"Fine. Hatid na lang kita."

Hinila niya ako paalis ng kwarto niya. Nagpigil ako ng ngiti habang pababa at pinapanood siyang nagmumura sa sarili. Hindi man niya sabihin ay alam kong naiinis siya saakin dahil tatakasan ko nanaman siya. Kung pwede nga lang sanang huwag na akong umuwi ay hindi na talaga ako uuwi.

Nang makababa ay dumiretso kami sa kusina. Napatigil ako at nagulat ng makita si Tita Marites. Nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanila ni Samson ngunit nginisian niya lamang ako.

"Tita… uhm ano po, magpapaliwanag-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko at hysterical na linaro ang laylayan ng damit ko. Oh my God. Anong sasabihin ko! Sigurado akong alam niyang galing kami sa kwarto ni Samson.

"Rosalyn, iha." inangat ko ang ulo. Mas lalo akong nagulat ng yakapin niya ako at hinaplos ang buhok ko. Napatingin ako kay Samson. Nakangiti siya ng wagas na parang wala lang sa kanya na nahuli kami ni Tita. Na para bang alam na niyang ganito ang mangyayari.

"Tita-"

"I'm so happy that you and Samson again."

"Po? Tita-" hindi nanaman niya ako pinatapos at muling yinakap. Humalakhak si Samson at sinandal ang katawan sa pintuan.

"Thank you for giving him another chance, Rosalyn. I like Talia for him, pero wala paring makakatumbas sa'yo. Gustong gusto kita para sa anak ko. I'm glad… really really glad."

Nag panic ako ng lumandas ang luha sa pisngi ni Tita Marites. It was a tears of joy. Linapitan kami ni Samson at hinaplos ang balikat ni Tita. Gulat parin ako sa nangyari. Kung ganoon ay alam ni Tita at sinabi ni Samson na kami na ulit?

"Mom," sumimangot si Samson. Nagpunas ng luha si Tita.

"I'm sorry… masaya lang ako." inakbayan siya ni Samson at hinalikan ang pisngi ni Tita.

"Alis muna kami, ibabalik ko siya mamaya para makapagbonding kayo."

Wala parin ako sa sarili hanggang sa makalabas kami. What the hell just happen? Bakit alam na agad ni Tita na kami nanaman?

"Sinabi mo?" anas ko ng mag sink in sa utak ko ang nangyari. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Uh, yeah?"

"Kailan pa?"

"Matagal na. Binabalak ko pa lang makipagbalikan sa'yo ay alam na niya." napaawang ang labi ko at hindi makapaniwala sa narinig. Kung ganoon ay naplano na ang bagay na 'yon?

"Rosalyn, alam ni Mommy ang lahat. Sinasabi ko sa kanya dahil alam ko namang gustog gusto ka niyang maging manugang."

"Pero paano kapag sinabi niya kay Mama?"

"Hindi niya sasabihin. Sinabi ko ng secret muna." kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Ang akala ko ay alam narin nila Mama! Hinampas ko siya at pinagkukurot.

"Kinabahan ako doon! Akala ko pagagalitan na niya tayo!" hinuli niya ang kamay ko at tumawa. "Samson! Hindi nakakatuwa ang ginawa mo! Alam mo namang nagplaplano pa lang tayo."

"I know… I know… sorry na. Gusto ko lang naman ipag-alam na tayo na ulit. You don't know how happy I am right now, Rosalyn." pinigilan ko ang mapaluha ng yakapin niya ako at hinalik halikan ang ulo ko. Pinahinga ko ang ulo ko sa dibdib niya at yinakap ang bewang niya. You don't know how happy I am too, Samson.

Humiwalay ako ng makarinig ng paparating na sasakyan. Kumunot ang noo ko ng mapansing Prado iyon ni Isaiah at papalapit saamin. Nang huminto siya sa tapat namin ay bumaba ang bintana ng sasakyan.

"Oh my freaking hell…" nginisian niya kami at bumusina ng pagkalakas lakas bago humarurut paalis.

"Tangina mong gago ka!" sigaw ni Samson at tinaas ang kamay. His middle finger salutes Isaiah. Nang tumingin siya saakin ay nagkibit balikat siya at inalalayan akong pumasok ng sasakyan niya.

Magkahawak kamay kami nang makarating sa bahay. Kinakabahan ako at baka hindi pa nakakaalis si Mama papuntang salon.

"Relax," bulong niya sa tenga ko ngunit mas lalo lang akong kinabahan.

"Baka wala na si Mama," garalgal ang boses kong sabi at binuksan ang pintuan.

"Saan ka galing?" halos tumalon ako sa gulat ng marinig ang boses ni Kuya Ronnie mula sa hagdan. Dumako ang tingin niya sa magkahawak kamay namin ni Samson. Bumaba siya ng isang baytang at lumapit saamin. Humigpit ang pagkakahawak saakin ni Samson at tinago ako sa likuran niya.

"Anong ibig sabihin nito?" anas ni Kuya habang nasa magkahawak kamay parin namin ang tingin niya. Kinabahan ako at sinubukan siyang lapitan ngunit hinila ako ni Samson at muling tinago sa likuran niya.

"Kuya-"

"She slept in our house."

"Alam ko. Bakit kayo magkasama?" iniwasan ko ang titig ni Kuya. Hindi ko kaya ang madilim niyang mata. Natatakot ako dahil nararamdaman kong galit na galit siya.

"I love her. I love your sister, Ronnie-" hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay bigla na lang siyang linapitan  ni Kuya at sinuntok dahilan para mapahiga ito sa sahig. 

"Samson!" sinubukan ko siyang lapitan ngunit hinila ako ni Kuya at tinulak sa hagdanan. Nagharumentado ako at nag-alala ng makita ang dugo sa labi ni Samson. Pinunasan niya iyon at akmang tatayo ng muli nanaman siyang sinuntok ni Kuya.

"Kuya ano ba! Tama na 'yan!" tumingin siya saakin at ginulo ang sariling buhok. Hinawakan niya ang braso ko at pinalayo kay Samson. Nangilid ang luha sa mata ko ng wala man lang akong nagawa kung hindi ang panoorin siya.

"Alam mo bang magdamag kang hinanap ni Felix, Rosalyn! Ni minsan ba naisip mong may mga taong nag-aalala sa'yo at hindi ka man lang nagsasabi kung nasaan ka at sa animal na lalaking ito ka pala natulog!" nanlamig ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang pangalan ni Felix. Tuluyan ng umagos ang luha sa pisngi ko sa isiping baka napaano na si Felix kakahanap saakin kagabi.

"What? Anong nangyari kay Felix, Kuya?" Iniwasan niya ang titig ko. Yinugyug ko siya ng makita ang disappointment sa mukha niya.

"Nasaksak siya kagabi ng mga lasing sa kanto. Tinakbo namin siya sa Lorma. I don't know what happen next dahil iniwan ko na siya ng dumating kapatid niya." napatakip ako sa bibig at humagulhol ng iyak sa narinig. Oh my God. Is he fine? God sana ayos lang si Felix.

"Rosalyn," hinawakan ni Samson ang braso ko at sinubukan akong patahanin ngunit mas lalo lang lumakas ang hagulhol ko. Nasaksak si Felix dahil saakin.

"Hey, it's not-" hindi ko na siya pinatapos at tinulak siya paupo sa sofa. Tumakbo ako paalis ng bahay at tinahak ang kalsada.

Kailangan ako ni Felix. Walang mag-aalaga sa kanya. God. Kasalanan ko kung bakit siya nasaksak. Sumakay ako ng bus, wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako dahil sa luhaan kong mukha. Nang makarating sa ospital ay mabilis akong pumasok at hinanap ang room niya.

God, please. Sana ayos lang si Felix. Please. Let him be safe. Dahil kung meron mang masamang mangyari sa kanya ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

To Be Only Yours Where stories live. Discover now