Chapter 12 : Fly

129K 6.1K 690
                                    


Patuloy lang sa pagtakbo si Carlos habang nakasunod pa rin sa amin ang white wolf ni Lorgan. Nag-iisip ako ng paraan kung paano makakatakas sa kanya but my mind is in panic mode. Idagdag pa na unti-unting nababawasan ang stamina ko dahil sa physical form ni Carlos. I can use Phoebe so I can stay in air but she can only last for about three to five minutes with my strength. I want Carlos to stay with me but he doesn't know any attacks yet. Hindi naman nasabi sa amin ni Master kung paano gamitin ang personal attacks ng guardians namin. Gusto kong ipakita sa kanila na malakas si Carlos but I don't know how.

Suddenly, several words swirled inside my head. May kakaiba akong naramdaman at parang nag-click lang sa utak ko ang kailangan kong gawin. May isang word and nag-linger sa isip ko and realization hit me.

This is an incantation.

Bago pa madissolve ang word sa isip ko ay agad ko itong chinant. "Carlos, infremo!"

Carlos halted and he faced the wolf. I can feel the vibration of his lungs and a gluttural growl came out his mouth, until it sounded like a thunderous roar. Nakita kong napahinto at hindi makagalaw ang white wolf but he still bared his fangs at us. For a second, napatingin din ako sa direksyon ni Lorgan and I saw him winced kahit na ganun pa rin ang position niya. Agad namang tumakbo palayo si Carlos at umakyat siya sa isang puno na may mababang branches.

I can clearly hear the thumping of my heart against my ribcage and it feels like I'm going to vomit. Nararamdaman ko pa rin ang vibration ng lungs ni Carlos, but unlike a while ago, mas kalmado na ngayon. I caressed his neck and ears because somehow, it felt like he told me what to do.

Kung hindi nag-appear sa isip ko ang incantation ay paniguradong tumatakbo pa rin kami hanggang ngayon. Hindi ko alam kung ano ang naging effect ng roar niya sa wolf pati na rin kay Lorgan but I think it made some damage.


"Thank you. Good job, Carlos." Hindi ko alam kung purr ba ang narinig ko after kong sabihin 'yun but I appreciate his response.


Napatingin naman ako sa direksyon ni Ryleigh at Bob habang hinahabol sila ng black wolf. Bob halted and used his hind legs to stand.


"Dankana!" sigaw ni Ryleigh. Bob swung his forearm, forming spririt particles that resemble a claw, and it travelled towards the wolf with an outstanding speed. Nung tumama iyon sa wolf ay naghowl ito at nagcollapse and isang binti. After that ay tumakbo ulit si Bob kasama si Ryleigh papunta sa kabilang side ng kakahuyan.


Tumingin ulit ako sa direksyon ni Lorgan at nakatayo pa rin siya sa log post pero hindi ko na makita ang mukha or expressions niya dahil madilim at malayo kami sa kanya. Bigla ko namang naalala 'yung boses ng babae na narinig ko kanina habang tumatakbo kami ni Carlos. Ilang beses na niya akong kinakausap pero hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yun. I don't even know what or who she is but everytime she talks, I feel that she wants to help me.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita kong unti-unti nang nakakagalaw ang white wolf sa pwesto niya. Lumingon-lingon siya sa paligid and I'm sure he's tracking us. Naramdaman ko ang paggalaw ni Carlos and I know na anytime ay tatakbo na papunta sa direksyon namin ang wolf. Hindi ko alam kung kaya ko pang iretain ang physical form ni Carlos dahil medyo nanghihina na ako, though unlike before, mas matagal na ngayon ang pagstay ni Carlos sa dimension na 'to. I'm glad Master trained us to increase our stamina.

I saw the white wolf looked at our direction and at the same time, Carlos jumped off the branch. Tumakbo siya palayo sa wolf at kahit masakit sa balat at paningin ang lamig ng hangin ay ininda ko 'yun para makita ang paligid. Nasa gubat na kami na nakapaligid sa Camp and I immediately saw a few silvanias on our way.

Guardians | Self-Published under TaralikhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon