Chap. 38

747 135 12
                                    


Araw ng Day off nina Lucas at Igme. Sabik na ang dalawang makalabas ng trabaho. Sumakay sila ng van kasama ang ilang mga kasamahan.

"Lucas..Igme saan ang punta n'yo?" Tanong ng driver.

"Ahhh sa Hacienda Del Blanco. May importante kaming pupuntahan doon eh." Agad na sinabi ni Igme.

"O sige, pero paalala ko lang sa inyo hanggang alas-sinco ng hapon lang ako maghihintay. Alam naman ninyong kailangan makabalik tayo sa pinapagawang villa. Kung hindi patay tayo sa Engineer."

"Oo na." Sagot ni Igme.

Walang inaksayang panahon sina Lucas at Igme agad nilang pinuntahan ang Hacienda Del Blanco. Sumakay sila ng pampasaherong dyip upang marating ang Hacienda. Inakupa ni Lucas ang dyip upang mapadali ang byahe nila.
Mabuti nalang at kakilala ni Igme ang driver.

Ilang metro nalang at nakikita na nila ang malaking karatula sa daan..

HACIENDA DEL BLANCO

Nang huminto ang sasakyan.

"Bakit tayo huminto?" Tanong ni Lucas sa driver.

"Hanggang dito lang tayo." Sabi ng driver ng dyip.

"Bakit?pwede tayong pumasok doon." Sabi ni Igme.

"Mahigpit ang mga Del Blanco. Lalo na't pampasaherong dyip ito.Kung gusto nyo dito nalang ako maghihintay sa inyo." Sabi pa ng driver.

Napilitang maglakad ang dalawa papunta ng guard house.

"Anong kailangan ninyo dito?" Tanong ng guard sa dalawa.

"Pare, pwede ba kaming pumasok muna sa loob. Meron lang kaming sadya sa isang kakilala ko dyan sa Hacienda." Sabi ni Igme.

"Hindi pwede. Bawal tumanggap ng bisita dito ngayon. Kung gusto nyo sa Sabado at Linggo nalang kayo pumunta."

"Eh, kasi may trabaho kami sa mga araw na 'yan." Sagot ni Igme.

"Wala kaming magagawa. Yan ang utos sa amin ng mga Del Blanco."Sabi pa ng guard.

"Paano 'to Lucas, hindi tayo pwedeng pumasok sa loob ng Hacienda?" Tanong ni Igme.

"Subukan mo ngang tawagan ang kakilala mo para lumabas sandali dito."

"Lucas, may trabaho na 'yon ngayon. Mahigpit ang tagabantay sa mga tauhan. Bakit naman kasi ganitong araw pa tayo nagkaroon ng day off." Reklamo na ni Igme.

Naglakad na lamang sila pabalik sa dyip na naghihintay. Nang may nakasalubong silang huminto na truck at tila papasok sa loob ng Hacienda. Dali daling sumakay ang dalawa sa truck.

"Lucas, kinakabahan ako sa gagawin natin." Sabi ni Igme.

"Bakit wala naman tayong nanakawin doon."

"Pero baka isipin nila na magnanakaw tayo."

"Hindi ah. Kung ipapakulong nila tayo dahil sa trespassing..ako bahala."

"Lucas, madadawit talaga ako sa kabaliwan mo."

Napangiti lang si Lucas.

____________________________________

Tuluyang pumasok ang sasakyan sa loob ng Hacienda.

"Naku, Lucas malayo tayo sa main gate." Nag-alala na si Igme.

"Tawagan mo ang kakilala mo na itago muna tayo." Utos ni Lucas sabay bigay ng kanyang cellphone.

Mabilis na nag-dial si Igme.

"Ano raw?" Tanong ni Lucas.

"Aabangan nya raw tayo sa bodega ng mga prutas."

MUCHACHOWhere stories live. Discover now