“OMG! Danna! Dapat ipakilala mo na talaga kame kay Vincent!! Matagal ko na yung crush!!”

“Sikat ba din yung... Vincent?”

“Hindi naman. Sikat pero hindi kasing sikat nung boyfriend mo noh. Ayeee. Siya ang man of my dreamss~” sabi ni Lili habang nagniningning ang mata...

“Ahhhh~ sana maging boyfriend ko siyaaaa~” –Giezel

“Crush mo rin yun?!” shock na tanong ko. Napatigil naman silang tatlo.

“OMG friend, don’t tell us crush mo rin si Vince?!” at tumili naman sila.

*End of Flashback

So yun nga, nakakaiyak talaga. May kaagaw na ako kay Vince. Ajuju.

“Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa~?” Napakanta na lang ako.

“Aba.. nangangarap ka ng gising dyan?” Napalingon naman ako. Hay! Sa wakas! Dumating na rin siya!

Umupo siya sa tabi ko at tinignan si Vince. Hala. Baka mainlab to kay Vince. Wahahaha. De joke lang.

“So yan pala mga tipo mo.. habulin, gwapo, chinito, matangos ang ilong, maputi, matangkad, may kissable lips, makapal ang kilay, maangas tignan—“

“Teka, bakit parang sarili mo ata ang dine-describe mo?”

Ngumiti siya ng nakakaloko. “Ay, hindi ba ako ang type mo?”

Hinampas ko nga. “Ambisyoso ka! Ikaw na lang?”

Nilagay niya naman ang kaliwang kamay niya sa may dibdib niya at nag-act na parang nasasaktan. Yaks.

“Aray naman. Ganyan ba ang tamang sabihin sa boyfriend mo?”

Tinginan ko nga ng masama sabay irap. Tumawa naman siya.

“Yang mga tipo mo, mga good boys, madami kang kaagaw diyan.”

“I know! Sina Lili at Giezel nga may crush sa kanya! Paano na lang niya ako mapapansin?”

“Sigurado ka bang kahit walang magkakagusto diyan eh mapapansin ka niyan?”

Aba’t--! Hinampas ko nga ulit. Lenye. Imbes na suportahan ako.

“Grabe ka sakin! Kapansin-pansin kaya ako!!” diba? Diba? Diba?!

Tumawa lang siya. Weird. Habang busy siya doon, niligpit ko na ang gamit ko habang nagsasalaysay ng isang paragraph kung bakit ako kapansin-pansin. :D

(patalastas: Vincent sa right side. Oh diba? Ang gwapo niya? Wahaha. Mahal ko talaga si Song Joong Ki. Akin na siya! *bow* wahaha. Sige, ipagpatuloy... XD)

“Tara na nga!” Kinuha niya ang kaliwang kamay ko.

“Oi! Saan tayo pupunta?” sabi ko habang naglalakad kami.

“Kain tayo. Gutom na ako. Saan mo gusto?” Ayy. Eto gusto ko kay Red eh, galante. Wahahaha.

“McDo na lang tayo, mas malapit eh.” Di halatang gutom ako noh?

***

Pumasok na kami sa loob ng Mcdo. Alangan namang sa labas, diba? Ay ewan. Inaaway ko ang sarili ko. Sakit na to.

“Anong gusto mong kainin?” tanong niya.

“McSpaghetti with medium coke, medium fries, cheese burger and sundae. Ayy! Extra catsup ah?”

The Temporary GirlfriendWhere stories live. Discover now