Chapter 8 : Divine Camp

183K 6.4K 689
                                    


Bumalik kami sa 150th floor gamit si Charlie dahil hinding-hindi na ako sasakay sa elevator na 'yun. Ang kaso nga lang, kailangang bumalik ni Charlie at Lexi ng tatlong beses para kunin kami sa ground floor. Wala raw kasing flying guardians 'yung dalawa at ako naman, hindi ko pa pwedeng gamitin si Phoebe. Hindi rin susunod si Charlie kapag hindi nakasakay sa kanya si Lexi at hanggang dalawang tao lang ang kaya niya.


Nung makabalik kami sa room ay wala pa rin kami sa mga sarili namin. Hindi ako makapaniwala na nakakita ulit ako ng isang Spirit Master at nung sinabi ni Ryleigh na siya ang pinakamalakas in terms of strength ay naramdaman ko kaagad 'yun dahil sa lakas ng presence niya.


Naupo kami doon sa sofa at hinihintay kong magsink in sa utak ko lahat ng nangyari. Why would a Spirit Master appear right in front of our eyes? O baka naman dahil papunta siya sa meeting? At bakit may crow doon? Hindi ko na nakita masyado pero malaki ang chance na 'yun din ang crow na nasa gubat kaninang madaling-araw. Is it following us?


"The appearance of Lark was surprising but I'm curious about the crow," biglang sabi ni Ryleigh at nagkatinginan kami ni Lexi at tumango kami parehas.

"Actually..." Napatingin sina Yano at Ryleigh kay Lexi. "Sa tingin ko kami ang target ng crow na 'yun."

"What do you mean," tanong ni Yano.

"Kaninang madaling-araw kasi ay na-encounter namin ang isang crow na nakabantay sa bahay ni Master. Nakita ko si Rei na nakatingin sa crow during that time kaya lumabas agad ako ng bahay at tinaboy 'yun. My mother is a Seer kaya alam kong kapag may guardians na kadalasang ginagamit for precognition ay either may Seers na kumukuha ng information or inoobserve nila ang mga taong involve sa isang prophecy."

"Hmm...so does that mean..." Inayos ni Yano ang salamin niya at pakiramdam ko ay magtatanong siya about sa prophecy kaya sinenyasan ko kaagad si Lexi.

"A-anyway, that Lark...feeling ko nakita ko na siya somewhere pero hindi ko maalala kung saan o kailan."

"Talaga? Pero ang balita ko mahirap hagilapin ang mga Spirit Master. Ang kilala ko lang na nagpapakita sa Divians ay si Adrielle," sabi ni Yano.

"Who's that?"

"Three years ago lang siya naging Spirit Master at itinalaga siya ng Divine General para maging director ng Divine Camp."

"Divine Camp?"

"A camp or training ground for amateur Divians."


Tahimik lang ako habang nag-uusap sina Lexi at Yano, maging si Ryleigh ay tahimik din. Buti na lang talaga at kasama ko lagi si Lexi. Hindi kasi ako ganun kakomportable sa ibang tao na kakakilala ko lang kaya madalas ay si Lexi ang kumakausap sa kanila. Siguro dahil nasanay akong mag-isa kasi wala lagi ang parents ko sa bahay nung bata ako at nung mamatay sila ay wala na akong kinausap na iba kundi ang pamilya ni Lexi.


"Mabuti pa mag-ikot-ikot na lang tayo sa Capital. Hindi pa kayo nakakapasyal dito 'di ba?" biglang sabi ni Ryleigh at tumayo siya tapos nag-inat. Mukhang bored na siya.

"I think that's a good idea. Pwede rin tayong pumunta sa Divine Camp para makita niyo ang ibang Divians pati na ang facilities," dagdag ni Yano.


Nagkatinginan kami ni Lexi at tumango siya kay Yano. Mukhang matagal pa naman sina Master at Gavin at wala kaming magawa rito. Might as well magtour na rin dahil hindi pa namin nakikita ang buong Capital.

Guardians | Self-Published under TaralikhaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora