But one day, may nangyaring di maganda. At sa nangyaring yun, nagbago ang lahat. Lalong lalo na sa akin. Kung ano ang tingin ng mga tao sakin ngayon is the opposite of who I was before.

Ibang iba ako noon sa ngayon na isang tahimik, walang kinakausap, hindi madalas ngumingiti, parating seryoso, at walang nakikitang emosyon.

Isang taon palang ako dito sa bansa simula ng umuwi ako. Dahil sa personality na to. Nabansagan akong Ice Prince.

May mga naging kaibigan ako sa ibang bansa, na umuwi din ng pinas para samahan daw ako, classmates ko sila. Lahat kami pinakuha ng business course ng parents namin. Taga pagmana daw eh. Well, we’re all the same. Dalawa lang silang kaibigan ko. naiintidihan nila ako eh. Tsaka sila na talaga kasama ko simula ng magunaw ang mundo ko. Alam nila ang mga pinagdaanan ko.

Yung isa si Jan. ang pinaka tahimik samin. Kung ako tahimik, siya MAS tahimik. Mabibilang mo sa mga daliri ang dami ng beses na nagsasalita yan. Kung magsalita man, 3-5 words lang. ayaw na ayaw niya na may lumalapit sa kanyang babae, na pinagtataka namin ng sobra ni Cole. Siya ang pinaka Snob saming tatlo.

Si Cole ang pinaka maingay sa aming tatlo. Alaskador yan, lagi nakangiti at laging may babae. In short. Cassanova yan si Cole. Pero lagi namang maasahan pag kinakailangan namin siya.

Pag kasama ko sila. Di ko kailangan magpanggap. Actually ako yung tipong snob pero I talk to girls hindi katulad ni Jan na sobrang iwas talaga.

*toktok*

 

“iho! May bisita ka.”  Si manang na kumakatok sa labas ng pinto ng kwarto ko.

“sino daw po?”

 

“yong mga kaibigan mo. Hinahanap ka nila. Bumaba ka na agad bago pa sila magpatayan.”

 

Tss! Manggugulo na naman ng buhay tong dalawang to. Tsk!

Bumangon ako sa kama at inayos ang sarili.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Where stories live. Discover now