Special Chapter 2

Start from the beginning
                                    

"'Wag mo nga'ng inaaway itong baby girl natin. Come here, Gale," alo ko sa anak. Yumapos ito sa aking leeg at hinaplos-haplos ko ang buhok nito. "Hindi pa naman sure kung girl o boy eh, hindi pa nagpapa-check-up si mommy, anak."

"Sure akong babae 'yan, love," singit ni Keaton. Sinamaan ko siya ng tingin.

"But I want a boy, daddy," kontra ni Gale.

"Pero hindi natin alam kung ano ang ibibigay ni Papa God, diba, Gale? Siya ang nagbigay sa atin nitong baby kaya dapat kung boy or girl siya, dapat tanggapin mo at i-love niyo siya ni kuya Gray at baby Kendrix, hindi ba?" pangangaral ko sa anak. Tumango-tango ito sa akin at niyuko ang umbok ng aking tiyan.

"We love you, baby Salvador," hagikgik ni Gale.

"At ikaw Salvador, pa'no ka naman nakakasigurado na babae ito, aber?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Basta lang, alam ko," sagot nito at pinaupong muli si Kendrix sa playmat nito. "Ako ang gumawa nyan, love. Ako ang nag-shoot kaya syempre, alam ko!" nagtaas-baba ang kilay nito sa akin.

"I-preno mo nga 'yang bibig mo, Keaton!" singhal ko. "Hindi ka sasama sa check-up ko bukas!" pagsusungit ko.

"Sasama ako, love. Gusto kong makita ulit si baby Salvador. Na-miss ko siya eh," aniya at hinalikan ang umbok sa aking tiyan. Naramdaman ko namang gumalaw ang anak namin sa aking sinapupunan sa tinuran ng ama. Para bang na-miss niya rin ang ama kahit last month ay nagkita naman sila at gabi-gabi siyang kinakausap. "Sasamahan ni daddy si mommy, diba, baby?"

"Sama rin po me!" nagtaas ng kamay si Gale.

"Me, too," nagtaas rin ng kamay ang masungit kong si Gray.

"Sama! Sama! Sama!" hagikgik ni Kendrix at tinapon ang toy car nya sa sobrang pagtawa.

Nang sumunod na araw ay sinamahan nga ako ni Keaton sa pagpapacheck-up sa aking OB Gyne pagkatapos ihatid ang kambal sa eskwelahan. Umiyak si Kendrix nang palabas na kami ng bahay kaya no choice kami kundi isama ito sa check-up.

Nginitian ko ang aking OB nang pumasok na ito sa clinic. Magkatapat kaming nakaupo ni Keaton sa harapan ng office table habang nasa kandungan niya si Kendrix na umiinom ng gatas mula sa baby bottle nito.

"Good morning, Mrs. Salvador. Oh," natigilan ito ng tumingin kay Keaton saka ngumisi. "The daddy is here with this Kendrix guy. Good morning, Mr. Salvador. Hello there, baby boy," ngumiti din ako saka bumati.

"Good morning, doc." Umupo ito sa harapan namin at kinuha iyong records ko.

"Iba talaga itong mister mo, hija. Magaling mag-family planning," anito at sinabayan ng tawa. Natawa na rin ako pero ngumuso lamang si Keaton sa akin. Oo nga naman, one year old pa lang nun si Kendrix nang malaman kong buntis na naman ako. "Anyways, kumusta ang baby?"

Nagkatinginan kami ni Keaton. "I didn't feel anything weird at all these past few days."

"Well, alam kong alam mong good sign iyan. Pangatlo mo na ito e," palabiro talaga itong OB ko. Natawa na lamang ako. "So, we'll go and have the ultrasound. Gusto nya bang malaman ang gender ni baby?"

Tumingin ako kay Keaton saka umiling. "W-We want to be surprised," sagot ko saka ngumiti.

"Oh, that's nice. Sige, let's go."

Bago ako tuluyang humiga sa kama ay chineck ni doktora ang vital signs ko at ang heartbeat naming dalawa ni baby. She dabbed a liquid on my big baby bump and I cannot feel anything but happiness. Ganun naman kasi talaga ako, sumasaya ang puso ko kapag nakikita ko ang baby ko na nasa sinapupunan ko. I mean, it's the most perfect creation that God made.

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Where stories live. Discover now