Chapter 17: Gown (part 2)

2.3K 104 3
                                    

"Just choose another gown. That one doesn't suit to you." Malamig na sabi ni Drace tapos tumalikod ito. Hindi ko siya maintindihan. Ano ng meron sa gown na yun, at kung umasta siya parang may nakakabit na alaala dito. Hirap talagang basahin ng lalaking yun.


"I will wait outside." Ikinaway niya ang kamay at umalis na nga ito. Lumabas na nga ito at parang hindi pa rin ma-absorb ng utak ko tong mga kinikilos ni Drace. Hay, nakakasakit ng utak yang letcheng gown na yan ah.


Tiningnan ko na lang yung gown na tinititigan ko at pinagpapantasyahan na sana masuot ko man lang kahit isang sukat lang. Hindi naman ako mahilig sa mga gowns pero parang may kakaiba rito. Bukod sa ito ang pinakasimple, parang may humahatak talaga sa paningin ko rito. Aissh! Ano ba yan!


Nakita ko na inayos ito ng babaeng kumausap sa min kanina. Pinagpag niya ito at inayos ang laylayan. Parang alagang-alaga talaga ito ng mga staff at parang hindi rin dinadapuan ng kahit na langaw o mga ipis man lang.


Linapitan ko ang babae at nginitian ko siya. Hindi naman siya ngumiti. Ganito ba talaga ang mga bampira? Walang kaemo-emosyon.


"Uhm, miss may history ba tong gown na to?" Tanong ko sa babae at parang wala siyang narinig kasi ganun parin yung reaksyon niya. Like, duh? Any reaction, please?

"Bakit mo tinatanong?" Kinilabutan naman ako sa paraan ng pananalita nito. Ang cold. Parang takas sa malamig na yelo lang kung may ganun man.

"Ah, kasi gusto ko lang malaman. Pagkita ko pa lang rito parang alam ko ng ito yung gusto ko."


Parang nagdalawang-isip naman siya kung sasabihin niya pero sa huli, napabuntong-hininga na lang ito at napilitan na sabihin sa akin ang tungkol sa gown na to.

"Malaki ang respeto ko sa inyo dahil kayo ang susunod na Reyna kaya sige, sasabihin ko po sa inyo."

Parang lumiwanag ang mga mata ko at napangiti sa sinabi niya. Hindi naman siya ngumiti pero ayos lang. At least malalaman ko na ang history ng gown na to.

"Espesyal ang gown na yan. Isang babae pa lang ang nakapag-suot nito. Isang babaeng may busilak na puso. Kung nakita mo kanina yung larawan ng isang babae sa labas kanina. Siya yun. Si Prinsesa Shan Ingrid Floureshca. Ang nag-iisang anak ni Haring Damascus at Reyna Shanie Floureshca." Habang nagkwekwento siya hindi ko maiwasang humanga sa babaeng ito. So, totoo pala na mabait talaga siya. Parang total package na talaga siya. Iilan lang kasi ang ganyan sa mundo.

"Importante din tong gown na to kasi isang sikat na designer ang gumawa nito. Ipinasadya niya ito at nang magamit ito ay umalis na siya ng Pilipnas at pumunta sa Russia at doon na siya nanirahan pa. At kung papayagan ka man ni Prinsipe Vhindrace na isuot ito, sana ingatan mo ito." Tumigil siya sandali at tinitigan niya ako ng maigi sa mata. Sa tingin ko, parang namumutla na ako ngayon sa kaba. Ibang-iba kasi yung paraan ng pagtitig niya. Parang kinakain na niya ako ng buhay. Nakakatakot lang.


"Sapat na siguro yang impormasyon na iyan. Mauuna na ako. May trabaho pa ako." Tumango na lang ako at umalis na nga ito.


Tumingin na lang ako ng Iba para hindi magalit si Drace. Papalabas na sana ako pero bigla ko namang nakasalubong si Drace. Siguro, natagalan na siya sa kakahintay sa akin.

"Ang tagal mo" iritado niyang sabi at nakakunot pa ang noo nito. Pero kahit ganun parang dumagdag pa rito ang kagwapuhan nito.

"Uhm, pasensya na. Ang hirap kasing pumili kasi magaganda sila." Pagsisinungaling ko kahit na hindi naman ako tumingin sa Iba dahil nandun sa gown na yin pa rin ang atensyon ko.

"You really like that gown, do you?" Papano niya nalaman? I mean, alam Kong malakas siya--
Ay, tongek! Kaya nga malakas siya kaya nalaman niya.

"Ok fine. Ngayong alam mo ng gusto ko talaga yun, kakapalan ko na yung mukha ko. Pwede bang yun na lang yung bilhin natin na gagamitin ko sa ball besides, mukhang yun naman ang pinaka-mura sa lahat." Kinapalan ko na talaga yung mukha ko para mabili na niya yung gown na yun. Hindi ko alam kong anong nakain ko at pinapipilitan ko yung gown na yun. Gown lang namn yun eh. Isang gown na sobrang espesyal na isinuot ng isang babaeng may busilak na puso. Tss.

"Is that really what you want? I mean, you have many options here. Hindi naman yung pinakamaganda." Mukhang naghahanap talaga siya ng paraan para ayawan ko yung gown na yun. Pero sorry na lang siya. Hindi na talaga magbabago yung isip ko.

"Oo gustong-gusto ko talaga yun." Sana pumayag na talaga siya.

"Ok, bibilhin na natin yung gown na yun pero...natigilan ako sa sinabi niya. Akala ko ok na pero may kapalit pala. Ang malas naman...ipangako mong mag-iingat ka sa Horlikson Academy lalo na't hindi pa lumalabas ang buo mong kapangyarihan." Nabuhayan naman ang loob ko sa sinabi niya. Siguro nag-alala lang siya sa akin. Kahit papano pala malaki pa rin ang concern niya sa kin.

"Peksman mamatay man. Tumalon man ng bato o kahit magunaw man ang buong mundo." Siguro kung may makakita sa akin ngayon pagtatawanan nila ako. Nakataas pa kasi yung mga kamay ko na parang nanunumpa talaga eh. For the sake of the gown, gagawin ko lahat.


Napailing na lang siya at binili na yung gown. Inilagay na nila ito sa isang box. Kinausap ni Drace yung babae at sinabing babalikan namin ito mamaya. May pupuntahan pa daw kasi kami.

"Let's go. Bibili pa tayo ng school uniform mo." Naexcite naman ako bigla sa sinabi niya. Ano kaya ang itsura ng uniforms nila sa HA? Hmm. Siguro malaki din sa school na yun kasi mayaman sila Drace eh. Sana lang hindi maging disaster yung pagpasok ko sa school na yun. Sana maging maayos ang lahat. Mahirap pa naman ako makapag-adjust.

Magkakaroon kaya ako ng new friends. Sana naman dumami na kasi si Gray lang naman yung friend ko eh. Pero, baka puro spoiled brat naman ang pumapasok dun gaya ng Prixon Academy sa mundo ng mga tao.

Binili na ni Drace yung uniform at nagmadali na kaming umuwi kaagad kasi may mga aasikasuhin pa daw siya tungkol sa ball na gaganapin. Siya kasi ang inatasan nila mom and dad na gumawa at maghanda ng lahat.

Ako naman tatambay na naman ako ng mag-isa dito sa bahay. Nakakalungit naman.









*****end of chapter 17******


--neeyam :-)

My Vampire HusbandWhere stories live. Discover now