Chapter 2 : Master

220K 8.7K 833
                                    


Tahimik lang kami ni Lexi habang nakaupo sa terrace. Wow. Para lang talaga kaming nasa baryo namin dahil ang daming puno ang nakapaligid sa bahay niya tapos may lake pa sa harapan.

"Here's your tea."

Napatayo naman kami para abutin 'yung tray na hawak niya lang sa isang kamay habang nakapamewang 'yung isa.

"Galing rin ako sa baryo na 'yun kaya naisipan kong dito tumira," biglang sabi niya. Nabasa niya siguro 'yung facial expression namin. "I don't want to live in that urbanized place. Masyadong maraming tao and most of them are idiots."

"Ms. Ariah, paano po kayo nagkakilala ni Papa?" tanong naman ni Lexi.

"Ah. Si Leon? We're both trainees under the same Master though mas bata ako sa kanila ng eight years. Actually, tatlo kami pero..."

"Si Kass," sabi ko tapos napangiti na lang ako kahit na bumigat 'yung loob ko.

"Paanong...wait. Who are you?"

"I-I'm her daughter."

"M-may anak sila ni Ramon?"

Halos hindi naman siya makapaniwala sa narinig niya sa akin. Hindi nila alam? Ibig bang sabihin, hindi nila sinabi sa iba na may anak sila? At bakit ganun ang reaction niya? Hindi ko tuloy alam kung masasaktan ako dahil hindi ako kilala ng colleagues nila.

"A-Anyway, ako ang magiging Master ninyo kaya susundin niyo lahat ng sasabihin ko. Pero for now, ilagay niyo muna 'yang mga gamit niyo sa kwarto," sabi niya habang kino-compose ang expression niya. Hindi na lang ako nagtanong ulit at tinigil ko na ang pagrereminisce ko.

Tumayo naman kami after naming ubusin 'yung tea na pinrepare niya at pumasok kami sa loob ng bahay. May dalawang kwarto sa loob kaya magkasama kami ni Lexi sa isa. So mag-isa lang pala siyang nakatira rito?

"Tortos, sal-ve!"

Napasilip naman kami ni Lexi sa bintana dahil parang lumindol at pagtingin namin, nasa gitna na ng lake 'yung malaking pagong. Grabe. Para siyang isang isla dahil sa size niya!

"Hay. Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina," sabay higa ni Lexi doon sa kama namin.

"Ako rin. Nakakatakot talaga dito sa Capital."

"Buti na lang dumating si Ms. Ariah tsaka 'yung lalaki...ano ngang name niya?"

"Nakalimutan ko na. I think he's one of the Spirit Masters. 'Di ba ganun 'yung uniform nila?"

"Tingin ko nga. Mukhang magkakilala sila ni Ms. Ariah."

Bigla naman kaming may narinig na impact doon sa bintana at pagtingin namin, 'yung mata lang ng isang malaking kalapati ang nakasakop doon kaya natakot kami at napaatras.

"Ano pang ginagawa niyo dyan?! Lumabas kayo rito!"

Dahil sa pagsigaw ni Ms. Ariah, agad-agad kaming lumabas at pagdating namin doon, nakatayo siya sa harapan namin.

"Magpakilala kayo."

"I'm Lexine pero Lexi na lang po."

"Reika po."

"Lexi and Reika. Dahil sa akin kayo ibinilin ni Leon, you're going to follow my orders. I'll train you to become true Divians at para magamit niyo ng tama ang spirit guardians niyo. Maliwanag?"

"Opo!" sabay naming sagot.

"And call me Master."

"Yes, Master!"

Guardians | Self-Published under TaralikhaWhere stories live. Discover now