Chapter 14

2.6K 113 2
                                    

Gusto Kong lamunin na lang ako ng lupa ngayon. Shet, nakakahiya yung nadatnan nila. To think na ibang bagay pa yung iniisip nila. Iniisip nila na katatapos lang naming gumawa ng milagro.

Yumuko na lang ako dahil sa nararamdaman Kong hiya.

"Oh, Vanessa dear? Why are you hiding your face? Wag ka ngang mahiya! Alam Kong normal lang yang 'ganyan' sa mga mag-asawa!"

Itinaas ko ng bahagya ang ulo ko. Ngumisi ako ng alanganin sa kanya.

"M-mali po kayo ng iniisip." Magalang na sabi ko sa mama ni Drace. Humalakhak naman siya na parang wala lang yung sinabi ko sa kanya. Napangiwi na lang ako dahil sa tawa niya. Hindi ko akalain na ganyan kalakas yung tawa niya. Siya pa naman yung reyna.

"Haha! Ano ka ba Vanessa? Hindi mo na kailangan pang mahiya sa amin."

Hindi na lang ako sinagot. Yung daddy naman ni Drace naka-poker face lang. Parang walang nangyayari sa paligid niya. Sobrang formal pa rin niya kagaya ng pagpunta niya sa coffee shop nun. Ngayon alam ko na nagmana si Drace.

"Mom, its not what you think." Mahinahong sabi ni Drace. Buti naman naisipan pang magsalita ng kumag na to. Hindi ko alam Kong paano ihandle tong mommy niya. Hindi sa sinasabing Kong hindi ko siya ka-vibes ah. Syempre alam niyo naman ako na hindi ako mahilig makihalobilo. Hindi pa lang talaga ako sanay sa ibat ibang mode na ipinapakita niya sa akin.

"Eh, paano mo ipapaliwanag Yung nadatnan namin na makalat at magulong sofa at nagbabatuhan pa kayo ng throw pillows! Hindi ko alam na ganyan kayo magharutan! Kung sabagay nung kami ng daddy mo nun halos maghabulan pa kami ng kutsilyo nun."

Napanganga ako sa last niyang sinabi. Seriously? Talagang naghahabulan sila ng kutsilyo? Eh mas wild nga sila eh!

Napansin kong namula pa yung mommy ni Drace habang kinuwento niya iyon. Kinilig pa talaga siya ah. Eh halos magpatayan na ata sila.


"Enough of that My Queen. We're not here for that matter." Maawtoridad na sabi ng daddy ni Drace. Makikitaan mo talaga siya ng pagiging hari sa boses nito. Yung tindig at ayos niya nababagay talaga sa kanya.


"Ang KJ mo talaga kahit kailan! Sa labas ka matutulog mamaya!"

Bulyaw niya sa asawa niya. Parang nawalan naman ng kulay ang mukha yung daddy ni Drace dahil sa sinabi ng asawa nito. Mukhang under siya nito ah.

Lalapit na sana si daddy kay mommy pero lumayo na lang ito sa kanya at sumimangot ng bonggang-bongga. Ang ganda parin niya kahit sumimangot. I wonder kung anong itsura niya kung galit na galit talaga siya.

"Tss! Ano ba talagang pinunta niyo rito?" Iritadong sabi ni Drace.

"Ok, chill ka lang son. Nandito kami para sa gaganapin na ball at para sa pagpapakilala kay Vanessa."

This time seryoso na si mommy. Ang bilis naman yatang magbago ng mood niya.

Naglakad kami papunta sa salas. Agad akong nagpulot ng kalat namin kanina. Tinulungan naman ako ni Drace kahit papano. Aba dapat lang kundi baka mabigwasan ko pa siya ng wala sa oras. Kahit nandito pa yang mommy at daddy niya.

"Naasikaso na namin yung mga invitations para sa different clans around the world. Pati sa Russia kung saan nandun yung mga ibang member ng council."

Panimula ni Tito. Daddy ba ang itawag ko sa kanya o Tito? Hindi ko alam! Nahihiya kasi ako eh. Baka sabihin pang feeling close ako eh.

"Yeah, At pupunta rin ang mga Floureshca."

Napatingin naman ako kay Tita. Sino yung sinabi niyang mga Floureshca? At sino sila?

"Ano naman ngayon kung dadating sila? I dont give a damn."

Bakit parang galit si Drace? Nakakuyom pa yung mga kamao niya. May naging kasalanan ba sila sa kanya?


"And Vanessa.. Sabi ni Tito. Mag-aaral ka ulit dito kasama si Drace."

Tumango na lang ako bilang sagot.

"And Drace, wag mong kakalimutang samahan si Vanessa sa pagpili ng gown ah. Gusto ko yung simple but elegant. "

Tumango na din si Drace. Maya-maya pa napag-isipan ng umuwi nila Tito at Tita. Nasa pintuan na sila Nang magsalita ulit si Tita.

"Vanessa, hindi mo kailangan na mailang samin. Pamilya ka na rin namin. Wag mong isipin na hindi ka nabibilang sa mga kauri natin. And napansin kong hindi mo ako tinatawag na mommy."

Ngumuso pa siya na parang bata. Iba Iba talaga yung mood niya. Mood swings nga naman.

"S-sige po m-mommy." Nahihiya Kong sabi sa kanya.

"Sa kin rin Vanessa. Wag kang mahihiya." Nginitian nila akong dalawa. Ang bait naman nila. Si Tito este daddy na akala mo parang yelo sa ka-cold.

"Hehe, sige daddy." Tinawa ko na lang yung hiya ko. Ano ba yan, parang ang awkward kasi eh. Pero di bale na. Masasanay din naman siguro ako.


"Sige una na kami. Drace, alagaan mo si Vanessa ah. At Vanessa, sabihin mo lang kung may ginawang kalokohan si Drace ah."

"Opo."

Umalis na sila at pumasok na rin kami sa loob. Hindi pa pala kami nakakapag-breakfast. Hindi ko naman masyadong naramdaman ang gutom kasi Iba ang hanap ng panlasa ko. Alam niyo na...dugo.

Dahil mga alas tres na, pagsisimula na akong mabored. Si Drace umalis. Lumabas siya para mag-grocery ng mga kakailanganin namin dito. Naiwan lang ako mag-isa dito.

Nabasa ko na ata ng mga magazine na nakita ko rito sa bahay pero wala man lang akong nakitang interesadong title man lang. Mga magazines pa kasi to nung last year eh.


Gusto ko rin namang magluto-luto na lang kaso anong iluluto ko eh pumunta palang si Drace para mag-grocery eh.

Gusto Kong lumabas pero ibinikin niya na wag muna akong lumabas. Delekado daw iyon para saking susunod daw na Reyna.


Hindi naman siguro ako mahuhuli eh. Sandali lang naman ako eh.


Lumabas na ako at naglakad sa labas. Nag-jacket at shades ako kasi Baka masunog ako Nang wala sa oras.

Haay...I miss the fresh air!










*****end of chapter 14******

My Vampire HusbandWhere stories live. Discover now