Chapter 5 : Amazon

182K 6.7K 687
                                    


Para akong nasa gitna ng Amazon ngayon dahil sa dami ng spirit guardians na nandito, at 'yung isa, supposedly ay extinct na. Pero sabagay, ako nga may mythical guardian. Pero nakakagulat pa rin na makakita ng T-rex at sobrang lapit pa. Imagine? Dinosaur 'yun!


Sa taas namin ay nag-iingay 'yung dalawang malaking ibon kaya parang may eclipse dahil nahaharangan nila 'yung araw. The vulture is still eyeing us kahit na nasa harapan niya na si Lily. Then naalala ko ang nature ng vultures. Mas inuuna nila ang mga mahihina.


"Tsk. Two Spirit Masters and four amateur Divians. Amos, ano nang plano?"


Nangilabot ako nung narinig ko 'yung boses na 'yun. It's a female voice pero parang sobrang lalim at galing sa ilalim ng lupa. Hinanap ko kaagad 'yun at nakita kong may tao doon sa taas ng puno. Bakit parang usong mag-appear ngayon sa tuktok ng mga puno?


"One Spirit Master at a time. Mukhang nagkamali tayo ng kalkulasyon."


This time, sa baba ng punong tinutungtungan nung babae ay lumabas ang isang lalaki-and he's like the definition of a human beast. May facial hairs siya at medyo magulo ang buhok niya pero matipuno in a way na madedescribe mo siya as 'wild.'


"Amos?" sabi ni Gavin doon sa lalaki, tapos tumingin siya sa babae sa itaas. "Then you must be Bridgette."

"Ah. The Sky and Land pair," dagdag naman ni Master.


Kilala nila sila? Tsaka ano 'yung sinabi nung dalawa kanina? Two Spirit Masters and four apprentices...then, si Master ba ang tinutukoy niya? Pero ang alam ko, ang Spirit Masters ay nakatira sa heart ng Capital. And she's here...living in the woods.


"What do you want?" seryosong tanong ni Master doon sa babae...Bridgette ata ang name.

"Your head, Amazon Divian."


Wait. Did she say Amazon Divian?


Nagkatinginan kami bigla ni Lexi at nagkaintindihan kami. Nung mga bata pa kami, bali-balita na may isang babaeng Divian na kilala dahil sa way ng pakikipaglaban niya. She's a total warrior at ineexterminate niya ang exorcists. Hanggang sa naging member siya ng Spirit Masters. Pero walang nakakakilala sa kanya, maliban na lang siguro sa mga kasamahan niya, dahil laging nakatakip ng black cloth ang mukha niya. Hindi rin alam ng karamihan ang ginagamit niyang guardians dahil walang nakakakita ng mga laban niya. She was labeled with many nicknames such as Amazon Divian pero bigla na lang siyang nawala seven years ago.


"She's...she's the Amazon Divian." Kitang-kita ko sa mata ni Lexi ang amazement habang nakatingin siya kay Master na nakasakay sa likod ni Lily.

"Sorry, lady, but her head is in my care."


Pagkasabi nun ni Gavin ay tumakbo 'yung T-rex guardian niya sa direksyon namin kaya agad kaming umiwas. Nagdire-diretso siya hanggang sa wasakin niya 'yung punong kinatatayuan nung Bridgette.


"Es hyva fe vies diaz. Morien alav sativa chroina il piero mergus. Comvien han!" Pagkasabi ni Master ng incantation na 'yun ay biglang nagliwanag si Lily to the point na hindi ko na siya makita. Then after some time ay unti-unting nawala 'yung ilaw...at bumungad si Master na may pakpak ng dove, just like the last time.

Guardians | Self-Published under TaralikhaWhere stories live. Discover now