayong may groups na kayo, we will pick your leaders. Sa group 1 sino?" -Mr. Cashopea.

"Si Sofia po Sir!" Narinig Kong sigaw ng babae sa bandang likod. Agad naman silang pumayag sa sinabi nito. Si Sofia? Parang siya yung tumatayong president sa classroom. Napansin ko kasi kanina na parang rinerespeto siya. Siguro kabilang siya sa Royal Class.

"Ok. Sofia will be the leader of Group 1. How about group 2?" Tanong ulit ni Mr. Cashopea.

Nagsitinginan silang lahat sa akin. Ok? What's going on?

"Syempre po ang soon to be Queen po! Si Princess Vanessa!" Sabi ng isa sa mga ka-group mates ko. Oh, god. Ni hindi ko nga alam kung ano ang gagawin namin at di ko pa nga alam kung papano tumakbo mg mabilis na mabilis kasi di ba, speed yung magiging topic namin.

"Kung nakikita niyo, may mga flag dun sa dulo ng field. May mga ibat ibang kulay ito. Tingnan niyo ang mga wrist niyo." Tumingin kaming lahat sa mga wrist namin and to my surprise, may wristband na ako dito na kulay blue. Huh? Papano nagkaroon ng ganyan sa wrist ko?

"I know that some of you ay nagtataka kung bakit may ganyan na kaagad kayo diyan. Pagkatapak niyo pa lang dito, may lumitaw na diyang wristband. Yang wristband na yan nakasalalay ang kukunin niyong flag sa dulo. For example, your wristband is clor yellow. That means that your going to get a clor yellow flag. Kapag nakuha niyo na yung flag, agad kayong bumalik dito at makipag-appear sa susunod. Remember, don't use your vampire speed. Understand?"

"Yes, sir!!" We all answered in chorus.

Nakahinga ako ng maluwag nang hindi pala gagamitin ang Vampire speed kasi Baka matalo na talaga ng tuluyan yung group namin.

Oh, Drace. Help me. >_____<











Ayos ba? Mukhang sabaw eh!


Vote-comment- be a fan!



XOXO
Neeyam




My Vampire HusbandKde žijí příběhy. Začni objevovat