Chapter 15: Lost

2.4K 113 3
                                    

Nang tuluyan na akong nakalabas, tumakbo ako. Yung ordinaryong takbo ng isang tao. Hindi ko pa naman kasi alam kung paaano gamitin yung mga abilities ang strength ng isang bampira.






Naglakad na ako nang mapagod ako. Pwede pala yun? Napapagod din pala hung mga bampira. Pero si Drace parang di naman eh. Kung sabagay, soon to be king naman siya eh.





Nang mapagod akong maglakad, nagpahingauna ako. May nadaanan akong isang park. Pumunda ako dun at umupo sa isa sa mga bench. Tumingala ako sa kalangitan at medyo madilim na. Parang ang bilis dukilim ng kalangitan dito. Tinanggal ko na yung shades ko. Hindi ko na tinangggal yung jacket ko kasi Baka lamigin lang ako eh.







Tumingin ako sa paligid at merong mga batang naglalaro. Kung titingan mo sila parang hindi sila bampira na iinom ng dugo balang araw. Ang inosente na mga mukha nila.




Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko at, HOLY SH*T!! Alas sais na! Nakalimutan ko na may taong este bampira na tinakasan ko. Peste namang buhay to!







Naglakad na ako pabalik at saka ko lang naalala na Wala pa pala akong alam tungkol sa lugar na to. Papano na ako babalik niyan? Hindi ko matandaan eh. Mahina kasi ang memorya ko pagdating sa direksyon. Shunga ko talaga kahit kailan! Ba't di kasi ako nag-iisip. Siguro ngayon, umuusok na amg ilong nun sa galit.






Heh! Bahala na. Instinct na lang ang pagaganahin ko dito. Naglalakad na lang ako kung saan ako kung saan ako dalhin ng mga paa ko.




Habang naglalakad ako, may nakita akong dalawang daan. Ano naman ang pipiliin ko dito?


"Aiish! Bahala na!" Napasabunot ako sa buhok ko at nagpapadyak sa lupa.





Tinungo ko ang medyo madilim na daan. Kasi diba sabi nila 'looks can be deceiving'. Tama ba yan? Hindi ko alam. Basta sabi nila na nakakalito daw ang itsura ng isang bagay. Ang may magandang anyo, minsan sila pa yung magpapahamak sa'yo. Parang sa mga tao lang. Kung sino pa ang may magandang mukha, sila pa yung pagmumukhain kang tanga. Eh, ano ka na lang edi, NGANGA.





Nakuha ko pang humugot eh naligaw na nga ako. Nang nasa kalagitnaan na ako ng dinaanan ko. Nakakaramdam na ako ng kakaiba. Nagsimula na akong kabahan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Napahawak ako dito ng wala sa oras.







Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Isinawalang-bahala ko na lang yung naramdaman Kong kaba kanina.




"Inhale. Exhale." Paulit-ulit ko itong ginawa hanggang mawala na ang kaba ko.





Habang naglalakad ako parang may nakita parang pulang mata o sadyang namamalik mata lang ako? Hindi ko alam. Mas lumapit ako dun kasi parang inaakit ako ng pares ng matang nakatingin sa akin. Nang makalapit ako ay nagulat ako sa nakita ko.







"Aaah--" napasigaw ako ng wala sa oras pero napatigil ako ng sa isang iglap lang nasa harapan ko na siya.




Nakakatakot ang itsura niya. Pula yung mga mata niya. Nakalabas ang pangil at parang lalabas ang mga mata niya dahil sa laki nito. Gulo-gulo pa ang buhok nito na parang hindi sinuklay ng ilang taon. Nakakatakot talag shet.




Napako ako sa kintatayuan ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nangangatog ang tuhod ko. Pati mga kamay ko nanginginig. Pinagpapawisan din ako ng malamig. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto Kong tumakbo pero hindi ko magawa. Ano bang nangyayari sakin?





Mas lalo akong nangatog sa takot nang amoyin niya ang leeg ko. Pigil ang paghinga ko sa ginawa niya.




"I-ikaw....bango..dugo." Hindi siya makapagsalita ng maayos. Nandidiri rin ako kasi habang nagsasalita siya tumutulo yung laway niya. Yuck!




Ipinikit ko ang mga mata mo at hinintay ang pangil niyang dumapo sa leeg ko. Mukhang ito na ang katapusan ko. Sa lahat ng kasalanan ko, sa lahat ng nagwan ko ng mali, si Gray na sigurado akong nag-aalala na sakin ngayon. Sorry Gray.




At kay Drace na inasar ko. Sorry din Drace. Sana nakinig ako sayo na wag lumabas pero heto ako. I'm lost and couldn't find my way back to our house.




"Drace." Banggit ko sa pangalan niya. Na sana narinig niya. Malakas naman ang pandinig ng mga bampira diba? Sana lang. Kasi kung papipiliin ako, ayoko munang mamatay. Marami pa akong pangarap sa buhay noh.




Parang ilang minuto na akong nakapikit dito pero wala pa ring dumaping pangil sa leeg ko. Huh? Idinilat ko ang mga mata ko at nakita Kong nakabulagta na yung bampirang kakagat sana sakin. Hala anong nagyari?




"Tulog ka na teh?" Para akong tanga na sinipa sipa pa yung nakabulagtang bampira.




"Tss. Stupid." Tumingin ako sa likod at nakita ko ang lalakeng hiniling Kong magligtas sa kin.




"Drace!" Sigaw ko at dinamba ko siya ng yakap. Siya pala yung nagpatulog sa bampirang ubod ng kaderder at pangit.




Nagulat ako ng hinila niya ako bigla. Mas magandang word kung kinaladkad kasi halos madapa na ako eh. Ang lalaki ng hakbang niya, grabe.




"Hoy, ano ba! Yung kamay ko masakit!" Sigaw ko sa kanya at bigla siyang tumigil at nauntog ang ilog ko sa macho niyang likod.






Bigla niya akong binuhat ng bridal style. "Lumapit kang mabuti." Kumapit nga ako ng mabuti sa kanya tapos tumakbo siya ng sobrang bilis at sa isang iglap lang nandito na kami sa loob ng bahay namin. Inilapag niya ako sa malambot na sofa.




Nang mailapag niya ako eh tumayo na siya kaagad at naglakad pauntang kitchen. Hala! Galit si Drace.



Ikaw naman kasi Vanessa eh. Hindi ka marunong sumunod ng instructions eh. Sinabi kasi sayo na wag lumabas pero heto ka ngayon muntik ng mapahamak at galit pa si Drace sayo.




"Ang tanga mo Vanessa. Hindi ka nag-iisip. Papano ka ngayon hihingi ng tawad sa kanya." Para akong tangang kinakausap ang sarili ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako sanay na galit siya sakin. I mean alam Kong medyo suplado siya pero hindi ako sanay.



Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Nag-isip ako ng paraan para mapatawad niya ako.



"Aiish! Bahala na si Batman!"


Matutulog na muna ako. Hayaan na. Bahala na bukas.



******end of chapter 15*******

--neeeyam

My Vampire HusbandWhere stories live. Discover now