Chapter 9 : Return

141K 6.1K 750
                                    


Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na kaagad 'yun nasundan ng mga mata ko. Pagkatapos sumugod ni Ryleigh kay Bridgette ay narinig ko na lang ang malakas na pagsigaw ni Bridgette. Pinilit ko pang i-focus ang paningin ko sa kanila dahil nanlalabo na ang tingin ko.


"Y-You'll pay for this!" sigaw ni Bridgette at biglang nagliwanag ang paligid niya. After that ay nawala ang effect ng half-guardian form niya at nakasakay na siya ulit sa likod ni Vultos. Nakita kong may mahaba siyang sugat sa right arm at ganun din sa right wings ni Vultos.

"Vultos, nes-sa! Fayza, sal-ve!"


Nabalot ulit siya ng spirit particles at nakita kong unti-unting nawala si Vultos at pagkatapos ay may nagmaterialize na bagong guardian sa harapan niya—a huge, black bird with a red throat skin. Then after that ay bigla silang lumipad nang mabilis to the point na muntik na akong malaglag kay Phoebe sa lakas ng paghampas ng pakpak ng guardian niya. Sa isang iglap lang ay nasa malayo na sila.


"Shit. I didn't expect her second guardian," rinig kong sabi ni Ryleigh habang papalapit sila sa akin ng guardian niya.


Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nakikita ko. His guardian is a chinese dragon, a mythical creature like Phoebe. Sa malapitan ay sobrang nakaka-intimidate ang itsura niya but at the same time ay nakakaamaze din.


"W-what kind of bird was that?" tanong ko sa kanya habang nakatingin kung saan nawala ang figure ni Bridgette pati na ang guardian niya.

"A frigatebird, one of the fastest flying species."


Bigla namang dumilim ang paningin ko at naramdaman ko ang unti-unting pagkawala ng lakas ko. Nagcollapse na ang binti ko at napahiga ako kay Phoebe.


"Hey, are you okay?!" Pinilit kong idilat ang mga mata ko pero sobrang nanlalabo na ang paningin ko. Nakita ko rin na naliliwanag ang paligid ko kaya alam kong anumang oras ay magdidisintegrate na si Phoebe. I can't handle her physical form anymore.

"Shit!"


Naramdaman ko ang pagkahulog ko mula sa spirit particles ni Phoebe at napapikit na lang ako. But I'm happy because at least, I managed to save Lexi. That's enough for me.


Nagulat naman ako nung biglang may naramdaman akong surface sa likod ko at may nakahawak sa akin. Pinilit ko ulit na idilat ang mga mata ko at nakita ko ang blurry image ni Ryleigh.


"Tsk. Uso ba ang paghulog ngayon mula sa itaas? Hey, ayos ka lang ba?" Pinilit kong ngumiti pero kahit 'yun ay nahihirapan na rin akong gawin.

"T-thank...y-you..."


Bigla naman niya akong niyakap nang mahigpit kaya napakapit ako sa kanya.


"Kumapit ka nang mabuti. Ayaw ni Kon sa lupa kaya sa taas lang siya nagsstay. He's unruly." Lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap niya to the point na lalo akong nawawalan ng lakas. "We're going to jump."


Pagkarinig ko nun ay gusto kong magreklamo at sumigaw pero hindi ko magawa dahil ubos na ang lakas ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ganun din siya. Napapikit na lang ako dahil sa halu-halong emosyon.

Guardians | Self-Published under TaralikhaWhere stories live. Discover now