Hawak sa kanang kamay ang mga gagamitin ko sa pangligo samantalang pasan ko naman si Kenji, napapahagikgik pa ito sa tuwa na parang musika sa pandinig ko.

"Sige maligo ka na Chase ako nang bahala sa makulit na ito." ang sinabi ng Nanay ng ihatid ko na ito sa harap ng bahay kung saan nakahanda na ang champorado nito.

Agad naman akong pumasok sa banyo at naligo, at matapos maligo at magtoothbrush na din ay bumalik ako sa kuwarto para magbihis ng uniform ko, sinigurado kong guwapong guwapo ang itsura ko dahil ayoko naman madisappoint ang mga tagahanga ko.

Vain na kung vain pero dito ako masaya eh, masaya ako kapag madaming humahanga at naiinggit sa akin, pero hindi lang naman ako puro papogi sa school dahil laging matataas ang mga grades ko sa nakalipad na first year hanggang third year at sisiguraduhin kong ako pa din ang maging top ngayong last year namin, maliban pa doon ay kung ano anong sports ang pinapasok ko for extra curriculum pandagdag na din ng grades at maliban pa doon ay nakakakuha ako ng allowance din kaya pandagdag na din, inabot din siguro ako ng thirty minutes sa kuwarto bago ako lumabas ng kuwarto ay sumakay ng tricycle patungo sa sakayan naman jeepney.

Inabot din siguro ng fourty five minutes bago ako makarating sa school na pinapasukan ko which is Xavier's University, isang prestigious school sa bansa na mayayaman lang ang nakakapasok nakatsamba lang talaga ako dahil ang teacher ko nang high school ay may kakilala sa school.

"Ano ba naman yan Chase fit ka na bakit ba kailangan mong maglakad?" narinig kong tanong ng may humintong BMW sa gilid ko at nang tignan ko kung sino iyon ay nakita ko ang kaibigan kong si Bruce.

"Ganyan talaga para mas maging fit." ang natatawa kong sinabi dito, agad naman ako nitong inayang sumakay sa kotse nito at nagpakonting pilit pa ako kunwari bago ako kunwari'y napapayag nito.

"Sa ginagawa mo niyan iisipin ng iba na mahirap ka lang at wala kang kotse." naiiling nitong sinabi sa akin na biglang nagpailang sa akin.

"Wala naman akong pakialam kahit anong sabihin nila." ang naging sagot ko dito kahit na nga ba sobrang inaalagaan ko ang status ko sa school.

"Sayang naman ang Lamborghini mo kung hindi mo magagamit." napapailing uli nitong sinabi, actually wala naman talaga akong Lamborghini may nakita lang akong kotse sa napuntahan kong lugar kaya nagpapicture ako kaya naman akala nila na akin talaga ang kotseng iyon.

Well sa totoo lang wala naman talaga akong balak na magpanggap na mayaman, nagkataon lang noong unang araw ko kasi ay may nagtanong sa aking mayaman na nakakotse ng Rolls Royce at tutal same lang naman daw ang dadaanan namin kaya sinabay na nila ako at nang makita nila akong bumaba sa kotse ay doon na nagsimula ang pag-aakala nilang mayaman ako na hindi ko na tinama dahil pansin ko sa school na ito ay iaoutcast ka nila kapag nalaman nilang mahirap ka lang which is ayokong mangyari.

Mabilis naman kaming nakarating sa school agad nagkumpulan ang mga tagahangan ko sa kotse ni Bruce at bago pa man ako tuluyang makalabas ng kotse ay agad na silang nag-abot sa akin ng kung ano anong mga regalo.

"Chase binili pala kita ng pabango nang nasa Paris ako sana magustuhan mo." ang narinig kong sinabi ng isang babae sabay abot ng isang paper bag na kulay bughaw, hindi pa natapos ang pamimigay nila sa akin dahil halos doce atang paper bag ang nakuha ko mula dito.

"Wow para ka lang nagshopping ah." ang natatawa namang biro sa akin ni Bruce ng tuluyan na kaming makarating kami sa locker namin.

"Siraulo, anong magagawa ko guwapo ang bestfriend mo." ang natatawa ko namang sinabi dito, nauna na itong nagpaalam at dadaan muna daw ito ng library.

Hindi ko naman mapigilang hindi mangiti nang mapag-isa na ako sa locker, excited kong tinignan ang mga binigay nila sakin, mga pabango from Hugo Boss to CK, meron pang may Lacoste na polo shirts at biglang nagningning ang mga mata ko ng makita ko ang isang Fossil watch na sigurado akong bagong edition dahil nakita ko ito minsan na minodel ng isang kilalang celebrity sa US.

Well ito ang nagiging perks kapag sikat ka nagkakaroon ka ng maraming freebies at hindi lang freebies kung hindi mamahaling freebies considering na mayayaman ang mga nag-aaral sa school na to.

Dali dali kong sinuot ang watch na nakuha ko at nagpabango na din ako ng Hugo Boss, at kinuha ko na din ang nakuha kong Ray Ban na bigay din sa akin, napangiti naman ako sa naging reflection ko sa salamin, sinong makakapagsabi na mahirap lang ako.

Matapos masiguradong guwapong guwapo na ako ay dumiretso na ako sa mga klase ko, ayos na ang lahat perpekto na ang college life ko dahil nag-aaral ako sa isa sa pinakasikat na school sa Pilipinas, nakukuha ko ang mga gusto ko kahit na nga ba hindi ako nanghihingi, ngunit lahat iyon ay magbabago sa pagdating ng isang lalaki.

Lalaking nagngangalang Dexter Soriano.

My Rival My Lover (BoyxBoy)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن