Chap. 3

845 149 14
                                    

Paalis si Lucas. Inihanda na nito ang sarili sa pupuntahang Business Meeting sa syudad ng Assuncion. Habang nakaharap sya sa salamin pinagmasdan nya ang sarili. Muling sumagi sa kanyang isipan ang bagong muchacho.

LUCAS 'S POV

Sa buong buhay ko, ngayon lang nakuha ng isang bakla ang aking atensyon. Ang daming transgender akong nakilala ngunit kakaiba si Ricky.Babaeng babae ang dating. Napakanormal sa kanyang kaayusan. Kulang nalang ang magkaroon ng malaking dibdib.

Pati ang kurba ng kanyang katawan ay tulad din ng isang babae. Ang boses na lamang ni Ricky ang nagpapatunay kung ano talaga ang kasarian nya. Sayang at isinilang s'yang ganyan.

Napansin ni Lucas na wala s'yang necktie na gagamitin. Kaya tinawagan nito sa intercom si Manang Minang.

"Manang, nasaan inilagay ang necktie ko? Hindi ko kasi mahanap."

( Ay, sandali itatanong ko muna kay Jessa. S'ya kasi ang nag-ayos ng closet mo. Kasama si Ricky. )

"Si Ricky nalang ang papuntahin n'yo dito."

( Opo. )

Sa kusina, kasalukuyang naghuhugas ng pinagkainan si Ricky.

"Ricky, pumunta ka muna sa silid ni Señorito Lucas at hanapin mo ang kanyang mga necktie."

Napakagat ng labi si Ricky bago humarap sa mayordoma.

"Ahh..D-Doon lang naman po lahat sa loob ng closet nya inilagay namin ni Jessa." Sagot ni Ricky.

"Ay naku, nagmamadali si Lucas. Bilisan mo at may lalakaran pa sya." Utos ni Manang Minang.

Tumalima agad si Ricky.

"Grabe naman at hindi nya nakita ang mga necktie n'ya. Kasama lang rin naman ng mga Polo Shirts n'ya. Ang dami dami kasing damit hindi naman nasusuot." Sermon ni Ricky.

Pero muling naalala ni Ricky ang katawan ni Lucas.

"Shit! Damang dama ko parin ang katawan nya sa mga kamay ko." Napatakip sa bibig si Ricky dahil kinikilig sya ng husto. Lalo na't nag-usap pa sila ni Jessa nung nakaraang gabi..

FLASHBACK

"Bayot, inunahan mo ako sa katawan ni Lucas. Punyeta! Naka-one point ka kaagad. Kwentohan mo naman ako."

Mukhang excited si Jessa na malaman sa kaibigan ang tungkol sa katawan ni Lucas.

"Hindi ako makapaniwala..Ang ganda ng katawan n'ya. Parang tulad nung mga nakikita kong model sa mga magazine. Juscolored, parang lumilipad ang utak ko kanina."

Pag-aamin ni Ricky.

"Bayot! Ang swerte mo. Inunahan mo pa kami. Alam mo bang pangarap namin na mahawakan ang katawan ni Lucas? At higit sa lahat gusto naming makita ang kanyang ESPADA. "

Walang preno na sinabi ni Jessa.

"Hoy! H'wag kayong ganyan." Saway ni Ricky.

"Asus, pa inosente ka pa. Gusto mo ring makita ano?"

"H-hindi ah." Tipid na sagot ni Ricky.

"Aminin." Patuloy si Ricky na binibiro ni Jessa.

END OF FLASHBACK

"Natural na kiligin kami sa katawan ni Lucas. Saksakan kasi ng gwapo. Hayy, ilang babae na kaya ang dumaan sa kanyang mga kamay? Natural hindi papatol si Lucas sa mga katulad namin ni Jessa. Ang swerte ng mga babaeng 'yon...nakaranas ng yakap at halik ni Lucas..AKO KAYA? Ha ha ha ha..para akong baliw sa kakaisip nung nakaraang gabi."

MUCHACHOKde žijí příběhy. Začni objevovat