Chapter 21 : Light

Start from the beginning
                                    

Sa dami ng iniisip ko ay napadpad ako sa labas ng building at hindi ko rin alam kung paano ako napunta rito pero medyo gumaan din ang pakiramdam ko dahil parang garden ang lugar na 'to. Bigla ko tuloy namiss ang village namin. Pero ang hindi ko inaasahan ay gabi na pala dahil sa loob ng Hydra ay parang laging umaga.

Naupo ako sa malaking bato malapit sa pond at pagtingin ko ay may mga aquainas doon na lumalangoy. Marami ring floras at naturaes sa paligid. Kumikinang sila at ang gandang tignan dahil gabi na kaya para silang mga alitaptap.

"You're here."

Nagulat naman ako nung makarinig ako ng boses kaya naman hinanap ko kaagad ang pinanggalingan nun. Pagtingin ko, nakasandal si Ryleigh sa likod ng puno na nasa harapan ko. Hindi ko siya masyadong makita pero alam kong siya 'yun. Hindi ko alam na dito rin pala siya pumunta kanina.

"Nakaistorbo ba ako?" tanong ko at nakita kong gumalaw siya.

"Hindi."

After that ay naging tahimik ulit ang paligid at kahit papaano ay hindi naman awkward. Siguro dahil sanay na kami sa katahimikan ng isa't isa. We don't really talk that much when we're not in a fight or battle.

Bigla ko namang naisip ang laban namin kay Henric at napabuntong-hininga na lang ako. That fight was so disappointing. Yes, I managed to do the half-animal form but I can't even control my own body and power. I used my own life force to sustain that form. I feel sorry for Jerry.

"Shall we train?"

Nagulat naman ako dahil pagtingin ko sa direksyon ni Ryleigh ay nakaharap na siya sa akin at seryoso ang expression niya. Siguro pareho lang kami ng iniisip at pareho kami ng nararamdaman tungkol sa nangyari kaya naman tumango ako. Kung wala akong ginagawa ay mapupuno lang ng ganung pag-iisip ang utak ko.

"Jerry, sal-ve!"

"Bob, sal-ve!"

Our guardians materialized in front of us and I'm glad that Jerry is okay. I was actually scared to call him because of what had happened but when he ran to me, I felt relieved.

"Es hyva fe vies diaz. Morien alav sativa chroina il piero mergus. Comvien han!" Ryleigh chanted the incantation and Bob dissolved into spirit particles. He was surrounded by lights and before I knew it, his half-animal form was right in front of me.

"This is hard," sabi ni Ryleigh at nakita kong medyo hirap siyang kumilos. Siguro ay dahil wala masyadong spirit particles sa lugar na 'to kaya hindi macocompensate ang lakas namin.

I need to do it, too.

Huminga muna ako nang malalim at pumikit bago ko sinabi ang incantation. After that, I chanted it and I felt Jerry's presence enveloping me. Just like what happened last time, my memories with him flooded my mind, and even his memories with his previous owners. However, an unfamiliar scene flashed in my mind.

"Keep her away from here, Ramon. The Exorcist Seer knows the prophecy about the second."

"But are you really sure it's her? What if"

"Ramon, for the sake of Kass, do it. This is an order."

"Yes, Divine General. I will do everything to protect them. Let's go, Jerry."

The next thing I knew, I was already in my half-animal form. All my senses were enhanced and my head was throbbing because of that memory. Nakita kong kausap ni Papa, habang kasama niya si Jerry, ang Divine General. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila pero mukhang may kinalaman din si Mama doon.

Guardians | Self-Published under TaralikhaWhere stories live. Discover now