“Huh? B-bakit? Paano mo—”

“Kalat na sa buong campus, Vee. Alam mo naman na gusto ko siya diba? Bakit di mo man lang sinabi sa amin?!” paanong kumalat?

“Hindi ko ma-gets, Kah.”

“Oh. Don’t act stupid. Yung kinukwento ko sayo?! Sa inyo?! Yung sabi kong crush ko ever since 7th grade na MA student dito sa atin at member ng **** ******?! Grabe ka, Vee. Akala ko kaibigan kita! Diba, sabi mo pa nga you hate him because of his reputation? Eh bakit naging boyfriend mo pa?! Grabe lang talaga to. Inilihim mo pa sa amin. Na-hurt ako, Vee. Sobra.”

“I-i’m sorry...”

“Break up with him.” Napatingin naman ako sa kanya, pati na rin yung mga kabarkada ko.

“Kah, sobra naman ata yun.”

“I don’t care. Break up with him, Vee.”

“I—I can’t.” I already signed the contract. Gusto ko sanang idagdag pero that deal is confidential...

“Well then, good bye.”  And I can see tears forming in her eyes. Shet.

She walked away. Bumalik sa upuan niya. Hindi ako pinapansin ng mga kaibigan slash barkada ko. Feeling ko lang galit silang lahat sa akin. I know, kinukwento ni Caryl yun sakin pero hindi ko pa na-mi-meet yung ‘crush’ na sinasabi niya and we use codenames to refer sa mga crushes namin kaya nalimutan ko na Jarred Nikolo Candry pala ang pangalan nun.

The Great Jarred. Playboy ang bansag sa kanya ‘cause kaliwa’t kanan kung may ma-link sa kanya, ang dami niyang dine-date and sasabihing boyfriend siya, and every hour ata kung marinig ko na may napaiyak nanaman siyang babae. Wala siyang pakialam sa iisipin o sasabihin ng iba, basta kung anong gusto niya, gagawin niya, that’s one of the traits that I hate about him kahit na I never got a chance to meet him. He’s funny and friendly, walang na-link sa kanya na ka-course niya kasi ayaw niya daw na magkaroon ng issues with his friends. Matalino. Magaling sumayaw. Mayaman, anak ng isa sa mga may ari ng sikat na brand ng clothing company dito sa bansa. I never saw him, but I heard a lot about him. And now, yung ‘PB’ ng grupo namin... yung taong kinaiinisan ko dahil sa reputation niya... eh siya pa palang fake boyfriend ko...

Hindi ako nakinig sa teacher ko habang naglelesson. Lutang ang isip ko. Buti na lang nga at walang recitation naganap, kundi, nganga sana ako. Nung nagbell na, isa ako sa huling lumabas ng room. Wala man lang kumausap sakin. Dahan dahan akong maglakad sa corridor nun. Grabe din naman kasi ang tadhana. Ewan ko, naiinis ako sa sarili ko.

Natauhan ako ng may biglang humawak sa braso ko. Napatingin ako bigla sa taong yun. Oh, siya yung nanampal sa akin. Kung tutuusin, kasalanan niya to lahat. Kung di lang sana siya asyumera.

“What? Don’t you know na kawalan ng manners yang biglang pag-grab sa mga tao?”

“Manners, huh? Really, you know that? Well, Violet, I’m here for an advice. You should break up with him.” She stressed the word HIM. And sino pa nga bang tinutukoy niya?

“And you think gagawin ko yang sinasabi mo?”

“He’ll hurt you sooner or later just like what he did to me. So better break up with him.”

Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko, “Look. Ako, GIRLFRIEND niya. Hindi ako NAG-A-ASSUME kasi pareho naming alam na KAME. Kung sasaktan niya man ako sa bandang huli, wala ka ng pakialam doon dahil relasyon namin to.”

The Temporary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon