Chapter 4 : Disturbance

190K 7.2K 1.1K
                                    


"Gising!"


Naramdaman ko 'yung paghampas ni Lexi sa mukha ko kaya dumilat ako. Hindi ko napansin na nakapikit na pala ako at nagddrift na 'yung isip ko. Nandito kami sa lake at pinapatulog na naman kami ng aquainas.

Halos wala na akong lakas para magsalita pa kaya siguro madali akong naapektuhan ng sleeping magic ng aquinas. Nakaya kong panatilihin si Jerry for two hours at after that ay nagcollapse na ako. Si Lexi naman, mga two and a half hours ang itinagal niya. Kahit hindi ko na nasabi 'yung incantation ay nawala na lang bigla si Jerry dahil hindi na kayang isustain ng stamina ko ang presence niya, same as Charlie. At gaya ng nangyari kanina, dinagit kami ni Lily at hinulog niya kami sa lake.

Great. Wala na akong ginawa kundi ang magcollapse at mahulog. Nice training.


"Girls, after an hour, 'yung second guardian niyo naman ang i-summon niyo. Kailangan maging balanced ang experience ng guardians niyo."


Kahit medyo malapit sa amin si Master, feeling ko ang layo na ng boses niya...bakit...

Stop! God. Naaapektuhan na naman ako ng magic ng aquainas. At feeling ko ay pinagtatawanan nila ako dahil ang dali kong maapektuhan ng sleeping magic nila. I need to focus.

Napatingin ako kay Tortos. Nasa gitna siya ng lake habang kami ay medyo nasa gilid lang. Pero kahit na medyo malayo siya sa amin ay naaamaze pa rin ako sa size niya. Sabi rin ni Master, tortoise daw siya at hindi turtle, though hindi ko masyadong alam ang kaibahan nila.

Then all of a sudden, biglang lumindol. Okay, not really. Bigla kasing gumalaw si Tortos at may sound siyang napoproduce, causing the water to vibrate. Nagsilayuan din 'yung aquainas sa amin as if nasesense nila na may mangyayaring masama.


"Tsk. He's here. Lily, get them."


Kinuha kami ni Lily mula sa lake at naglanding kami sa tabi ni Master na naging seryoso bigla ang expression. Bigla akong kinilabutan. Ngayon ko nafeel 'yung lakas ng presence ni Master.

Narinig ko ulit 'yung ingay sa lake at muntik na akong mapasigaw nung may nakita akong...balyena doon. Nagpapalitan sila ng atake ni Tortos at hindi na maprocess ng utak ko 'yung nangyayari. Bakit biglang may lumitaw na whale sa lake?


"They are playmates, if that's what you want to ask, girls."


Nagulat ako nung bigla akong may narinig na boses. Hinanap ko kung saan 'yun nanggaling at may nakita akong lalaki na nakatayo sa tuktok ng puno...at bigla siyang tumalon pababa.


"Ano na namang kailangan mo? Kung ipipilit mo pa rin 'yung—"

"No. Hindi 'yun ang ipinunta ko."


Natahimik bigla si Master at naalala ko kung saan ko nakita 'tong lalaking 'to. Siya 'yung tumulong sa amin para makababa doon sa barrier. Ano ngang pangalan niya? Gaban? Gabon?


"Gavin," sabi ni Lexi na mukhang naalala niya rin 'yung lalaki. Oh. Gavin pala.

"Hmm. So naisipan mo na palang magkaroon ng apprentices," sabay ngiti ni Gavin kay Master.

Guardians | Self-Published under TaralikhaWhere stories live. Discover now