Chapter 19: Vampire History

2.3K 146 7
                                    

Pagpasok pa lang namin, nadatnan na namin ang medyo magulong mga estudyante. Nang napadako ang tingin nila sa amin ni Drace, parang dumaan ang isang anghel dahil bigla silang tumahimik.

Nakatanga lang silang lahat sa amin. Magaganda sila at gwapo na super putla gaya ko rin. Well, what do I expect from a Vampire like them? Bigla na lang silang yumuko lahat. Bakit kaya? Ah, oo mga pala. Prinsipe pala si Drace. Nanatili lang ako sa likod ni Drace. Ngayon ko lang napansin ang uniform ng mga kalalakihan. Maroon rin na may halong black. Basta parang chekered. Parang sa amin lang na long sleeve tapos maikling skirt.

Hinila ako ni Drace sa pinakalikod na upuan. Dalawa ito and I supposed that the other one is mine. Umupo na rin siya kaya naman umupo na rin ako.

Umupo na rin ang Iba naming classmates. Maya-maya pa ay may dumating na babae na parang kaedaran lang namin. Maganda rin kasi siya. Gaaad~. wala na bang pangit na estudyante dito?

"Good morning. Well, kasama ng ating mahal na prinsipe ang kanyang asawa. Magsibigay-pugay tayong lahat sa kanya."

Nagulat ako nang may biglang parang umulan ng mga sparkles sa paligid. Meron ding parang fairies? May mga nakikita kasi akong lumilipad na maliliit eh. Meron ding mga usok na nakahalo. Hindi naman ito masakit sa ilong kaya naman patuloy lang akong pinagmamasdan ang paligid. Wow. Ang ganda. So, this is the way they welcome their soon to be  Queen, huh? Galing.

"Ok, enough of that. Let's proceed to our topic now." Nagsitahimik na lahat at bumalik ang lahat sa pagiging tahimik. Si Drace naman tahimik lang. Ni wala nga siyang reaksyon nang magpasabog ng kung anu-ano ang mga kalahi namin eh.

"We will discuss about the Floureshca Clan. And we know that they are one of the highest rank in the whole Vampire Clan." Floureshca? Familiar.

"So, let's start to Mr. Damian Floureshca. Sir Damian is the Supremo of the Vampire Council. At syempre alam naman nating lahat na ang ating hari na si King Drakon ang may pinakamataas na posisyon. Si Sir Damian ay ang nakadiskubre sa mga potions na ginagamit ngayon ng mga witches. Knowing na isa siyang bampira pero nakaimbento pa talaga siya ng potion." Wow. Hindi ito nakakaboring na klase. Vampire history is awesome.

"At ang kasalukuyang gumagamit ng potion na ito na kasalukuyang ginagamit ni Rosaline Floureshca, ang asawa nito. Nagamit ng maayos ni Rosaline ang potion na ito dahil isa ito ay isa sa pinakamalakas na witch. This potion is called as Damline Potion. Pinagsamang Rosaline at Damian." Nakakaamaze ah. Astig. Potion? Ano kaya ang nagagawa ng potion na to?

"Ang Damline Potion ay nakakacontrol ng isip ng isang bampira. Kaya ka rin niyong patayin sa loob ng sampung segundo. Ganun kabilis. Pero malaki rin ang maitutulong nito. Sa mga taong in love, pwede itong gawing love potion. Gayuma kumbaga." Delekado din pala yang Damline potion na yan. Biruin mo, kaya nga niyang painlove-in sa 'yo yung taong gusto mo pero kaya ka rin niyang patayin sa loob lang ng sampung segundo.

"And lastly, their only daughter Shan Ingrid Floureshca. We all know na si Shan Ingrid ang may pinakamagandang mixture ng blood sa lahat ng nasa Royal Class di ba? It's because her father is a Vampire while her mother is a witch, right?" Tumango silang lahat except sa akin. Ano ba namang alam ko diyan? At isa pa kung di ko lang napangasawa si Drace Baka nabibilang ako sa mga Noble Vampires.

"Si Shan Ingrid ay mabait. Isa siyang malakas na bampira at the same time ay witch na may kapangyarihang palabasin ang mga demonyo sa Pandemonium. Kaya niyang gawin yun in just a snap. Siya ang nagpapanatili ng balanse between this mortal world and in the Pandemonium. Kaya naman kung ituring siya ay parang diyamante. Inaalagaan siya ng maayos ng mga noble Vampires. Hindi nila ito pinapabayaan kasi kinokontrol pa lang niya ang Iba niyang kakayahan." Ang lakas ah. Pandemonium. Or in other word...hell.

"Ok yan lang muna. We will discuss the other royal class next meeting. That's all. Class dismiss!"lumabas na lahat at kami na lang ni Drace ang nandito.

"Uhm..Drace? Hindi pa ba tayo lalabas? Tayo na lang yung nandito oh." Tiningnan niya lang ako ng cold expression niya.

"Are you hungry?" Inayos niya yung gamit niya. Pati yung buhok niya. Sinuklay niya gamit ang kamay niya. He looks hot.

What? Sinabi ko talaga na hot siya? Weh? Di nga. Hindi talaga pramis. Magpapakamatay ako kung totoo.

Eh di magpakamatay ka.

Bwiset na konsensya yan ah. Kung anu-ano tuloy tong iniisip.

Umalis na kami at nagtungo sa cafeteria. Marami ng mga nagkalat na estudyante. May kanya kanya silang tray na nay nakalagay na human food. Nice. Well disciplined Vampire. Buti naman hindi sila bigla bigla na umaatake ng tao sa mortal world.

Karamihan sa mga estudyante ay may hawak na mga cup. May kulay pulang likido na nakalagay dito. I'm not stupid na hindi ma-regognize na dugo yun. Ang bango kasi. Natakam tuloy ako.

Hinila ako ni Drace sa pinakadulo ng cafeteria. Actually, malawak tong cafeteria. Ang yaman talaga nila Drace. Black and gray ang kulay ng mga dingding.

Pagkaupo namin, may biglang lumapit sa amin na babae. Para siyang waitress.

"What's your order Prince Vhindrace and Princess...?" Napatigil siya at tumingin sa akin. Nginitian ko naman siya. "Vanessa." Dugtong ko.

"Give us two cups of fresh blood of a tiger." Sabi ni Drace na hindi man lang tinapunan ng tingin ang babae. Snob. -___-

"Coming up, your higness." Umalis na siya at agad Kong tiningnan tong lalaking masungit na to.

"Why did you do that?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

"I did what?" Sus. Painosente.

"Bakit di mo man lang tinapunan ng tingin yung babae?"

"She's just a noble vampires. Their born to serve us." Kaswal na sabi niya. Chill lang siya.

"I don't care. Hindi mo dapat sila trinatrato ng ganun." I retorted.

"Enough of this. Hindi naman siya yung asawa ko para tapunan ko siya ng tingin o kausapin." Sabi niya. Dumating na ang dugo namin. Umiinom na ako nang na-realize ko yung sinabi niya.

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Di ba ako ang asawa niya? Nag-init ang mukha ko kaya yumuko na lang ako. I saw him smirking in my peripheral vision. Arrgh! Pinapakilig mo talaga ako!

Papano kung dahil sa paulit-ulit na pagpapakilig niya sa akin ay mahulog na ako ng tuluyan sa kanya?











Vote ,comment, be a fan!!


XOXO
Neeyam

My Vampire HusbandWhere stories live. Discover now